(Kolum)
NAKALULUNOS ang serye ng mga larawang bumulaga sa telebisyon sa kasagsagan ng mga pagbaha sa Kamaynilaan at iba pang panig ng kapuluan bunga ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Para iyong mga eksena ng malagim na pelikulang nagsasalimbayan sa balintataw at mahirap basta-basta mabura sa gunita — mga bangkay na natabunan ng gumuhong [...]
Archive for the ‘Uncategorized’ Category
Sino Ang Mga Dapat Parusahan?
Posted in Uncategorized on October 19, 2009 | Leave a Comment »
Fidel Castro: Rebolusyonaryo
Posted in Uncategorized on September 22, 2009 | 3 Comments »
(Kolum)
SA pamamagitan ng isang nakatagong estasyon ng radyo sa kabundukan ng Sierra Maestra, madamdamin at maalab na nagtatalumpati ang rebolusyonaryong si Fidel Castro. Hinihimok niya ang mga mamamayan ng Cuba na puspusang kumilos at tuluyan nang maghimagsik para wakasan ang kasumpa-sumpang diktatoryal na rehimen ni Fulgencio Batista. Bilang [...]
Tagalikha ng Pagbabago
Posted in Uncategorized on January 31, 2009 | Leave a Comment »
(Kolum)
MATAPOS ang malakarnabal na eleksiyon noong 2004 na pinamayanihan pa rin ng terorismo, bilihan ng boto, maniobra sa listahan ng mga botante at mga paglabag sa sinasabing mga batas ng Comelec maisulong lamang ang ambisyong pampulitika ng mga kinatawan ng uring mapagsamantala, luminaw nang luminaw ang paniniwala naming talagang inutil ang eleksiyon upang magkaroon ng [...]
PAGKABUSABOS
Posted in Uncategorized on January 22, 2009 | Leave a Comment »
(Kolum)
DAHIL sa talamak o litanya ng kawalanghiyaan at katiwalian sa halos lahat ng tanggapan ng gobyerno — na kalimitang ang pambansang liderato pa ang pangunahing nasasangkot — dumating na ang sandali sa aming buhay na higit pa naming iginagalang ang mga puta kaysa maraming opisyal ng burukrasya. Sa mga madasalin at nagbabanal-banalan at [...]
# Lathalain
Posted in Uncategorized on December 12, 2008 | Leave a Comment »
LITERATURA NG URING ANAKPAWIS
(Iniantolohiya sa NATIONALIST LITERATURE at KILATES ng Unibersidad ng Pilipinas)
AYON kay Nadine Gordimer, isang puting babaing manunulat sa Timog Aprika, “ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos.” Matapos niyang mabasa ang nobelang The Jungle ni Upton Sinclair, isang nobelang naglalarawan ng marawal at nakapanlulumong kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng [...]
#Talumpati
Posted in Uncategorized on November 7, 2008 | Leave a Comment »
TUNGKULIN NG MANUNULAT
(Pambungad na pananalita sa Kongreso Nasyonal ng Pambansang Linangan at Ugnayan ng mga Manunulat)
TUNGKULIN muna ng manunulat sa kanyang lipunan ang dapat talakayin at linawin. Taglay ang mataos na paniniwalang ang sining ay hindi dapat na para sa sining lamang kundi dapat na makatulong sa paghubog at pagbubuo ng isang lipunang makatao, malaya [...]
Kahabag-habag na Migranteng Manggagawa
Posted in Kolum, Uncategorized on October 22, 2008 | Leave a Comment »
NAKALULUNGKOT at nakasusulak ng dugo ang mga kaapihan at pambubusabos na matagal nang dinaranas ng migranteng manggagawang Pilipino sa Malaysia man o sa Taiwan o sa Japan, sa Singapore man o sa Gitnang Silangan, sa Europa man o sa Amerika o sa Aprika. Ilan na nga ba sa kanila ang biktima ng makahayop na kalupitan ng [...]
Kabisoteng Edukasyon
Posted in Uncategorized on October 12, 2008 | Leave a Comment »
(Kolum)
ISANG MALAKING kahangalan, kundi man ganap na katontonhan, ang iginigiit noon pa mang 2003 ng Kagawaran ng Edukasyon na wikang Ingles ang gawing pangunahing wikang panturo sa elementarya pa lamang bilang pag-alinsunod sa balintunang patakaran ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Naalaala tuloy namin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga Suliranin [...]
Kolonyal at Elitistang Edukasyon
Posted in Uncategorized on September 11, 2008 | 2 Comments »
(Kolum)
SAPAGKAT KINOPYA nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano ang ating edukasyon gayong hindi naman katugma ang ating ekonomiya ng industriyalisadong ekonomiya ng Estados Unidos, hindi nito matugunan hanggang ngayon ang mga pangangailangan ng bansa tungo sa kaunlaran at, sa halip, naging instrumento pa ito ng pang-aaliping pangkaisipan. Higit pang masama, mga korporasyong multi-nasyonal at dayuhang [...]
Wikang Nakabartolina
Posted in Uncategorized on September 4, 2008 | Leave a Comment »
(Kolum)
GAYA ng pambansang kaisipan na ibinartolina ng relihiyon sa doble-karang moralidad, impertinenteng kombensiyon at inaamag na tradisyon, matagal na ring nakabilanggo ang sariling wika (tawagin mang Tagalog, Pilipino o Filipino) sa selda ng ipokrisya at, sabi nga, nangingiming magmura kahit galit na galit na o hindi magamit ang eksaktong mga salita sa tinutukoy na mga [...]