Isang premyadong manunulat si ROGELIO L. ORDOÑEZ – kuwentista’t nobelista, makata’t peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento, Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa sanaysay, Gawad Hen. Emilio A. Aguinaldo bilang Progresibong Caviteño sa larangan ng panitikan, Gawad Hen. Juan S. Castañeda bilang natatanging taga-Imus sa literarura, Gawad Alejandro G. Abadilla sa larangan din ng pagsulat, at iba pa. Noong Hunyo 25, 2011, ginawaran siya ng KM64 Poetry Collective ng titulong MAKATA NG BAYAN “dahil sa kanyang panulaang masugid na nagsusulong sa mga adhikain at pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo na yaong nakararaming isinadlak ng hari-hariang iilan sa mga imburnal at pusali ng lipunan.” Sa pagdiriwang ng Poesia 2011, pinarangalan siya ng Pamantasang De La Salle (Dasmarinas) “sa kanyang natatanging ambag sa pagpapalago ng kamalayang panlipunan at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino… sa malalim na pagsusuri sa kalagayang pambansa… at kinikilala ang kanyang kontribusyon sa panulaan at panitikan bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na lipunan.” Sa ika-107 taong anibersaryo noong Set. 30, 2011 ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ginawaran siya ng plake ng karangalang “namumukod at bantog na manunulat na, sa pamamagitan ng kanyang prolipikong panulat, ay patuloy na nagbibigay-dangal sa Unibersidad at, bilang nobelista at makata, natanghal ang kanyang sarili na isa sa pangunahing tagapag-ambag sa ikayayaman ng Literatura ng Pilipinas.”
Dati siyang kagawad ng patnugutan ng PILIPINO FREE PRESS, kapatid na magasin noon ng PHILIPPINES FREE PRESS. Naging kagawad din siya ng patnugutan ng ASIA-PHILIPPINES LEADER sa ilalim ng pamamatnugot ni Nick Joaquin at naging kolumnista din ng TEMPO at DIARIO UNO. Dati siyang Editor-in-Chief ng PINOY WEEKLY at kasalukuyang Tagapangulo ng Lupong Patnugutan nito.Isa siya sa limang awtor ng MGA AGOS SA DISYERTO, kalipunan ng piling maiikling kuwento sa Filipino, gayundin ng mga nobelang LIMANG SUWAIL at APOY SA MADALING-ARAW. Ilan sa kanyang mga obra ang napabilang sa iba’t ibang antolohiya tulad ng PARNASONG TAGALOG ni Alejandro G. Abadilla, BANTAYOG (Philippine Normal University), NATIONALIST LITERATURE at LIKHAAN (University of the Philippines), READINGS IN CONTEMPORARY BILINGUAL LITERATURE (Ateneo de Manila University), HIYAS (aklat-aralin noon sa pampublikong mataas na paaralan), SUBVERSO ng ACT (Alliance of Concerned Teachers), KILATES (UP), at iba pa. Isinalin sa Ingles ang maikling kuwento niyang SI ANTO at iniantolohiya sa STORIES FROM SOUTHEAST ASIA (Malaysia) bilang isa sa pinakamahuhusay na kuwento sa loob ng 30 taon sa naturang rehiyon, ayon kay Muhammad Haji Salleh. editor ng naturang antolohiya. Ilang taon lamang ang nakararaan, isinaaklat ng Unibersidad ng Pilipinas ang SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK? (ilan niyang mga tula, kuwento, artikulo at dula). Sa panahon ni dating Presidente Joseph Estrada, isinaaklat naman ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang kanyang mga kolum (PLUMA AT PAPEL) na nalathala sa DIARIO UNO. Ipinalimbag din bilang isang aklat noong 2007 ng Prometheus Publishing Corp. ang kanyang mga kolum at editoryal (PLUMA AT PAPEL Sa Panahon ni Gloria) na pawang nalathala naman sa PINOY WEEKLY. Isinama rin ang ilan niyang mga tula sa antolohiyang IPUIPO SA PIGING (2010). At noong Marso 15, 2011, inilunsad ang aklat ng kanyang mga tula — ang “HIJO Y HIJA DE PUTA (at iba pang mga tula)”.
Naging hurado rin siya sa iba’t ibang timpalak pampanitikan at tagapanayam din sa ilang seminar sa literatura at pagsulat. Nagtapos siya ng B.S.C.E. (Inhinyeriya Sibil) at MA (Mass Communication). Kasalukuyan siyang propesor sa Graduate School ng PUP at nagtuturo din sa kolehiyo nito ng malikhaing pagsulat, tula at panulaang filipino, pulitika ng wika, Rizal, panitikan at kasaysayan ng Pilipinas, at kontemporaryong mga suliraning panlipunan. (Para sa karagdagang datos, maaaring sumangguni sa Wikipedia at maaaring dalawin ang kanyang website — http://plumaatpapel.wordpress.com — para sa iba pa niyang mga akda. Maaari din siyang padalhan ng e-mail sa ka_rogerordonez@yahoo.com)
That’s my lolo!! A genius like me! I LOVE AND MISS YOU A LOT LOLO ROGER!
Ryan
hehehe… guwapo ni sir..
saludo ako sa pluma at papel. makabayan, makatao at matapang laban sa mga abusado sa kapangyarihan at nagsasamantala sa sambayanan. mapagmulat din.
sana dumami mga manunulat na gaya ni rogelio l. ordonez para mamulat ang maraming mamamayan sa mga katotohanang umiiral ngayon sa ating lipunan. matalim ang kanyang mga komentaryo, masaklaw at lubhang napapanahon.
tapang ni ordonez. pero makatotohanan.
sana maging Prof ko sya =D
Kinararangal ko at nakilala ko xa….. Isa xa mga prof. ko ngaun sa PUP.. Slamat sa Pag bibibgay sa akin ng Liwanag….
Sinusuportahan ko ka sir….
first lecture pa lang namin..
panalo na!..
^.^
pinsan at kaibigan. maraming pinagsamahang magandang gunitain. Boss laban lang tayo.
si prof at kasamang roger, nagkakaedad pero hindi kinukupasan ng init ng panulat, init ng dugo, init ng kamao, init ng puso pulso at siguro pati puson. pero sana prof, magsubside naman ang init ng ulo, ha ha ha saludo po lagi at ingat sa sobrang inom, sobrang pulutan, sobrang mantika, ang atake sa puso ay higit na malupit sa mga “P….. I.. ayaw mo nang makita
salamat at nakita ko ang site na ito. matagal na din akong hindi nakakadalaw sa inyo Ninong pero sa mga kuwento at lecture ko, bidang-bida ka. tawagan ko si bongzki para sabay kami makapasyal minsan sa inyo.
isang karangalan po ang makilala kayo at maging estudyante niyo po. mabuhay si sir! hehe…
mahusay kaibigan
ikinagagalak kong maging kaibigan sa facebook, sa panulat at sa samahang APO.
Mabuhay ka!
Ka Gerry
grabe.. bilib na bilib ako sa galing at talino ni sir ordonez. isa siyang napakagaling na manunulat.. gustong gusto ko yong “ang mundo sa paningin ng …..”