» Uncategorized
PAGKABUSABOS
(Kolum)
DAHIL sa talamak o litanya ng kawalanghiyaan at katiwalian sa halos lahat ng tanggapan ng gobyerno — na kalimitang ang pambansang liderato pa ang pangunahing  nasasangkot — dumating na ang sandali sa aming buhay na higit pa naming iginagalang ang mga puta kaysa maraming opisyal ng burukrasya.  Sa mga madasalin at nagbabanal-banalan at kinakalyo na ang mga daliri sa karorosaryo maging sa loob ng kani-kanilang marmol at alpombrado at pinabangong kubeta, isang napakasamang babae ang puta, isang latak ng lipunan na nakasisira sa diumano’y kabanalan at kalinisan o moralidad ng umiiral na lipunang kontrolado lamang ng iilang ganid at salanggapang.
Sa aming abang palagay, higit na marangal at moral ang puta kaysa naglisaw na mga payaso’t sirkero sa gobyerno,  sa Kongreso man o sa  Malakanyang na itinuturing na santuwaryo ng diumano’y mararangal na tao  na wala na yatang ginawa, noon pa man at hanggang  ngayon,   kundi isangkalan ang pambansang kapakanan para lamang patuloy na mapagsamantalahan ang dayukdok o busabos nang sambayanan.  Mismong katawan lamang ng puta ang kanyang ibinibenta dahil sa karalitaan, dahil biktima siya ng masama’t tiwaling sistema ng lipunang ipinagkakait sa maraming maralita ang karapatang mabuhay nang marangal bilang tunay na mga tao at, kung saan, lumilitaw na para lamang sa iilang mandurugas at mandarambong sa burukrasya’t lipunan ang sinasabing sangkatutak na grasya’t pribilehiyo mula sa diumano’y mahabaging Diyos sa langit.
Sa kabilang banda, habang namamaluktot sa malamig na bangketa at mga damuhan ng parke ang mga walang bahay, habang nagkakalkal sa mga basurahan ang mga patay-gutom, habang nakabalandra ang anino ng karalitaan sa humpak na pisngi ng mga pulubi at sa pudpod na takong at suwelas ng sapatos ng mga naghahanap ng trabaho, habang binabaril pa ang mga magsasakang humihingi ng tunay na reporma sa lupa o pinuputulan ng dila ang mga tinig na humihingi ng pambansang pagbabago, habang nagtitiis sa mga barungbarong at makikipot at maruruming entresuwelo ang mga trabahador na hindi pinasusuweldo nang husto at kinakailangan pang magbuwis ng buhay sa mga demonstrasyon at welga para marinig ng mga kinauukulan ang inaamag na nilang mga karaingan, nagbibingi-bingihan naman ang “mararangal” na tao — lalo na sa Kongreso — at kinakailangan pa yatang pagbabambuhin sa ulo upang maisip ang tunay na kapakanan ng bayan.
Naghuhumindig tuloy ang katotohanang ang itinuturing na mararangal na tao sa gobyerno ang sila pang bentador ng pambansang kapakanan at ng kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon sa pamamagitan ng kanilang pamamanginoon sa dayuhang mga interes kaya hindi man lamang nila mailabas ang kanilang dila upang tutulan ang mapaminsalang mga kahingian at patakaran ng IMF-World Bank at ng iba pang mga instrumento ng imperyalismong Amerikano.  Katunayan, inamin na kamakailan ni Espiker Prospero Nograles ng Kamara sa isang panayam sa isang estasyon ng radyo na talagang aalisin nila sa iginigilgil na pagbabago sa Konstitusyon (Cha-Cha) ang mga probisyong pang-ekonomiya na naglilimita sa kapangyarihan ng dayuhang mga kapitalista upang dumagsa o ibuhos diumano sa bansa ang puhunan ng mga iyon.  Pahihintulutan na silang bumili at magmay-ari ng mga lupain at gusali dito, 100% kontrol sa mga korporasyon at negosyo at, higit na masama, babayaang  pasukin din  maging ang pambayang mga utilidades (tubig at kuryente, telekomunikasyon at mass media, transportasyon, ospital at mga paaralan)  na nararapat  na nasa kamay lamang ng mga Pilipino alang-alang, unang-una, sa pambansang seguridad.  Sa kabilang banda, dinagsa at patuloy na dinadagsa ng dayuhang kapital ang China at Vietnam nang hindi na kailangang iakma sa interes ng mga negosyanteng iyon ang mga probisyon ng  Konstitusyon ng naturang mga bansa tulad, unang-una, ng pribilehiyong makapagmay-ari ng mga lupain at gusali doon.
Sino nga kaya ang higit na marangal?  Sino nga kaya ang higit na imoral?  Ang putang nagbebenta ng sarili niya lamang katawan o ang pambansang lideratong patuloy na ipinagbibili ang buong bayan at ang mismong kapakanan ng sambayanan?
Bunga marahil ng mahigit na 300 taon na pagkakakulong ng pambansang kamalayan sa loob ng kumbento ng kolonyalismong Kastila at halos 50 taon namang pagkakabartolina natin  sa wika, edukasyon at kulturang Amerikano at nakapagkit na sa marami ang kaisipang kolonyal, hindi na dapat ipagtaka tuloy kung bakit tayong mga Pilipino ang lumilitaw na pinakasanay at pinakamatapat mamanginoon at magpabusabos sa sinumang dayuhan sa mismong sarili nating bayan.  Higit pa nga kung tayo ang nandarayuhan sa Gitnang Silangan at Europa at Amerika o maging sa mga kanugnog-bansa natin sa Asya.  Puti man o dilaw, sakang man o piki, amoy-bawang man o may anghit, o kahit dating mga bagamundo lamang sa sarili nilang bayan ang mga dayuhang ito, pinapanginoon natin sila pagdating sa ating bansa at kulang na lamang na magpatirapa tayo sa kanilang harapan, lumuhod pagkatapos, at himurin ang kanilang kuyukot.
Dahil sa kakulangan ng mailap na oportunidad sa sariling bayan bunga ng napakatiwaling balangkas ng lipunan, at  lumilitaw nga  na ang Pilipinas ay hindi isang bansa para sa nakararaming maralitang mga mamamayan kundi para lamang sa iilang pinagpalang grupo ng maimpluwensiya, mapribilehiyo at makapangyarihang mga tao — tulad ng mandarambong na negosyanteng mga pulitiko, ng hindi mabusug-busog na mga asendero’t kapitalista, ng mga santo-santito ng kung anu-anong relihiyon, at ng mga basalyos at tau-tauhan ng dayuhang mga interes — hindi na gaanong nakasisiklab ng damdamin at nakamamanhid ng utak kung bakit nagpapabusabos ang maraming Pilipino kapag sila’y nandarayuhan sa ibang mga bansa.  Kung tagahugas man sila ng puwit ng mga pasyente sa mga ospital sa Amerika, Canada o Bretanya, kung para man silang mga kalabaw na pantrabaho sa mga minahan sa Aprika o sa minahan ng langis sa disyerto ng Gitnang Silangan, kung labis man silang pinagmamalupitan ng kanilang mga amo bilang mga katulong sa bahay sa Dubai, Hongkong, Singapore, Japan o iba pang bansa, hindi sila masisisi sapagkat, sa sarili nilang bayan, matagal nang inilibing ang kanilang pag-asang mapaunlad, kahit bahagya, ang kanilang katayuan sa buhay at patuloy pa ngang ipinagkakait sa kanila ang karapatang mabuhay na parang tao sa ilalim ng tunay na hustisya sosyal at pagkakapantay-pantay.
Higit, sa kabilang banda, na nakasusulak ng dugo ang makitang sa sariling bayan ang mga Pilipino’y alipin pa rin ng mga dayuhan.  Sa halos lahat ng larangan ng ekonomiya, sa dambuhalang mga pabrika’t korporasyon hanggang sa maliliit na restawran, basar, tablerya’t tindahan ng piyesa ng mga sasakyan, dayuhan ang mga amo — Intsik, Hapon, Aleman, Bombay, Pranses, Amerikano (sangkatutak din ngayon ang mga Koreano) — at mga Pilipino ang katulong o inaalila.  Hindi tuloy naming maiwasang mangarap na sana’y magkaroon kami ng tsuper na Amerikano, kusinerong Intsik o Pranses, labanderang Espanyola, masahistang Haponesa at hardinerong Arabo, para matikman naman ng isang Pilipino na amo siya ng mga dayuhan sa mismong sarili niyang bayan.
Lubhang napakalalim na nga ang pagkakabaon at napakahigpit na ang pagkakapit ng ugat ng kaisipang alipin sa pambansang kamalayan kaya, nang magsarbey ilang taon na ang nakararaan sa Unibersidad ng Pilipinas — na ipinalalagay na makabayan at progresibo ang mga estudyante — at itanong kung anong lahi ang gusto nila kung ipanganganak silang muli, iilan lamang ang sumagot na gusto pa rin nilang maging Pilipino at ang karamiha’y gustong maging Amerikano, Canadian, Australyano, Ingles, Pranses, at iba pang kilalang lahi.  Malinaw kaya itong palatandaan na labis na nating ikinahihiya ang pagiging Pilipino sapagkat, sa pananaw ng daigdig, tayo’y lahi na ng mga busabos?
Hindi pa marahil huli ang lahat at higit na hinihingi ng panahon na gisingin at pag-ibayuhin ang mga puwersang makabayan.  Habang pinapatay ng mga puwersang dayuhan ang ating pambansang pagkalahi, pambansang karangalan o dignidad, sa pamamagitan ng pakikipagsabuwatan at lubos na pamamanginoon ng ating walang gulugod — at masahol pa sa puta — na pambansang liderato sa kanilang mga among dayuhan sukdulan mang ibenta ang pambansang kapakanan, nararapat lamang na higit nating dinggin ang panawagan noon ng yumaong makabayang Sen. Claro M. Recto.  Sinabi niya na tungkulin ng mga makabayan noong panahon  ni Rizal na labanan ang ganito sapagkat alam nila na “hindi isang bansa ang isang sambayanang walang tatak ng pagkalahi” at “isang makabayang tungkuling hinihingi ng pangangailangan ang pangalagaan natin ang ating pagkalahi.”
Binigyang-diin pa ni Recto:
“Ngayon, nahaharap tayo sa ganito ring mga suliranin at dapat natin itong harapin sa pamamagitan din ng pamamaraan ng makabayan nating mga kababayan noon. Dapat nating muling buhayin ang ating makasaysayang nagdaan, hindi ang liblib na panahon ng ating mga ninunong Malay kundi ang rebolusyonaryo nitong panahon taglay ang nag-aalab at matapat nitong propaganda at ang maluningning nitong paghantong sa larangan ng labanan.  Dapat nating maabot ang mga ideya at pangyayari ng mga panahong iyon, sapagkat ang mga iyon ang nagsilbing inspirasyon at nagpatibay sa isang buong lahi para hanapin at matagpuan ang paglaya mula sa tanikalang dayuhan.”    #
# Lathalain
LITERATURA NG URING ANAKPAWIS
(Iniantolohiya sa NATIONALIST LITERATURE at KILATES ng Unibersidad ng Pilipinas)
AYON kay Nadine Gordimer, isang puting babaing  manunulat sa Timog Aprika, “ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos.” Matapos niyang mabasa ang nobelang The Jungle ni Upton Sinclair, isang nobelang naglalarawan ng marawal at nakapanlulumong kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng karne at mga pagkaing de lata sa Chicago noong 1906, isinulat naman ni Gordimer ang kahabaghabag at nakapaghihimagsik na katayuan ng mga obrerong Negro sa mga minahan sa Aprika, gayundin ang sarisaring inhustisya ng pamahalaan sa itim na populasyon ng naturang bansa dahil sa apartheid kaya ipinagbawal ng mga awtoridad ang kanyang nobelang Burger’s Daughter noong 1979.
“Hindi puwedeng sabihin kong ako’y isang manunulat lamang,” pahayag niya, “at mga paksang tungkol lamang sa manunulat ang tatalakayin ko.  Isa rin akong tao at kung basta na lamang inaagawan ng karapatan ang isang tao, basta na lamang ikinukulong, binibimbin sa kulungan nang walang kaukulang paglilitis at hindi pinalalaya ni ipinagsasakdal, dapat na mahigpit na tutulan ng sinuman ang bagay na ito.”
Mula noon at magpahanggang ngayon, naging mapaghimagsik na tinig si Gordimer ng uring api’t anakpawis ng kanyang bansa.
Noong mga 1920 naman sa Amerika, isang Hudyong lumaki’t nabuhay sa ghetto ng New York, si Itzok Isaac Granich, na nakilala nang malaon bilang si Mike Gold, ang nagbunsod ng tinatawag na literaturang proletaryo sa naturang bansa.  Sa kanyang sanaysay na  Towards Proletarian Art na nalathala sa Liberator noong Pebrero 1921, narinig ang unang makabuluhang sigaw tungo sa paglikha ng isang malinaw at militanteng kulturang proletaryo sa isang bansang kinikilalang kuta ng mapambusabos na sistemang kapitalista.  Sapagkat lumaki siya sa ghetto ng New York sa piling ng mga kapwa maralita, sapagkat nabuhay siya bilang isang manggagawa sa mga lagarian ng troso, sa mga minahan, sa mga pabrika ng asero, sa mga kampo, sa mga bukirin at kabundukan ng Amerika, sapagkat naging biktima siya ng malupit na kapitalismo at, sa ilalim ng sistemang ito, narinig niya ang panalangin ng mga batang nagugutom at mga daing ng karalitaan, at nakita niya ang pagdurusa ng mga naghahanap ng trabaho, gayundin ang paghihirap ng mga biktima ng naturang sistema sa mga ospital, sa mga kulungan at pabrika, naghuhumiyaw ang kanyang mga akda para sa karapatan at kapakanan at dignidad ng uring api’t anakpawis, gaya ng kanyang inilarawan sa kanyang nobelang Jews Without Money at sa kanyang mga kuwentong A Damned Agitator at Love On A Garbage Dump kung kaya inihanay siya ng ilang kritiko sa mga manunulat na tinawag na “budhi ng kanilang bayan” gaya nina Theodore Dreiser ng Amerika, Maxim Gorky ng Rusya. at Romain Rolland ng Pransiya.  Pinangarap ni Gold ang pagdating ng isang panahong ang mga magsasaka’y sumusulat ng mga soneto, ang mga manggagawa’y nagtatanghal ng mga dula sa mga pabrika, nagpipinta, umaawit at isinasalin sa musika ang kanilang busabos na kalagayan at mapapait na karanasan, gayundin ang kanilang mga adhikaing makatao’t mapagpalaya.
Bagaman namamayani pa rin sa ating bansa, lalo na sa komersiyal na mga babasahin sa sariling wika, gayundin sa mga pelikula at programa sa telebisyon, ang literatura ng kababalaghan at kahangalan na nagbabandila ng kagulatgulat na pakikipagsapalaran ng mga may agimat, ng mga kalabaw at kabayong nagsasalita’t lumilipad, ng mga bibing nangingitlog ng ginto, ng mga biyenang engkantada at mga nobyong mamaw, habang nagtatampisaw sa nagahasa nang tema ng mautog na paglalambingan at pag-iibigan, upang patuloy na aliwin at lunurin sa balon ng mga pangarap ang busabos na sambayanan sa ilalim ng isang sistemang mapang-alipin at mapanikil para makalimutan ng mga ito ang kanilang gutom at mga dahilan ng kanilang pagkabusabos nang, sa gayon, di sila mamulat at maghimagsik, hindi rin naman maitatatwa na noon pang kalagitnaan ng dekada ‘50, makabuluhang nailunsad ng dalawang manunulat na nabibilang sa matandang henerasyon ang literatura ng uring anakpawis.  Sa mga nobelang Maganda Pa Ang Daigdig (1955) at Daluyong (1962), nailarawan ni Lazaro Francisco bilang tagapagsalita ng mga magbubukid sa Gitnang Luzon, ang reyalidad ng isang sistemang piyudal — ang pagkakatanikala sa lupa ng uring magsasaka at ang patuloy na pambubusabos ng mga propiyetaryo sa mga ito.  Bilang tagapagsalita naman ng mga anakpawis, hinalukay ni Amado V. Hernandez sa kanyang mga nobelang Mga Ibong Mandaragit (1959) at Luha ng Buwaya (1960) at kalipunan ng mga tulang Isang Dipang Langit at Bayang Malaya ang katotohanang naghahantad sa piyudal at neokolonyal na kalagayan ng bansa sa ilalim ng pagmamaniobra ng mga imperyalistang Amerikano at ng lokal na burukratang mga kapitalista, gayundin ang patuloy na paninikil o opresyon ng naghaharing-uri laban sa uring anakpawis.  Malinaw na gusto ni Hernandez na itaas ang dignidad at palayain ang uring manggagawa tulad ng ipinahihiwatig ng kanyang tulang Bayani:
“Sa wakas, dapat na ngayo’y mabandila
ang karapatan kong laong iniluha
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
ako ma’y anak din ng isang Bathala
at bayaning higit sa lalong dakila…
Taong walang saysay ang di Manggagawa!”
Sa larangan ng maikling kuwento na nabibilang sa naturang henerasyon, ipinakita ni Brigido C. Batungbakal sa kanyang kuwentong Aklasan, kagaya ng inilarawan ni John Steinbeck na patuloy na pagtutunggali ng obrero at kapitalista sa kanyang mga nobelang In Dubious Battle at Cannery Row, ang di makatarungang mga patakaran sa paggawa sa isang pabrika ng tabako kaya nagwelga ang mga manggagawa at, kung saan, ginamit pang instrumento ng kapitalista ang peryodismo sa pambubusabos sa mga trabahador.  Sa kuwentong Gutom ni Clodualdo del Mundo, inilarawan niya ang inutil na katarungang panlipunan at ang palsipikadong batas tungkol sa minimong pasahod.
Pagpasok ng dekada ‘60 hanggang mga huling taon ng dekada ‘70, pinasigla’t pinayabong ng sumunod na henerasyon ng mga manunulat ang literatura ng uring anakpawis.  Sa kanilang mga nobela, dula, tula, kuwento at mga sanaysay, ibinandila nila ang kabusabusan ng uring maralita, hindi upang panatilihin, kundi upang imulat ang mga ito sa mga dahilan ng kanilang kaapiha’t pagkaalipin sa isang balangkas ng lipunang pinaghaharian ng iilan lamang na mapribilehiyo, maimpluwensiya’t makapangyarihan, isang lipunang ang hustisya’y doble-kara at ilusyon lamang ang demokrasya.
Sa mga nobelang Dilim sa Umaga at Mga Kaluluwa sa Kumunoy ni Efren R. Abueg, Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio R. Sikat, Sa Mga Kuko ng Liwanag at Sa Kagubatan ng Lungsod ni Edgardo M. Reyes, Mga Halik sa Alabok ni Dominador B. Mirasol, at Apoy sa Madaling-Araw nina Mirasol at R. L. Ordonez, inilarawan at pinaghimagsikan ang patuloy na kaapiha’t kabusabusan ng masa na ang maliliit at kakaning-itik ay palagi nang biktima ng inhustisya’t kasibaan ng naghaharing-uri.
Sa mga kuwento naman nina Domingo Landicho, Epifanio San Juan, Jr., Wilfredo Virtusio, Edgar Maranan, Jose Rey Munsayac, Ave Perez Jacob, at iba pang kuwentista ng naturang dalawang dekada, gayundin sa antolohiyang Mga Agos Sa Disyerto, binusbos ang ninanana at inuuod na mukha ng lipunang Pilipino, dinalirot ang mga sanhi ng patuloy na pagdaralita ng sambayanan, lalo na ng uring anakpawis, at parang bombang pinasabog sa mukha  ng establisimiyento  ang natipong ngitngit at paghihimagsik ng masang sambayanang patuloy na pinagsasamantalahan ng bastardong mga pulitiko, ng suwitik na mga propiyetaryo’t asendero, at ng salanggapang na mga kapitalista.
Halimbawa, Sa Mga Aso sa Lagarian ni Mirasol, inilarawan niya ang kalunuslunos na kalagayan ng mga trabahador sa lagarian ng troso sa ilalim ng isang tusong negosyanteng Intsik; sa kanyang kuwentong Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak, inihantad niya ang doble-karang hustisya sa bansang ito na ang laging inilalampaso at ipinagngungudnguran sa karalitaan ay ang uring anakpawis.  Sa Senka ni Virtusio, ipinakita rin ang panggigipit at pang-aapi ng naghaharing-uri sa maliliit, ang pagbabanggaan ng mayaman at mahirap, ng mahina at maimpluwensiya.  Sa Kalampag ng mga Inuuod na Bituka ni Ely de Guzman, tinalakay ang dumating na sandali ng pagkamulat sa buhay ng isang iskirol at kung paanong ang takot na magutom ang humahadlang sa isang hindi mulat na manggagawa upang hindi umanib sa unyon habang “umaasam sa tuyong buto na ibinibitin ng kompanya, sa tuyong buto na tinatanghurang parang aso, sa tuyong buto na dapat lamang na mapasaatin.”  Hindi lamang ang paghahantad sa mga inhustisya ng naghaharing-uri laban sa uring anakpawis ang gustong isampal sa mukha ng nagbabanalbanalang lipunan ng naturang mga akda kundi ipinakita pa rin, kagaya ng kuwentong Sa Pagitan ng Dilim at Liwanag ni Munsayac ang untiunting pagkamulat ng masa sa kanilang kaapihan at ang napipintong pagbabangon ng mga ito tungo sa madugong rebolusyon.  Ang pagtalakay sa mga problemang panlipunan at sa mga puwersang mapang-alipin ay malinaw na naipinta sa kuwentong Anay ni E. San Juan, Jr.; hindi ang mga anay na sumisira sa mga kahoy at gusali ang kanyang nais ilarawan, kundi ang mga puwersa at uring mapangwasak sa “nakatayong buhay ng tao,” ayon kay Landicho, lalo na sa lipunang Pilipino.
Maging sa larangan ng tula sa loob ng naturang dalawang dekada, hindi iilang makata gaya nina Jose F. Lacaba, Lamberto Antonio, Rogelio Mangahas, E. San Juan, Jr., Gelacio Guillermo, Elynia Mabanglo, Bayani S. Abadilla, Domingo Landicho, Jess Santiago, Lilia Quindoza,  at iba pa ang tumalikod sa tema o mga paksang inuuod sa poso negro ng panitikan, gaya ng pag-awit sa simoy ng hangin, sa buwan at mga bituin, o pag-aalay kaya ng desperadong pagmamahal sa nakapanggigigil na mga dilag o mga musa ng pangarap.  Sa halip, ang mga tula nila’y tuwirang nakisangkot sa mga problemang pangkabuhayan, pampulitika’t panlipunan, at inawit nila ang alipunga at halas sa binti ng mga magsasaka, ang anghit at kalyo at ugat ng braso ng mga obrero, ang armalite sa Tarlak at Pampanga at mga kabundukan, ang laksang sapatos ng paghihimagsik, ang reyalidad ng mala-piyudal at neokolonyal na lipunan. Dinakila nila ang uring anakpawis, inawitan, at inalayan ng hosana at kamanyang, kagaya ng Ang Pasyon ng Isang Manggagawa ni San Juan, Jr. na iniukol niya sa alaala ni Crisanto Evangelista kung saan isinaad ng isang bahagi ng tula:
“Nagngingitngit, nagpupumiglas
Ang dugo sa ugat ng damdaming hinasa
sa pagdurusa’t gutom…
Pinaglumot na ang marmol na bantayog ng mga bayaning huwad
Sa Hacienda Luisita, Canlubang at iba pang kuta
Ng mapagsamantalang klase.
Crisanto Evangelista…
Silakbo ng Indiyo!  Birtud mo’y kakulangan at katuparan
Ng mundong ito.  Sa bisig mo
Sasabog ang tagumpay ng masa.”
Hindi lamang nagmumulat sa uring anakpawis ang kanilang tula kundi minsa’y nanghihikayat pa kagaya ng isinasaad ng isang bahagi ng tulang Kasama ni Bayani S. Abadilla:
“kapag ang pithaya ng ‘Internasyonal’
ay tumitibo sa dibdib
at sa kuko ng pasismo
buhay ay handang pumuti
hihintayin kita sa krus na daan
ng kaliwa at kanan
halina sumanib sa lawa ng sulo
sa kanayunan
sa talahib-sabana ng isang dugong hanay
ating itayo daigdig ng proletaryo.”
Ang iba, dahil sa pagkapoot, ay nagbabanta kagaya ng sinasabi ng ilang linya ng tulang Sigaw ng Anakpawis sa Naghaharing-Uri ni Domingo Landicho:
“Pagdatal ng paghuhukom, dadagsa
sa iyong kristal na kaharian
ang nakabukang kamao ng masa;
ang nakangangang bungangang tuyot;
ang hungkag na tiyan ng sanggol;
ang lagablab ng mga mata;
ang ipuipo ng binaog na pangarap.
lahatlahat tatayo.
ang aklat mo ay bubuksan;
hustisya ng tinig-lahi
ang titibag ng iyong hukay!”
Sa katipunan ng mga tulang Maliwalu at Iba Pang Tula ni San Juan, Duguang Plakard at Iba Pang Tula ni Mangahas, at Hagkis ng Talahib ni Antonio, malinaw na makikita ang kamalayang sosyal na nagtatangkang itaas ang dignidad ng uring anakpawis, gayundin ang maaaring malawakang pagbabalikwas ng mga ito dahil sa kaapihan.  Maging sa dula, ang pakikisangkot at pagmumulat sa uring manggagawa ay isinatinig ni Ave Perez Jacob sa kanyang dulang Gising at Magbangon na ipinakikita na panahon na upang ipaglaban ng maliliit ang kanilang mga karapatan at kapakanan para makalaya sila sa pagkaalipin at pagkabusabos.
Sa nabanggit na dalawang dekada, napansin noon ng kritikong si Dr. Bienvenido Lumbera na “sapagkat halos lahat ng bagong manunulat sa Pilipino ay kasangkot sa kilusang makabayan, ang pinapaksa ng kanilang mga akda ay mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng gobyerno, kawalan ng katarungan para sa limot na mga mamamayan, at pang-aalipin ng mga negosyanteng dayuhan at ng kanilang kasabwat na burgesya.  At sapagkat mabigat na pataw ang mga ito sa puso’t isip ng mga manunulat, nagpuputok sa pagkapoot ang kanilang mga akda.”  Sa maikling salita, sapagkat isinatinig nila ang daing ng kumakalam na mga sikmura, ang hagulhol ng mga biktima ng inhustisya, ang sigaw ng mga humihingi ng katarungan, at ang mismong lehitimong karaingan ng masa, malinaw na ang kanilang mga akda’y tagapagtaguyod ng mga karapatan at kapakanan ng uring anakpawis.
Pagpasok ng dekada ‘80, nakilala ang ilang kabataang manunulat na ang sigla ng panulat ay puno rin ng mithiing maimulat at mabigyan ng dangal ang uring anakpawis.  Kabilang sa mga ito ang mga kuwentistang sina  Reynaldo Duque, Ernie Yang, Chit Balmaceda Gutierrez, Tomas Agulto, Cyrus Borja, Reuel Aguila, at Jun Cruz Reyes; ang mga makatang sina Fidel Rillo, Rowena Festin, Romulo Sandoval, Mike Bigornia, Danton Remoto, Aida Maranan, Aida F. Santos, P.T. Martin, Pepito Frias, Renato Agulto at Fermin Salvador; mga mandudulang sina Jose Cruz Papa, Richie Buenaventura at Chris Millado.  Sa kanilang mga akda, masasalamin din ang kanilang simpatiya sa aping uri — ang karaniwang mga mamamayan at hukbo ng mga kumain-dili.
Halimbawa, sa kuwentong Walang Lubay na Istasyon ng Pag-asa at Paghahanap ni Tomas Agulto, naipakita ang aping kalagayan ng mga manggagawa sa palaisdaan.  Sa Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja, naihantad ang di makatarungang nangyayari sa buhay ng mga mangingisda — ng mga busero at mangangabog na, dahil sa karalitaan, ay napipilitang sumama sa mga barotos sa pangingisda sa pamamagitan ng dinamita sa malawak na karagatan.  Sa kuwentong Kulas ni Chit Balmaceda Gutierrez, ipinakita kung paanong itinulak ng mga puwersa ng lipunan upang gumawa nang masama ang isang karaniwang taong kagaya ni Kulas na “kulang sa ulam, kulang sa damit, kulang sa kaalaman, kulang sa pera, walang yaman, walang lupa, walang-wala.”  Sa Hindi Mapigil sa Pagdami ang mga Uod Hangga’t Mayroong Pagkaagnas ni Ernie Yang, ipinamukha sa mambabasa ang marawal at nakapanlulumong buhay ng mga iskuwater o mga walang lupa sa sariling bayan, sa tabi ng nakasusulukasok na estero at tambakan ng basura, sa mga lugar na “parang bangungot ang mukha ng kahirapan xxx ng mga taong nangangamoy, nabubuhay at natutulog sa basurahan xxx na makaligtas lang sa gutom ng isang araw ang pangunahing ambisyon sa buhay.”  Ipinahiwatig ng akdang ito na magpapatuloy ang paghihimagsik hanggang “hindi maayos ang sistemang umiiral sa lipunan xxx hanggang ang demokrasya’y nakabatay hindi sa higit na nakararaming mamamayan na napagsasaantalahan ng iilang nasa kapangyarihan.”  Isinisigaw din nito na “sa ganitong sistema ng lipunan ang karapatan ay para lamang doon sa may kakayahang bumili nito at ang mga may pera ay nababalutan ng mga karapatan at kapangyarihan” pero dahil tao rin naman ang uring anakpawis, kailangan din ng mga ito ang mga karapatang iyon.
Sa mga tula naman ng nabanggit na mga makata, nakakintal ang mataos na pagpapahalaga sa uring anakpawis, kagaya ng ipinahihiwatig ng Elihiya Kay Olalia ni Fermin Salvador, o ng Tagulaylay Kay Liza Balando ni Edgar Maranan, o ng Luksang Parangal sa Isang Magbubukid ni Rowena Festin.  Sa ilan pang mga tula, iba’t ibang nakalulunos na buhay ng uring anakpawis ang inawit tulad ng Ikaw, Isang Manggagawa na tungkol sa manggagawa sa tubuhan ni Kris Montanez, Bangungot ng Lunsod na tungkol sa mga pulubi ni Aida Maranan, Basyador ni Ariel Borlongan, Pagpipinta sa Baradero ni Hernan Melencio, Ang Magbubukid, Muli ni Danton Remoto, Barungbarong sa Sampaloc ni Mat Vicencio, at Buhay Saudi ni Renato Agulto.  Marami pang halimbawang maaaring banggitin ngunit ang mensahe ng mga tulang iyon ay malinaw na naikapsula marahil ng dalawang tulang naisulat noong dekada ‘70 — ang Kung Saan Naglalagablab ang Apoy ng Paglaya ni Romulo Sandoval at Alay Kay Kumander Tangkad ni Bienvenido Lumbera.
Sa Kung Saan Naglalagablab… isinigaw ni Sandoval:
“kasama ng mga kapwa api
mga magsasaka’t manggagawa
at ng iba pang mga kapanalig
sila’y lakas na babalikwas
Uusigin nila kayong sa kanila’y nandaraya:
kayong nasa inyuinyong tierra inmaculada
habang sila’y nasa gitna ng nagbuntong
mga bundok-basura,
kayong naglulunoy sa inyuinyong swimming pool
habang sila’y binabaha sa mga eskinita’t lansangan,
kayong nagpaparaos sa inyuinyong kubetang alpombrado
habang sila’y nasa piling ng nagbalatay na estero,
kayong walang ginawa
kundi ang sa masa’y magsamantala
Kanila ang pawis, inyo ang biyaya;
kanila ang pagod, inyo ang ginhawa.
At samasama, sila’y apoy
sila’y apoy ng paglaya
na sa inyo ay tutupok!”
Sa isang bahagi naman ng tula ni Lumbera, nakita niya ang maaaring babala sa hinaharap:
“Sa tisikong dibdib,
sa impis na tiyan ng mga busabos,
pigil na kamao ang kuyom na poot;
dugong naging tinig
babahid sa langit, sasabog na kulog,
at palalayain ang uring dayukdok.”
Nang itatag ang Amado V. Hernandez Resource Center at ilunsad nito noong 1986 ang taunang Gawad Ka Amado, isang timpalak pampanitikang naggagawad ng parangal sa mga obra ng uring anakpawis — tula, kuwento at sanaysay — nasabi ng manunulat na si Ave Perez Jacob:  “xxx  matitiyak na ngayon lamang sa ating panahong ito mayroong namumuong tunay at matapat na pagtatangkang makapagparami at makapagpalaganap ng mga obrang ang oryentasyon at tunguhin ay talagang proletaryo.  At sa nagaganap na ito, partikular sa larangan ng panitikan, kapansinpansin na ang mga obra’y likha ng mga manunulat at makatang mula na rin sa uring anakpawis, o kaya’y gawa ng mga taong ganap at lubos ang pakikiisa sa kilusang paggawa — sila na pawang malikhaing tagapagtaguyod ng ideolohiyang proletaryo.”
Ang pinangarap ni Mike Gold noong dekada ‘20 sa Amerika ay nagsisimulang magkahugis nga ngayon sa ating bansa.  Sapagkat ang mismong buhay at mga karanasan ng uring anakpawis ay mayamang minahan ng mga brilyanteng katotohanan, ang nalilikha nilang panitikan — bagaman kulang pa sa kinis o estetika ng sining — ay hindi matatawarang isang mapagpalayang testamento ng mga hinaing at mithiin at pagkamulat ng uring anakpawis.  Ang patuloy na paglahok na ito ng uring anakpawis sa paglikha ng panitikan ng kanyang uri ay matulaing nailarawan ng makatang si Fidel Rillo.  Sinabi niya:
“Bawat karanasan ay naiimpok na hibla sa dibdib ng manggagawa. xxx At tuwing lumilikha ang kanyang bisig, kasabay nitong pumipihit ang mga gulong at bolitas ng kanyang kamalayan at ang kanyang isip ay nalilikhang aserong palihan.  Untiunti, ang lahat na naiimpok na karanasan — may gaspang ng bakal, may kinang ng salamin, may salimuot ng kahoy, may timpi ng sinulid,  may silakbo ng krudo — ay bumubukal na kasaysayan.  Kasabay ng paglabra sa molabe’y isang titik ng pagkabatid.  Kasabay ng paghahabi ng hibla’y isang salita ng pagkamulat.  Isang pindot ng buton at isang prase ng mithi.  Isang ikot ng gulong at isang pangungusap ng pagtutol.  Isang haliging maitindig at isang talata ng paniniwala.  Hibla bawat hibla.  Bato bawat bato.  At sa kaganapan ng silya, tela, makina, gusali at salapi, isang maskuladong akda na nagbabandila ng kanyang di mapupuwing na panata at kapangyarihan sa paglikha.”
Bunga nito, sumulat ng sanaysay ang manggagawa ng San Miguel Corporation sa Polo Brewery — si Rafael Rivera — at sinuri niya ang nakaraang kasaysayan ng bansa at sinabing “ang masa ang tagalikha ng kasaysayan.”  Ang mga organisador ng BAYAN sa Pasay — ang mag-asawang Cesar at Olivia Cervantes — ay sumulat ng sanaysay, kuwento at tula.  Sa kuwentong Mga Huling Yugto sa Buhay ng Burges na Manggagawa ni Olivia, malinaw na naihayag ang lehitimong karaingan ng uring manggagawa laban sa mga kapitalista sa pamamagitan ng mga linyang ito:  “Ang hinihingi natin ay kapiraso lang sa tonetoneladang tinapay na nalikha natin, barya lang sa milyunmilyong pisong tinubo ng kapitalista upang tayo’y may makain…”  Isinatinig din nito ang nararapat gawin ng uring anakpawis: “Dapat pa tayong magpalakas.  Pag malakas na tayo, pag mulat na ang karamihan sa atin at di na kayang takutin, bilhin o bolahin, tayo na ang mananaig sa pulitika…”
Sumulat naman ng mga tula si Cesar Francisco, trabahador sa Manila Paper Mills, Inc., isinisigaw ang paglaya ng uring anakpawis sa kanyang mga tulang Tambuli ng Kalayaan, Manggagawa, at Ang Nais Kong Gantimpala, at tinuligsa rin niya ang panloloko ng mga pulitiko sa sambayanan sa kanya namang tulang Ang Tanghalan ng Halalan. Tumula rin si Tito Miralles, sekretaryo ng isang unyon, isinigaw rin ang pagnanasa ng uring anakpawis na malagot ang tanikala ng kanilang pagkaalipin sa kanyang mga tulang Anakpawis, Sipag, Tiyaga at Tapang at Demokrasya. Gayundin, isinigaw naman ni Pepito Frias sa kanyang mga tulang Sundot, Kulit Kay Pedro at Malaki na ang Sanggol ang pangangailangang patatagin at patalasin ang isip ng uring manggagawa hindi lamang para sa welgang pangkabuhayan, kundi maging sa welgang pampulitika.   Isinulat naman ng isang magsasaka — ni Virgilio Buenaflor — tagasuri ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK) at pangulo ng Sandigan at Tinig ng Sityo Maligaya (SANTISIMA) — ang isang kuwentong mismo niyang karanasan sa maramihang pagpatay ng mga puwersa ng gobyerno sa walang labang mga magsasakang nagsipagmartsa noon sa Mendiola.  Inihandog niya ang kuwentong iyon sa alaala ng isa niyang kasama, si Abet Laquindanum , manggagawa sa Filsyn, na isa sa naging mga biktima ng naturang malagim at kasuklamsuklam na insidente.  Ikinuwento rin ng isa pang nabibilang sa uring anakpawis — ni Abelardo Cruz –  sa kanyang kathang Ningas ng Apoy — kung paanong pinapatay ng puwersa ng estado ang isang nagmamalasakit sa mga karapatan at kapakanan ng maliliit.
Isang nobela naman na pang-uring anakpawis  na pinagkalooban ng Gawad CCP — ang Sibol sa mga Guho ni Jacob — ang masusing dumalirot at tumalakay sa mga dahilan ng patuloy na kaapihan at pagkabusabos ng masa, kung saan ang uring anakpawis ay itinulad sa mga sibol na umuusbong, yumayabong at namumunga  sa naguguho o nabubulok na lipunan hanggang ang uring ito ay mamulat, magising, mag-organisa at, sila, bilang uring anakpawis, ang siya lamang makapagpapalaya sa kanilang sarili.
Anupa’t hanggang umiiral ang inhustisya at pagsasamantala ng naghaharing-uri laban sa nakararaming dayukdok na masa, hanggang nagpapakabundat sa pawis at dugo ng mga manggagawa ang salanggapang na mga kapitalista, hanggang itinatanikala at ipinangungudnguran sa lupa ng mga tusong propiyetaryo at asendero ang kinabukasan ng mga magsasaka, hanggang ipinahihintulot at nagpapakasangkapan pa ang estado sa pagkubabaw ng mapang-alipin at mapandambong na dayuhang mga interes, at hanggang ang dignidad ng uring anakpawis ay ginagawa lamang pamunas ng puwit at paa sa palasyo ng iilang makapangyarihan, maimpluwensiya’t mapribilehiyo, hindi mahahadlangan ng mga multo at puwersa ng reaksiyon ang paglaganap at pagsulong ng literatura ng uring anakpawis tungo sa kanilang pambansang katubusan.#&l
#Talumpati
TUNGKULIN NG MANUNULAT
(Pambungad na pananalita sa Kongreso Nasyonal ng Pambansang Linangan at Ugnayan ng mga Manunulat)
TUNGKULIN muna ng manunulat sa kanyang lipunan ang dapat talakayin at linawin.  Taglay ang mataos na paniniwalang ang sining ay hindi dapat na para sa sining lamang kundi dapat na makatulong sa paghubog at pagbubuo ng isang lipunang makatao, malaya at progresibo, minabuti namin na ang naturang paksa ang maging kauna-unahang testamento ng aming pakikiisa at pakikisangkot sa anumang adhikaing makabayan at mapagpalaya ng sambayanan.
Sinasabing ang manunulat ay “mambabatas ng daigdig” at “direktor ng konsensiya ng bayan” kung kaya hindi lamang siya dapat na maging matapat na tagapaglarawan ng buhay, kundi dapat din siyang maging pinakamahigpit na kritiko nito.  Ang talikdan niya ang tungkuling ito at, sa halip, maging tagabenta lamang siya o tindero ng mga kasinungalingan at kahangalan sa palengke ng lipunan ay isang napakalaking kasalanan hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa buong sambayanan.  Higit sa lahat, kinakailangan ng manunulat na maging matapat sa kanyang sarili,  at sa kanyang sinulat,  upang mapangatwiranan niyang may karapatan siyang ipabasa sa sambayanan ang kanyang obra — tula man iyon, kuwento o nobela, dula man o sanaysay o artikulo at maging balita.
Sa nagdaang dalawang dekada ng pasista’t diktatoryal na rehimeng Marcos, hindi iilang manunulat — lalo na sa larangan ng peryodismo — ang waring inurungan ng bayag bagaman, sa isang banda, maikakatwirang sinensor ang kanilang sinulat o walang publisistang maglathala ng mga iyon.  Mapatatawad ang manunulat kung totoo ang kadahilanang ito, ngunit kung sinadya niyang sumakay sa ruweda ng panlilinlang at ang totoo lamang sa kanyang sinulat ay ang kanyang pangalan — na minsa’y hindi pa rin totoo — makabubuti pa marahil na itinapon niya sa basurahan ang kanyang makinilya at baka napakinabangan pa ng mga magbobote’t magbabakal at ang mapagbibilhan ay maibili man lamang ng tinapa’t galunggong at ilang kilong bigas.  Maaaring ituring pa siyang bayani kung pinutol niya ang kanyang mga daliri kaysa maging kasangkapan iyon ng panloloko sa sambayanan ng masusugid na tagapagtaguyod ng bulok at mapambusabos na “status quo” at ng mga basalyos ng inhustisya’t pagsasamantala, ng paninikil at kalupitan, ng pang-aalipin at pagmamalabis sa kapangyarihan.  Kung naduwag man siya, makabubuti pa marahil na hindi na siya sumulat at maaaring mapagkamalan lamang siyang tamad o kinakalawang ang utak.
Maging sa kasalukuyan, hindi maitatatwang marami pa ring mga obrang iniluwa ng mga “vendo machine” at naghambalang sa mga bangketa na diumano’y para sa sining ang puwedeng ihalo sa darak at ipakain sa mga baboy.  Naglulunoy pa rin ang mga ito sa kabalbalan at kababalaghan sa “swimming pool” ng mga Captain Barbel at Darna, ng mga salamangkero at drakula at aswang, o nagpapakalunod kaya sa masabaw at malibog na pag-iibigan habang, sa kabilang banda, nagdudumilat ang malapulmonyang mga sakit ng bayan na hindi na basta-basta magagamot sa pamamagitan ng karaniwang mga tabletas tulad ng decolgen at aspirina.  Sa ganitong mga paksang nilalangaw at inuuod sa poso negro ng panitikan, wala kaming masalat ni gahiblang dahilan upang sabihin na ang kinauukulang mga manunulat ay naging matapat na tinig ng budhi ng bayan.  Kung tunay ngang tagapaglarawan at tagapagsalita ng kani-kanilang panahon ang mga manunulat — gaya halimbawa nina Marcelo del Pilar at Lopez Jaena at Jose Rizal noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, o ng mga Amado V. Hernandez at Lazaro Francisco ng kanila namang panahon — ano, kung gayon, ang dapat namang isatinig ng kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat?
Matagal nang inilalampaso ang bayan sa sariling kalbaryo.  Habang mga gulugod-dikya at may kaisipang alipin ang mga namumuno sa gobyerno at parang mga pulgas na ayaw humiwalay sa kolyar ng imperyalismong Amerikano, hindi malayong lumawak ang impiyerno ng mga busabos mulang Tondo at Sapang Palay hanggang sa bawat sulok ng kanayunan habang, sa kabilang banda, sa palasyo ng iilang makapangyarihan, maimpluwensiya’t mapribilehiyo, ginagawang pamunas lamang ng puwit at paa ang dignidad ng sambayanan samantalang sa dambuhalang mga pabrika’t korporasyon, nilalamon ang ugat at laman ng braso ng mga trabahador, nilalaklak ang dugo’t binubusabos nang husto at pinasusuweldo nang hindi pa sapat na pambili ng kahit palotsinang kabaong kapag sila’y namatay; at, sa mga kanayunan naman, ang mga magsasaka’y parang mga kalabaw lamang na itinatanikala sa lupa, at tulyapis at ilang subong kanin lamang ang gantimpala.  Sa kalunsuran, habang parang mga baboy na inuulaol ng mga diyus-diyosan ang kayamanan ng bayan at binubutas ng mga punglo ang mga utak at dibdib ng pagtutol, at pinuputalan ng dila ang laksang tinig ng paghihimagsik, makokonsensiya pa kayang awitin ng kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat ang mga buwan at bituin, o magagawa pa kaya niyang makipagsarsuwela sa mga puwersang umaalipin at bumubusabos sa masang sambayanan?  Sa kabila ng mga problemang pangkabuhayan at panlipunan — mulang doble-karang hustisya hanggang palsipikado’t kinakalawang na demokrasya — magagawa pa kayang aliwin ng mga manunulat ang sambayanan sa pamamagitan ng pagsasakay sa mga ito sa mga saranggola ng pantasiya’t kahangalan upang dalhin sa daigdig ng mga multo at agimat at lunurin pagkatapos sa balon ng mga pangarap?:
Sa yugtong ito ng maagiw na kasaysayan ng bansa, ang kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat ang unang-unang dapat makahulagpos sa sapot ng pambubusabos sapagkat nasa kanyang pluma at papel ang maso’t pandayang huhubog hindi lamang sa panitikan at kultura, kundi maging sa ideolohiyang pangkabuhayan at pampulitika.  Ang tinig niya’y tinig ng sambayanan.  Ang dignidad niya’y dignidad ng bayan.
Sa Mga Manunulat
ikaw, ikaw na kasiping ng pluma
ay saan nga ba pupunta?
manungaw ka sa bintana ng kaluluwa
at butasin ng mga mata
ang pader ng pagkaaba.
bawat mansiyon at palasyo’y
silipin ang mga kuwarto
at matutong mag-atado
ng bituka’t mga apdo.
ikaw, ikaw na utak manunulat
ay dapat mamulat
sa mga larawang sa kuwadro’y nagsugat
isang subong kanin at ulam na hangin
ang tinititigan ng matang malungkot
sa mesang lansangan
ng humpak na pisngi’t butuhang daliri’t
pudpod na sapatos
palad na naglintos sa pambubusabos.
pag iyong nakatas ang pait at dusa
ng patak ng ulan
sa bubong na pawid, sahig na kawayan,
sa langis at grasang sa mata’y humilam,
sa ugat ng brasong kinain ang laman,
sa dugong tumigis sa mga lansangan,
sa bundok at parang…
saka malalaman ang siklab at alab
ng isang paglayang iyong pupuntahan!
Kahabag-habag na Migranteng Manggagawa
NAKALULUNGKOT at nakasusulak ng dugo ang mga kaapihan at pambubusabos na matagal nang dinaranas ng migranteng manggagawang Pilipino sa Malaysia man o sa Taiwan o sa  Japan, sa Singapore man o sa Gitnang Silangan, sa Europa man o sa Amerika o sa Aprika.  Ilan na nga ba sa kanila ang biktima ng makahayop na kalupitan ng kanilang mga amo: walang patumanggang binugbog, pinaso ng plantsa, inginudngod sa kubeta, ginutom at ginahasa?  Ilan na ba sa kanila ang nakabilanggo ngayon dahil napilitang ipagtanggol ang sariling karapatan sukdulan ngang makapatay?  Ilan na ba sa kanila ang pinutulan ng ulo, binitay o  nakatakda nang  bitayin?  Ilan na ba sa kanila ang umuwing baliw o iniuwing bangkay na lamang?  Tingnan na lamang ang detalyadong mga datos ng grupong MIGRANTE kaugnay nito.
Nagsimula ito matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano.  Naging kolonya tayo ng Amerika at ipinatupad ng gobyerno ang mga patakaran ng malayang kalakalan kaya naging tambakan ang bansa ng sobrang mga produkto ng Estados Unidos at, higit pang masama, dahil sa masidhing pangangailangan ng Amerika sa hilaw na mga materyales, hinuthot nito ang likas na yaman ng bansa na nagpalaganap ng karalitaan hanggang sa kanayunan at tuluyang nagbunsod sa migrasyon ng manggagawang Pilipino.
Sa kasaysayan ng pandarayuhan ng manggagawang Pilipino — na kilala ngayon bilang OCWs (overseas contract workers) — maaaring ang kauna-unahang napatalang migrasyon ng mga ito ay ang pagdating sa Hawaii noong Disyembre 20, 1906 ng grupo ng 15 kalalakihang Ilokano upang magtrabahong parang mga sakada sa plantasyong Olaa.  Pagsapit ng 1934, umabot ng 120,000 ang nagkakandakubang manggagawang Pilipinong  nagkalat sa mga taniman ng tubo at pinya at iba pang produktong agrikultural sa Hawaii.  Karamihan sa kanila’y mga magsasakang hindi nakapag-aral mula sa Pangasinan, Cebu at Ilokos kung kaya madaling nalinlang sa mga kontratang kanilang tinanggap, pinasuweldo nang agrabiyado, at napilitang lunukin ang hindi makatarungang mga kondisyon sa paggawa.  Pinagtrabaho sila ng 10 oras sa isang araw, 26 na araw sa isang buwan, sinigaw-sigawan at ininsulto ng mga tagapamahalang Haoles — mga Amerikanong Caucasian — at kapag nagkamali o saglit na nagpahinga, sinasaktan pa minsan ng mga katiwalang Kastila at Portuges.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada ‘40 hanggang dekada ‘60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga manggagawang Amerikano sa parehong trabaho.
Dahil bagsak nga ang ekonomiya ng bansa bunga  ng  kainutilan, katiwalian at makadayuhang patakarang pangkabuhayan ng walang gulugod na pambansang liderato, at lubhang mailap ang oportunidad para sa karaniwang manggagawang Pilipino, nandayuhan na rin sila sa Thailand at Malaysia sa mga huling taon ng 1960.  Kahit hindi tiyak ang kasasapitan, nakarating ang iba sa Alemanya, Italya at Pransiya, at iba pang mga bansa sa Europa.  Napadpad ang iba sa California at Chicago sa Amerika, sa Ontario at Winnepeg sa Canada, dahil sa pagbabakasakaling matagpuan ang hinahanap na ginto upang maiahon sa gutom at karalitaan ang iniwang nalulungkot at nangungulilang mga pamilya.
Nang pairalin pa ang Batas Militar ng diktadurang Marcos noong 1972, lalong humilahod ang pambansang ekonomiya, lalong naghirap ang ordinaryong mga mamamayan, at lalong tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso kaya lalong tumindi ang migrasyon ng mga manggagawang Pilipino — babae man o lalaki — at napadpad sila sa iba’t ibang lupalop, sa Iraq man o sa Iran, sa Bahrain man o sa Kuwait o sa Dubai sa Gitnang Silangan, sa Angola man o sa Ethiopia at Nigeria sa Aprika, at maging sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Japan at Korea sa Asya.  Ang iba, kahit salat sa kaalaman at karanasan, ay napilitang sumuot at maglingkod sa pandaigdig na industriya ng pagbabarko, naglayag saanmang sulok ng  mundo taglay ang mumunting mga pangarap na malimit namang nilalamon lamang ng dambuhalang mga alon sa malawak na karagatan.
Sa kasalukuyan nga, milyun-milyon na silang parang mga layak na nakakalat sa iba’t ibang mga lupain at kayakap nila ang pangungulila’t kalungkutan, biktima ng inhustisya’t kaalipinan, ng karahasan at kamatayan, sa kanilang mahaba’t marawal at nakahahabag na kasaysayan.  Tiniis nila ang nakapapasong init sa mga konstruksiyon at minahan ng langis sa disyerto ng Saudi Arabia;  tiniis nila ang makadurog-butong lamig sa pabrika ng salmon at sardinas sa Alaska; tiniis nila lalo na ng mga kababaihan ang pagmamalupit ng kanilang amo — ang suntok, sipa’t tadyak, bugbog at panggagahasa sa Singapore, Hongkong at mga bansang Arabo; tiniis nilang magsayaw nang hubo’t hubad, mabulid sa prostitusyon, laspagin at babuyin sa mga bahay-aliwan sa Japan; tiniis nila ang malarya at iba pang nakamamatay na sakit sa mga minahan sa Aprika ngunit, higit sa lahat, tiniis nila ang nakapanlulumong kalungkutan dahil sa matinding pangungulila sa iniwang mga mahal sa buhay.
Bagaman nasusuhayan nga nila ang bumabagsak na pambansang ekonomiya  sa pamamagitan ng bilyun-bilyong dolyar na ipinadadala nila  taun-taon sa bansa, nakapaghihimagsik na hindi naman sila ganap na pinangangalagaan o tinutulungan  ng sariling gobyerno hinggil sa mga problemang kaugnay ng kanilang mga trabaho sa iba’t ibang banyagang lupaing kinaroroonan nila ngayon.  Patuloy lamang silang binobola o inuutong “mga bagong bayani” ngunit wala namang kongkreto’t makabuluhang mga programa ang pambansang liderato upang sila’y maalalayan at sagipin sa kumunoy na kanilang kinasadlakan.
Dahil sa kontra-manggagawa at makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng umiiral o naghaharing rehimen, inaasahan pa ngang lalong titindi ang pandaruhayan ng manggagawang Pilipino kahit hitik na ang kasaysayan nito ng inhustisya’t kalupitan at kaalipinan.  Hanggang inutil ang gobyernong mabigyan ng sapat na oportunidad ang kanyang mga mamamayan — desenteng trabaho, makatarungang sahod, kaukulang mga benepisyo sa paggawa tungo sa maluwag o komportableng buhay — patuloy at patuloy na ipapadpad ng hangin ng karalitaan at  kakalat na parang mga layak sa iba’t ibang panig ng mundo ang manggagawang Pilipino.  At. di nga kasi, patuloy at patuloy ding mararagdagan ang mahaba nang listahan ng mga inabuso’t ginahasa, ng mga pinatay at nagpakamatay, ng mga ikinulong, pinahirapan at binitay, ng mga umuwing baliw o bangkay na lamang, hanggang hindi maabot ng kurtadong utak ng estado ang tungkulin nitong lubos na pagmalasakitan, pangalagaan at ipagtanggol ang interes ng uring manggagawang Pilipino — narito man o nasaan mang panig ng mundo.
Marami nga sa kanila — lalaki man o babae — ang umalis ng bansa nang luhaan o humahagulhol hanggang sa loob ng eroplano at, kung hindi man bumalik na bangkay na lamang, umuuwi namang bigo’t halos masiraan ng bait, durog ang mga pangarap at pira-piraso ang kinabukasan dahil sa mapait at malagim na karanasan sa banyagang lupang pinuntahan sa paghahanap ng kahit kapirasong langit para sa mga mahal sa buhay.
Kahabag-habag na uring manggagawa!
Kabisoteng Edukasyon
(Kolum)
ISANG MALAKING kahangalan, kundi man ganap na katontonhan, ang iginigiit noon pa mang 2003 ng Kagawaran ng Edukasyon na wikang Ingles ang gawing pangunahing wikang panturo sa elementarya pa lamang bilang pag-alinsunod sa balintunang patakaran ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.  Naalaala tuloy namin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga Suliranin ng Isang Guro).  Sa nasabing kabanata, sa wikang Kastila tinuturuan ang mga bata gayong hindi pa naman sila nakakaintindi ng wikang iyon.  Dahil hindi nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag  ng mga bata ang kanilang aralin.  Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa hayskul, kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat sa kakayahan sa banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote.
Kaugnay nito,  isang sulat noong nabubuhay pa si Dr. Nemesio E. Prudente, nakilalang makabayan, makatao, progresibong intelektuwal at edukador, at naging Presidente ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang tinanggap namin mula sa kanya.  Ayon sa kanya, ang iginigiit na wikang Ingles agad ang gamiting wikang panturo sa elementarya pa lamang ay “sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal.”
Niliwanag at binigyang-diin ni Dr. Prudente ang pagtutol niya sa nabanggit na patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng rehimen ni La Gloria.  Dahil wikang Ingles nga ang ginagamit na panturo sa elementarya pa lamang, napakaliit na porsiyento tuloy ng mga nagsipagtapos sa Grade VI ang pumapasa sa pambansang pagsusulit para matanggap sa mataas na paaralan.  Kinailangan tuloy ipanukala ng diumano’y henyong mga opisyal ng naturang kagawaran ang napakakontrobersiyal na “bridge program” na tandisan nang tinututulan hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro sa pampublikong mga paaralan.
Unang-una, sa punto ni Dr. Prudente,  ”repleksiyon ng mababang kalidad ng pamumuhay sa bansa ang sistema ng edukasyon,” gayundin ng “kolonyal na mentalidad, kainutilan at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno at ng burukrasya.”  Natural, kapos ang badyet para sa edukasyon na niwawaldas pa nga’t kinukurakot ng mga kinauukulan kaya kulang na kulang din sa mga paaralan, mga pasilidad, at may sapat na kakayahang mga guro.  Bukod dito. binigyang-diin niya, “isa sa pinakamalaking problema nga ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa elementarya.  Pinipilit ng mga may kaisipang kolonyal na matuto ng pagbasa, matematika at siyensiya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Ingles, isang dayuhang wikang nagsisimula pa lamang nilang pag-aralan.”
Batay sa mga pagsusuri sa Amerika at Canada, sabi niya, lima hanggang pitong taong ipinaiilalim sa mga programa sa pag-aaral ng wika ang mga estudyante bago maabot ang kahusayang pang-akademiko.  Tinututulan tuloy ng progresibong mga edukador doon na ipailalim sa gayong programa sa loob lamang ng tatlong taon ang migrante o dayuhang mga estudyante bago pahintulutang isabak sa iba’t ibang asignatura.  Dahil tatlong taon nga lamang, at hindi pa ganap na humuhusay sa banyagang wikang Ingles, sarisari ang nagiging problema ng dayuhang mga estudyante — pangwika man o pangkultura.
“Isang malaking kabobohan, samakatuwid, ng mga oplsyal ng edukasyon,” binigyang-diin niya, “na gamitin ang Ingles na  wikang panturo agad sa mga mag-aaral sa elementarya na tinuturuan pa lamang ng Ingles bilang ikalawang wika o ikatlong wika sa mga rehiyong di-Tagalog.”  Sa naturang antas, dapat na wikang Filipino ang gamitin kaagapay ang katutubong diyalekto bagaman,   ayon nga sa kanya, mulang Grade I hanggang Grade VI, dapat ding ituro bilang isang asignatura (subject) ang Ingles tulad din ng wikang Filipino.  Kaya, sa nabanggit na mga grado, sa Filipino dapat ituro ang siyensiya at matematika na maaaring salitan ng katutubong diyalekto sa mga rehiyong di-Tagalog.  Sa hayskul na simulan, sabi niya, ang paggamit sa Ingles bilang wikang panturo (medium of instruction).  Hindi ito nangangahulugang kakaligtaan na ang Ingles, ayon pa rin sa kanya, kaya nga dapat na isa itong asignatura sa lahat ng antas ng pag-aaral mulang elementarya hanggang kolehiyo.
Inihalimbawa ni Dr. Prudente ang sistema edukasyonal ng  Japan, China at Korea na sariling wika ang ginagamit na panturo sa lahat ng asignatura — kabilang ang matematika at siyensiya — at, bunga nito, taun-taon, laging nangunguna sa Silangan at Timogsilangang Asya sa mga pagsusulit ang kanilang mga estudyante at nangungulelat ang mga tinuruan agad sa Ingles gaya ng ating mga estudyante.  Katunayan, binigyang-diin niya,  sa nasabing mga bansa, lumikha pa sila ng mga “calculator” at “computer” na nasa sarili nilang wika bagaman ginagamit din sa kolehiyo  ang nasa wikang Ingles.
Hinahamon niya tuloy, noon pa man, ang mga opisyal ng gobyerno at mga edukador na may kolonyal na mentalidad na magbago ng mga patakaran at paninindigan at huwag igiit na Ingles ang gamiting wikang panturo agad sa elementarya, lalo na nga sa siyensiya at matematika.  Ayon sa kanya, dapat na magtayo ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilang piling lugar sa bansa ng tinatawag na “pilot schools” na wikang Filipino — katulong ang katutubong mga diyalekto — ang gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa elementarya, lalo na’t sa nabanggit na dalawang araling akademiko.   Batay sa kanyang pagsusuri, tinitiyak niyang magiging mahusay ang resulta nito sa kabuuan.
Habang nasa kani-kanilang sariling wika ang edukasyon ng halos lahat ng bansa sa mundo — Kastila sa Amerika Latina, Pranses sa Pransiya, Ruso sa Rusya, Nippon-Go sa Japan, Fookien at Mandarin sa Tsina, Bahasa Indonesia sa Indonesia, Aleman sa Alemanya, at marami pang halimbawang mababanggit — bukod tangi ngang nasa banyagang wikang Ingles ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.  Nagkaroon tuloy ng nakasusukang pakahulugan ang mga elitista’t may kolonyal na kaisipan na “hindi edukado” at “bobo” ang sinumang hindi marunong o mahina sa Ingles at “nasisiraan na ng ulo.” ayon noon sa isang Max Soliven sa isang kolum niya sa Manila Times (Pilipino In, English Out: Are We That Nutty?)  kapag niyakap natin ang sariling wika at pinabayaan ang Ingles.
Ano nga ba ang narating ng edukasyon sa bansang ito sa pamamagitan ng wikang Ingles?  Lumilitaw ngang pababa nang pababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.  Nang suriin ang uri ng mga kolehiyo at unibersidad sa Asya, hindi pa napabilang sa unang 40 ang pangunahing mga pamantasan sa bansa tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo University, De La Salle at Unibersidad ng Santo Tomas.  Higit na masama, maliwanag na bangkarote ang kasalukuyang edukasyon — sapagkat kinopya nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano –  kaya, sa kabilang banda,  hindi naman nito matugunan ang pambansang mga pangangailangan at problema para pasukin ang daan ng kaunlaran tungo sa kinakailangang industriyalisasyon.
“Kung susumahin,” ayon kay Dr. Prudente, “ang problema’y nasa sistema at balangkas:  elitista, kolonyal, maka-kapitalista, maka-pribadong mga paaralan.”  Binigyang-diin pa niya na sa dispalinghadong mga patakaran ng gobyerno, “hindi na katakatakang talagang ayaw nilang paunlarin ang kalidad ng pamumuhay ng masang sambayanan kabilang na ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon.  Pinaglalaruan lamang nila ang mga maralita at iliterado, pinaaasa lamang kung eleksiyon at, pagkatapos, kalilimutan na.”  Ayon tuloy sa kanya, “sa ilalim ng kasalukuyang sistema — at pababa nang pababa pa nga ang kalidad ng edukasyon — halos wala nang pag-asa ang masang makaahon sa kinalulublubang burak, nananatiling nagdaralita, habang namamayagpag sa kayamanan at glorya ang mayayaman.”
Dahil nga sa makadayuhang mga  patakarang pang-edukasyon — bukod sa iba pang larangan — na idinidikdik ng gobyerno, lumilinaw tuloy ang idinidikta noon pa man ng IMF-World Bank at ng mga instrumento ng imperyalismong Amerikano na isapribado ang mga paaralang pampubliko, lalo na ang mga SUC (State Universities and Colleges) sa bansa ngayon upang mapasok ng salanggapang na mga kapitalistang nakabalatkayong edukador na matagal nang nagsisipaglaway sa negosyong edukasyon.  Katunayan, napasok na ng kilalang malalaking negosyante ang larangang ito:  kontrolado na ni Lucio Tan ang UE (University of the East), ni Emilio Sy ang CEU (Centro Escolar University), ni Alfonso Yuchengco ang MIT (Mapua Institute of Technology), at ni Henry Sy ang Asia-Pacific College.
Bukod sa mga nabanggit, puspusan din ang pagsisikap ng ordeng relihiyoso — lalo na mula sa kampo ng Simbahan — sa pagtatayo at pagpapalawak ng kani-kanilang mga paaralang sagad hanggang langit ang matrikula sa lahat ng antas ng edukasyon.  Mulang kindergarten hanggang kolehiyo, sabi nga, walang karapatang mag-aral doon ang anak ng isang Juanang Basa at Pedrong Tigas (ibig sabihin ang mga anak-anak ng karaniwang mga manggagawa, magsasaka’t mangingisda o nabibilang sa hukbo ng mga walang-wala).
Dahil sa ganitong kalakaran, batay sa obserbasyon noon ni Dr. Prudente, hindi nga malayong magsara at isapribado sa malapit na hinaharap ang maraming paaralang pinatatakbo ng gobyerno sa kapinsalaan, higit sa lahat, ng maralitang mga mamamayang walang kakayahang pag-aralin sa mandurugas na pribadong mga paaralang pag-aari ng mga santo-santito at diyus-diyosan sa lipunan.  Sapagkat balintuna’t makadayuhan  pa nga ang mga patakaran ng gobyerno hindi lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa iba pang larangan, “lubhang napapanahong sama-samang kumilos,” sabi ni Dr. Prudente, “ang lahat ng makabayan, progresibo at demokratikong mga puwersang nagmamalasakit sa pampublikong edukasyon para sa kapakanan ng masang sambayanan.”  Sa punto niya, “kinakailangang pagtuunan ng pansin at malalim na suriin ang kasalukuyan at hinaharap pang mga problema ng pambayang edukasyon.  Maaaring gawing makabuluhang gabay ang nakaraang kasaysayan nito na hitik ng kapabayaan dahil na rin sa mga elitista at may diwang kolonyal na lantarang kumukontrol sa sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa.”
Sa kabuuan, at sa alinmang punto tingnan at suriin, lubhang napapanahon na ngang baligtarin naman ang sistema — ang wikang Filipino naman ang gawing wikang panturo sa halos lahat ng asignatura tulad nang ginawa, at patuloy na ginagawa, ng mauunlad na mga bansang nagmamahal sa sarili nilang wika at kultura.   Maliwanag, patuloy lamang ibinubulid ng umiiral na elitista at kolonyal na edukasyon ang bansa sa kumunoy ng kamangmangan at kaatrasaduhan.  Panahon na ngang buwagin ito at igiit ang isang edukasyong makabayan, makatao, mapagpalaya at siyentipiko. #
(Kolum)
Kolonyal at Elitistang Edukasyon
(Kolum)
SAPAGKAT KINOPYA nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano ang ating edukasyon gayong hindi naman katugma ang ating ekonomiya ng industriyalisadong ekonomiya ng Estados Unidos, hindi nito matugunan hanggang ngayon ang mga pangangailangan ng bansa tungo sa kaunlaran at, sa halip, naging instrumento pa ito ng pang-aaliping pangkaisipan. Higit pang masama, mga korporasyong multi-nasyonal at dayuhang mga interes ang nakikinabang lamang sa talino at lakas-paggawa ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo na hindi naman tinutumbasan ng makatarungang suweldo.
Natural, dahil mga Amerikano ang naggiit ng kasalukuyang edukasyong Pilipino, isinalaksak sa ating utak ang mga pagpapahalagang maka-Amerikano kaya dinadakila natin hindi lamang ang kanilang lahi, wika, kasaysayan at kultura kundi maging ang kanilang mga produkto.  Ikinadena pa ang pambansang liderato, pinanatiling tagahimod ng kuyukot ni Uncle Sam kaya sunud-sunuran sa dikta ng mga diyus-diyosan sa Washington — pampulitika man o pangkabuhayan o anumang mga patakarang pabor lamang sa makasariling interes ng Amerika.
Samantalang umunlad, at patuloy na umuunlad, ang maraming bansa sa daigdig — tulad ng Alemanya, Pransiya, Rusya, Tsina at Japan — hindi sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles sa kanilang edukasyon kundi ng kani-kanilang wika, banyagang wikang Ingles pa rin ang nangingibabaw sa ating edukasyon.  Umiiral tuloy, at isang malaking kahangalan, ang elitistang pananaw na “hindi edukado” at itinuturing nang bobo ang hindi mahusay sa lengguwahe ni Uncle Sam gayong ang sukatan ng katalinuhan ay wala sa wikang ginagamit kundi nasa laman ng isip.
Sa larangang pangkultura, ayon nga sa mananalaysay na si Stanley Karnow, lumikha tayo ng mga Pilipinong Elvis Presley, Frank Sinatra, Tom Jones o Michael Jackson, at iba pa.  Nagsulputan ang makabagong mga Donya Victorina ng Noli at Fili ni Rizal — nagpatangos ng ilong, nagpaputi ng kutis, nagpa-blonde ng buhok, nagpalaki ng suso at pabalbal na nagpipilit mag-Ingles kahit mga Pilipino ang kausap.  Kahit sa mga awitin at pelikula, malinaw na hinuhuwad natin ang kultura ng mga Yankee.
Sa halip na isulong ng walang gulugod na pambansang liderato ang siyensiya at teknolohiya tungo sa industriyalisasyon ng bansa, naiiwan tuloy ang Pilipinas sa larangang ito ng mga 50 taon kung ihahambing sa mauunlad na bansa sa Asya at mga 100 taon naman ng industriyalisadong mga bansa sa Kanluran.
Nakakainsulto tuloy na saranggola pa lamang ang kaya nating gawin gayong nagmamanupaktura na ng kanilang mga eroplano ang Tsina, Japan o Korea.  Rebentador lamang at dinamita ang nagagawa natin samantalang bomba atomika ang nalikha ng India.  May “ballistic missile” ang Hilagang Korea, ngunit tayo’y kuwitis pa rin magpahanggang ngayon na hindi pa sumasagitsit paitaas kung minsan.  Kung may “cosmonaut” at “astronaut” ang Rusya at Amerika na nakapaglalakbay sa kalawakan o nakararating sa buwan, mayroon daw naman tayong mga aswang at manananggal.  Samantalang gumagawa at nagbebenta ng mga sasakyan — bus man o kotse — ang Korea at Japan, tagapulot naman tayo ng basurang mga makina at piyesa ng sasakyan upang lagyan ng kaha at maging mga behikulong pamasada.
Kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal at asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pako o karayom at bumibili pa ng lagari, pait, katam at martilyo mula sa ibang mga bansa, o ng iba pang mga produktong puwede namang tayo na ang lumikha.
Ano nga ba ang naidulot sa bansa ng edukasyong Pilipinong kinopya nang pira-piraso sa edukasyong Amerikano?
Malinaw na pinatindi lamang ng edukasyong ito ang kaisipang kolonyal at elitistang pananaw, pinanatiling atrasado ang bansa, at naging pabrika lamang ang pangmayamang mga kolehiyo at unibersidad ng henerasyon ng mga lider na mandurugas, makadayuhan at may kaisipang-alipin, walang pambansang damdamin o malasakit para sa pambansang kapakanan.
Sabagay, gusto namang talaga ng mga bansang industriyalisado — lalo na ng Estados Unidos — na manatiling bitukang agrikultural lamang nila ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang palaging umasa sa importasyon at maging tambakan ng sobra nilang mga produkto, lason man o gamot o pagkain, punglo man o baril, eroplano man o tangke.
Kung hinahangad din lamang na umunlad ang bansa at makita kahit anino ng industriyalisasyon, makabubuti marahil na ituwid muna ang ating kasaysayang kolonyal at ganap na wasakin ang balangkas o sistema ng umiiral na edukasyon at lipunan.  Lubhang napapanahon na, sabi nga, na pagsumikapang isulong at pairalin ang isang edukasyong tunay na maka-Pilipino, makatao, makabayan at siyentipiko na makatutugon at angkop sa pambansang mga pangangailangan tungo sa tunay na kaunlaran, kalayaan at kasarinlan.
(Kolum)
Wikang Nakabartolina
(Kolum)
GAYA ng pambansang kaisipan na ibinartolina ng relihiyon sa doble-karang moralidad, impertinenteng kombensiyon at inaamag na tradisyon, matagal na ring nakabilanggo ang sariling wika (tawagin mang Tagalog, Pilipino o Filipino) sa selda ng ipokrisya at, sabi nga, nangingiming magmura kahit galit na galit na o hindi magamit ang eksaktong mga salita sa tinutukoy na mga bagay, lalo na’t may kinalaman sa seks at mga itinuturing na kalaswaan ng nagbabanal-banalang lipunan.  Patuloy pa nga itong binabansot ng rehiyonalismo, pinipigilan ang paglaganap at, higit na masama, ibinabasura ng mga “edukado” at elitistang patuloy na sumususo sa wikang Ingles at narerendahan pa ng kaisipang kolonyal.
Bukod-tangi tuloy, at waring isang kabalintunaan, na may Buwan ng Wika sa bansang ito na para bang ang sariling wika’y ginugunita lamang at ipinagbubunyi tuwing malapit na ang kapanganakan (Agosto 19) ni dating Presidente Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Pambansang Wika.  Natural, nang itadhana niyang ibatay sa diyalektong Tagalog ang pagbubuo, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa, tumutol at nanggalaiti ang mga kinatawan ng rehiyong di-Tagalog.  Bakit hindi Sebuwano, Hiligaynon, Ilokano o Bikolano? Maliwanag, hindi nakita ng mga tumututol ang katotohanan at aral ng kasaysayan; sa halos lahat ng bansa, kung saan ang sentro ng gobyerno at komersiyo, ng edukasyon at sibilisasyon, ang wika sa sentrong iyon ang nagiging dominanteng lengguwahe ng sambayanan.  Sapagkat ang Kamaynilaan na sakop ng Katagalugan ang sentro ng bansa mula pa sa panahon ng kolonyalismong Kastila, natural na manaig ang Tagalog kaysa ibang umiiral na mga diyalekto at maging batayan nga ng pambansang wika.
Kahit naging lengguwahe pa ng Rebolusyong 1896 ang Tagalog o itinampok na noong una ni Francisco Baltazar o Balagtas sa makabuluhan niyang obrang pampanitikan na “Florante at Laura,” gaya rin ng dating diyalektong Italyano na naging pambansang wika ng Italya (Latin dati) matapos sulatin ni Dante sa Italyano ang “Divine Comedy” at gayundin ang diyalektong Ingles na naging pambansang wika ng Inglatera (Latin din dati) matapos namang sulatin ni Chaucer sa Ingles ang ”Canterbury Tales,” ipinaparatang pa hanggang ngayon ng mga kalaban ng sariling wika na puro ang Tagalog at maiintindihan lamang diumano sa Katagalugan.
Wala namang purong wika sa mundo, maliban marahil sa halos patay nang wikang Latin  Katunayan, hanggang umuunlad ang sibilisasyon, naghihiraman ng mga salita ang mga wika — ang Arabe at Turkiya, ang Ingles at Pranses, ang Pranses at Aleman, at iba pa.  Katunayan, mga 5,000 salita sa Tagalog ang mula sa Kastila, mga 1,500 ang mula sa Intsik, Sanskrit, Arabe, Malay, at iba pa.  Marami na ring salitang hiniram sa Ingles, ngunit isinunod lamang ang baybay o ispeling sa sarili nating ortograpiya tulad ng dyip, bus, taksi, kendi, ketsap, radyo, at marami pang ibang ginagamit na’t naiintindihan hindi lamang sa Tagalog kundi maging sa Hiligaynon, Sebuwano, Ilokano, Waray, Panggalatok at Pampango.
Higit na masama, sa kabila ng paglaganap at unti-unting pag-unlad ng pambansang wika mula sa dampa’t kubeta ng mga anakpawis hanggang sa palasyo at alpombradong banyo ng naghaharing-uri, ginugulo pa ng mismong makawika diumano ang umiiral at tinatanggap nang mga salita, binabago ang katawagan at sinasangkutsa ang baybay.  Walang masama kung idagdag sa alpabeto ang mga letrang c, f, j, q, v at z, lalo na’t gagamitin nga sa mga pangalan ng tao at lugar.  Pero, sa kabilang banda, isang kaululan nang gawin pang telefono ang nakagawian nang telepono, o television ang telebisyon, gayong hindi sanay ang dilang Pilipino sa pagbigkas ng mga letrang f at v.  Tulad sa Malaysia at Thailand, isinusunod nila sa kanilang baybay o ispeling ang hiniram nilang mga salitang walang katapat sa kanilang wika.
Lalo pang gumulo ang baybay at niwawasak ang silabiko o pantig-pantig na katangian ng sariling wika nang magpakahenyo ang mga opisyal ng Komisyon ng Wika.  Kahit itinuro na sa elementarya sa mga bata ang Abakada at pantig-pantig na pagbasa (ba-be-bi-bo-bu, ka-ke-ki-ko-ku o ta-te-ti-to-tu), ginawa pang pwersa ang puwersa, ekonomya ang ekonomiya, eleksyon ang eleksiyon, lenggwahe ang lengguwahe, kwento ang kuwento, at marami pang ibang nagwasak sa tinatanggap nang alituntunin sa balarila tungkol sa paghahanay ng katinig (consonant) at patinig (vowel) kaya, sa mga babasahin, hindi maiwasang himurin ang mga itinuro ng makawikang mga henyo diumano sa pagpapalaganap ng pambansang wika.  Sabagay, sa isang banda, ang sambayanan lamang ang makahahatol sa katumpakan o hindi ng mga bagay na ito at, natural, ang wikang malapit sa puso, at nauunawaan ng bayan, ang siyang wikang mananatili at gagamitin ng bayan.
Bagaman maganda ang layunin, lalo kaming naguluhan at nagdudang nasa ibang planeta nang mag-imbento ng mga salitang pansiyensiya at panteknolohiya  mga ilang dekada  na ang nakararaan ang Lupon sa Agham sa pamamagitan ni Engr. Gonzalo del Rosario o Ka Along, dekano noon ng Inhinyeriya ng Araneta University.  Isang dokumento ng MAN (Movement for the Advancement of Nationalism) ang isinalin niya mula sa Ingles at ginamit niya ang inimbentong mga salita. “Sa pagsusuri ng MAN, ang batayang sakit ng Pilipinong ulnong (society) ay may uring pang-ulnong at pangkabuhayan, at likha ng pananakop ng Kastila noong panahong wala pang kalalang (industry) at nitong ika-20 dantaon ay likha ng imperyalismong Amerikano na naghatid sa Asya ng mapagsamantalang sarilakal (monopoly) na itinaguyod ng napakamaunlad na sakalalang (industrialization)…”
Kung hindi isiningit ang mga salitang Ingles, sino nga ba ang makakaintindi niyon?  Nasabi tuloy ng isang magsasakang taga-Nueva Ecija:  “Di bale nang sa Ingles, huwag lang ang Tagalog ni Ka Along!”  Tanggap na nga naman ang mga salitang lipunan, industriya, monopolyo, at industriyalisasyon — bakit kailangan pang palitan ng ulnong, kalalang, sarilakal at sakalalang?
Higit na makapalipit-dila at utak ang ilan pang inimbentong terminolohiya tulad ng mga sumusunod: sugadagitbing tambisa (photo-electric effect), kahanginaning diin (atmospheric pressure), timbuluging sukgisan (geometric interpretation), haykapnayanon (biochemist), mga salitang walang malinaw na salitang-ugat (root word) at pinagkabit-kabit mula sa mga pinagkunan.  Halimbawa, ang haykapnayanon ay mula sa sangkap (element) ang kap, mula sa hanayan (system of arrangement) ang nayan, at dinugtungan ng hulaping (suffix) na on mula sa Bisaya.  Nakakatorete pang ginawang hatidwad ang telegrama, hatinig ang telepono, salipawpaw ang eroplano, ulnokalnagin ang sosyo-kultural at ulnoagimatim ang sosyo-ekonomiko.
Ayon nga kay Direktor Ponciano Pineda ng dating Surian ng Wikang Pambansa, makabubuti pang manghiram na lamang mula sa dayuhang mga wika at iangkop sa ponolohiya at ortograpiyang Pilipino ang mga hiniram.  “Maaaring hiraming buung-buo ang tunog (sa sistema ng normalisasyon), halimbawa: mathematician–matematiko o matematisyan; psychologist–sikologo o saykolodyist; original score–orihinal na eskor; decimal fraction–praksiyong desimal, at marami pang iba.”
Sapagkat nakabartolina pa nga ang pambansang wika sa moralidad ng nagbabanal-banalang lipunan, iniiwasang tawaging alas ang alas, lalo na sa larangang seksuwal samantala, sa kabilang banda, napakalaya ng ibang mga wika sa bagay na ito.  Sa mga obrang pampanitikan na lamang, malayang nagagamit ang “talking” o “laughing cunt” sa Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn ni Henry Miller, o gayunding mga paglalarawan sa Lady Chatterley’s Lover ni D. H. Lawrence at Lolita ni Vladimir Nabokov. Sa inimbentong mga salita ni Ka Along, tinawag pang sarigawa ang pagsasalsal, tunod ang titi, kaluban ang kiki, sariing talamitan ang hindutan, at kung anu-ano pang mga katawagang matagal nang naiintindihan maging ng mga bata pa lamang, ngunit sinadyang binago maiangkop lamang sa diumano’y maselang na pandinig ng mga moralista’t nagpapanggap na mga banal gayong, kung tutuusin, hindi ang mga salitang iyon ang tunay na kahalayan at kalaswaan, kundi ang matindi at malaganap na karalitaan dahil sa inhustisya at walang habas na pagsasamantala ng uring naghahari-harian sa masang sambayanan o pandarambong ng imperyalistang mga bansa sa kabuhayang-bansa ng iba.
Natural, sa katatapos na Buwan ng Wika, iba’t ibang programa at pagtatanghal ang ibinandila sa maraming kolehiyo at unibersidad.  Sinariwa ang kasaysayan ng pambansang wika, at masaklaw na tinalakay ng mga akademikong makawika ang patuloy na pag-unlad nito diumano sa kung anu-anong larangan tungo sa sinasabing pambansang kaunlaran, tunay na kalayaan at kasarinlan.  Pero, kung nakabartolina ang wika, paano mapalalaya ang kaisipan — lalo na nga ang bansa?
Tunod ng ama mo, kaluban ng ina mo, punyeta!
(Kolum)
Hacienda Magdalena
(Tula)
(Pasintabi sa mga linya ni Antonio Jacinto ng Angola, Timog Aprika)
1.  sa malawak na lupaing iyon
ay bihirang umulan
pawis ng aming noo
ang nagdidilig sa tubuhan.
sa malawak na lupaing iyon
matataas na ang mga tubo
dugo ng aming katawan
ang katas ng mga tubong iyon.
masdan mo: puputulin na ang mga tubo
dudurugin at gigilingin
hanggang maging kayumanggi
sintingkad na kayumanggi ng mga sakada.
2.  tanungin mo ang nagliliparang ibon
ang nagluluksuhang agos
at malakas na hangin sa kaparangan:
sino ang gumigising
bago magbukang-liwayway?
sino ang nagbabanat ng buto
hanggang halos sumuka ng dugo?
sino ang  mga kamay sa paggapas
ang sapin-sapin ang kalyo at pilat?
sino ang sunog ang balat ng braso’t mukha
sa tindi ng sikat ng araw?
sino?
3.  sino ang nag-aalaga sa mga tubo
sa mga palayan at manggahan?
sino?
at ano lamang ang kabayaran:
alipusta at paghamak
panis na lugaw
kapirasong galunggong
damit na basahan
singkuwenta pesos
at gulping katakut-takot
kapag umangal at nagdabog!
4.   sino ang nagkakandakuba sa trabaho
may maibili lamang ng kotse
mansiyon at babae ang asendero
at makapagliwaliw pa
sa hongkong, amerika at europa?
sino?
sino ang nagpapayaman sa mga dayuhan
ang nagpapalaki sa malabutete
nilang tiyan?
sino ang tagaktak ang pawis
habang nagkakamot lamang ng bayag
ang puting dayuhan?
5.  tanungin mo ang nagliliparang ibon
ang nagluluksuhang agos
at malakas na hangin sa kaparangan…
sino?
at sila’y sasagot:
putang-ina n’yoooooooooo
hacienda magdalena!
nababanaagan na namin
ang isang madugong bukang-liwayway!
Jihad At Bangsamoro
(Kolum)
BATAY sa maniobra ng mga basalyos ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, maliwanag na ginagamit lamang na instrumento ng Reyna ng Malakanyang ang usapin ng Bangsamoro upang makapanatili siya sa poder matapos man ang kanyang termino ng panunungkulan sa 2010.  Alam na alam nila na kung hindi pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema at  natuloy  agad ang pirmahan ng kasunduan sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan sa pagitan ng mga kinatawan ng MILF  (Moro Islamic Liberation Front) at ng Republika ng Pilipinas   na magpapalawig sa teritoryong bumubuo ngayon sa ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao) na magiging isang nagsasariling Bangsamoro, hindi naman agad maipatutupad ang mga nilalaman ng naturang kasunduan.  Kailangan pang lumikha ng isang batas ang Kongreso, magdaos ng isang plebisito at susugan o baguhin ang Konstitusyon ng bansa upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng isang Bangsamoro na may sariling lehislatura, hukuman at pulisya, at karapatang makinabang sa likas na mga kayamanan sa katutubong lupain (ancestral land)  ng mga Muslim doon.
Katunayan, binigyang-diin ni Sekretaryo Hermogenes Esperon, Jr., tagapayong pangkapayapaan ni La Gloria,  na “hindi sakop ng kasalukuyang Konstitusyon ang pagkakaloob ng kapangyarihan sa BJE (Bangsamoro Juridical Entity) na mangulekta ng lokal na buwis, magkaroon ng administratibong hurisdiksiyon, at kontrolin ang mga minahan at iba pang likas na yaman sa sakop ng lupain nilang katutubo.”  Samakatuwid, ayon na rin sa kanya, kailangang susugan o baguhin ng Kongreso ang kasalukuyang Konstitusyon at ganito rin ang opinyon ni Rodolfo Garcia, punong negosyador ng gobyerno hinggil sa kapayapaan.  Idinagdag pa nga ni Esperon na “hindi kasarinlan” ang ipagkakaloob ng gobyerno sa Bangsamoro kundi gagawin lamang itong “isang estado sa loob ng isang estado” na tinatawag na pederalismo.
Sapagkat, noon pa man, isinusulong na ng kasalukuyang rehimen ang Cha-Cha (Charter Change) o pagbabago sa Konstitusyon at gawing parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan — hindi na presidensiyal — ang sistema ng gobyerno at, kung maaari, magawa ito bago matapos ang termino ni La Gloria, hindi tuloy maiwasang hinalain ngayon na talagang hindi ang paglutas sa problema ng mga Muslim sa Mindanaw ang layunin ng kasalukuyang rehimen kundi, sa kabilang banda, ang minimithing Cha-Cha sa udyok na rin ng makasarili’t gahamang interes sa kapangyarihan.  Kung parlamentaryo na nga ang sistema ng gobyerno, kuwalipikado pang muling maging presidente o punong ministro si La Gloria.  Puwede ring palawigin ng bastardong mga pulitiko ang termino ng kanilang panunungkulan.  Higit sa lahat, sa dikta ng imperyalismong Amerikano, aalisin sa bagong Konstitusyon ang mga limitasyon upang makapagmay-ari na ng mga lupain dito ang dayuhang mga kapitalista, 100% makontrol ang mga korporasyon at pasukin maging ang pambayang mga utilidades — tubig at kuryente, telekomunikasyon at transportasyon, at maging “mass media,” mga ospital, mga kolehiyo at unibersidad na, kung tutuusin, talagang dapat na hawak o kontrolado lamang ng mga Pilipino alang-alang, unang-una, sa pambansang seguridad at makabayang ekonomiya.
Dahil nilalaro lamang sa dulo ng mga daliri ng pambansang liderato ang usapin ng Bangsamoro, at tinitingnan pa ng maraming pulitiko sa apektadong mga lugar sa Mindanaw na tunggalian ito sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano — halimbawa sa Hilagang Kotabato , Zamboanga at Iligan, lalo’t susuriin ang  mga pahayag at hakbang ng lokal na mga opisyal doon – maaari tuloy mauwi sa armadong mga karahasan o sagupaan ang bagay na ito.   Maliwanag naman na tutol lamang sila sa pagkakaroon ng isang Bangsamoro dahil mababawasan ang kanilang pampulitikang teritoryo at limpak-limpak na pakinabang sa puwesto tulad din ng pagtutol ng dayuhang mga kapitalistang namumunini sa likas na mga kayamanan ng Mindanaw at, ipinagdaralita naman, sa kabilang banda, ng libu-libong pamilyang Muslim doon.
Bakit nga ba nagrebelde, at patuloy na nagrerebelde, ang  kapatid nating mga  Muslim sa Mindanaw?  Kung uugatin, hindi ito kuwestiyon lamang ng usapin sa teritoryo o kultura o paniniwalang panrelihiyon kundi, higit sa lahat, malubhang usapin ito ng labis na kapabayaan at kainutilan ng gobyerno — ngayon at noon pa mang nagdaang mga rehimen — na paunlarin ang Mindanaw kaya atrasado at  alipin ng karalitaan at inhustisya ang maraming lugar doon.  Hindi maikakaila, ilang grupo lamang ng maimpluwensiya’t makapangyarihang mga tao, kasama na ang mapandambong na dayuhang mga kapitalista, ang lubos na nakikinabang sa likas na mga kayamanan ng lugar sa kapinsalaan, unang-una, ng libu-libong pamilyang Muslim.  Masisisi ba, kung gayon, na mithiin ng mga Muslim na magkaroon sila ng isang nagsasariling Bangsamoro upang pangalagaan ang kanilang kapakanan at kinabukasan?
Dahil sa ipinamamalas na armadong tunggalian ngayon ng mga puwersa ng gobyerno at ng MILF — na ginagatungan pa nga ang apoy ng iresponsableng mga pahayag ng lokal na mga opisyal doon upang tingnan ang lahat bilang labanan ng mga Muslim at Kristiyano – hindi tuloy malayong mauwi sa banal na pakikidigma o jihad ang pakikibaka ng kapatid nating  mga Muslim tungo sa kanilang mithiing pamahalaan ang kanilang sarili sa pamamaraang angkop sa kanilang mga pangangailangan at kultura at pangalagaan at pakinabangan, higit sa lahat,  ang likas na yaman ng lupain nilang katutubo na pinagpapasasaan lamang ng  mapandambong na interes ng iilang piling grupo ng mga tao.
Sa maikling salita, hindi dapat laruin lamang — at guluhin — ng pambansang liderato  ang usapin ng Bangsamoro o  gawin lamang itong instrumento ng kanilang makasarili’t gahamang interes sa kapangyarihan.  Kapag nagkataon, higit na magiging masalimuot ang lahat — at hindi kayang lutasin maging ng susunod na rehimen — kung mauwi sa jihad ang lahat.  Kung dahas pa rin ang itutugon ng pamahalaan sa lehitimong mithiin ng mga Muslim sa Mindanaw, panahon na marahil na maunawaan ng pambansang liderato ang napakahaba nang kasaysayan ng kanilang banal na pakikidigma o tinatawag na jihad.
Sa simula pa ng kasaysayan ng Islam, kakambal na nito ang pakikidigma. Sinakop ng propetang si Mohammed ang Mecca sa pamamagitan ng dahas.  Nakipaglaban siya sa siyam na pakikidigma at iniutos ang marami pang ibang mga pakikipaglaban. Nang idikta niya ang mga nilalaman ng Koran, malinaw na inilahad na makatuwiran ang armadong jihad bilang kasangkapan ng ebanghelismo, bagaman ipinahihintulot din ang di-marahas na jihad sa pamamagitan ng puso, dila at kamay.
Pinagkaisa noon ng bagong pananampalatayang ito — na tinatayang halos milyon na ngayon ang mga tagasunod — ang marahas na mga tribong Bedou ng peninsulang Arabiano, at sila ang naging panagupang tropa sa mga pakikidigma para sa Islam.  Matapos mamatay si Mohammed noong taong 632, naglunsad ng sunud-sunod at waring walang katapusang mga jihad ang mga kalipang humalili sa kanya, una laban sa mga tribong tumalikod sa Islam at pagkatapos ay laban sa mga kanugnog-bansa.  Mabilis na nasakop ng hukbong Bedou ang Syria, Iraq, Palestina, Ehipto at Persia (Iran ngayon).  Isinulong ang jihad hanggang Hilagang Aprika at Espanya at nasugpo ang paglaganap noong 732 sa napabantog na labanan sa Tours, Pransiya.
Noong mga unang taon ng 1900, sa pamamagitan ng madugong mga jihad, nanalasa ang hukbong Wahhabi Bedou, minasaker ang mga kalaban ng Islam, hanggang maitayo nila ang makabago ngayong kaharian ng Saudi Arabia.  Bago ito, sa ibang panig ng mundo, dumanak din ng dugo dahil sa mga jihad.
Noong mga 1880, sa rehiyong Nile ng Sudan, ipinoroklama ni Muhammad Ahmad ang sarili bilang Mahdi o pinapatnubayan ng banal na espiritu at nagdeklara siya ng jihad laban sa mga “hindi nananampalataya” at dinurog ng kanyang puwersa ang 10,000 sundalo ng hukbo ng Ehipto, nilipol pagkatapos ang mga nagtanggol sa Khartoum, kabilang ang Ingles na heneral na tinawag na “Chinese” Gordon.  Pagkamatay ni Ahmad, itinuloy ng pumalit sa kanya ang banal na pakikidigma hanggang talunin ng magkasanib na hukbong Ingles-Ehipto ang puwersa nito.  Sa loob lamang ng isang araw, 20,000 Mahdista ang napatay ng isang pangkat ng naturang hukbo na nasa ilalim ni Sir Herbert Kitchener at ng isang batambatang opisyal na si Winston Churchill dahil sa kanilang mga baril na Maxim o “machine gun” ngayon.
Batay sa nabanggit na kasaysayan ng mga jihad, dahas pa rin ba ang itutugon ng pamahalaan sa lumulubhang usapin ng Bangsamoro?  Lubhang napapanahon na nga na matapat na harapin ng pambansang liderato — hindi laruin at gawing tuntungan ng makasariling mga interes — ang pakikipagnegosasyon sa MILF upang malutas ang deka-dekada na ring rebelyon ng mga Muslim sa Mindanaw.  Higit sa lahat, hindi dapat ipinta sa mata ng sambayanan ng ambisyoso’t bastardong mga pulitiko na tunggalian ito ng Muslim at Kristiyano upang hindi mauwi sa jihad ang lahat. Panahon nang aminin, at lunasan ng mga kinauukulan, na nag-ugat ang lahat-lahat sa kapabayaan at kainutilan ng pamahalaan na isulong ang kaunlaran ng Mindanaw noon pa man.  Mananatiling nakabalandra ang mukha ng rebelyon doon hanggang biktima ng karalitaan at inhustisya ang kapatid nating mga Muslim sa naturang rehiyon.
(Kolum)
Bulkang Sosyal Ang Bansa
(Kolum)
MGA ILANG dekada na ang nakararaan, maraming mga palaaral sa lipunan at pulitika ang naghambing sa bansa sa isang bulkang sosyal na maaari diumanong sumabog anumang oras kagaya ng Mt. Pinatubo kahit mga 600 taon na itong natulog.  Mula pa sa nagdaang mga rehimen dahil sa napakasamang kalagayang panlipunan, lalo na sa panahon ng diktadurang Marcos, kung sinu-sino na ang humula na puputok na sa wakas ang naturang bulkang sosyal kapag hindi nabago ang grabeng kalagayang panlipunan, pampulitika man o pangkabuhayan.
Katunayan, sa isang artikulo ng yumaong Teodoro M. Locsin, Sr. ng Philippines Free Press, nilinaw niyang inihambing na noon   ni Claro M. Recto — namayapa na rin at kinilalang makabayang senador noon ng Republika — ang pambansang kalagayan sa umiral na mga pangyayari sa Cuba bago nagkarebolusyon doon na pinamunuan ni Fidel Castro at nagbagsak sa malupit at mapagsamantalang rehimen ni Fulgencio Batista.  Sa isang artikulo rin sa Reader’s Digest ni Carl Rowan, dating direktor ng US Information Agency,  binigyang-diin niya na kagaya nga ng Cuba ang Pilipinas bago napatalsik sa poder si Batista.
Ano ang mga kalagayang umiiral noon sa Cuba na masasabing namamayani rin ngayon sa Pilipinas?
Sabi nga ni Rowan: “ang pagwawalang-bahala ng naghaharing-uri, ang pagkakaroon ng mga subersibo at gerilya sa kabundukan, ang patuloy na pag-ungol ng disgustadong mga estudyante at intelektuwal sa mga siyudad.”  Idinagdag pa niya na “napakaliit ng minoryang mahigpit na pumipisil” o kumokontrol sa kayamanan at pulitika ng bansa at nagigising na ang masa, ang sambayanan, sa katotohanang ito.  Nakikita na ng mga mamamayan, ayon kay Rowan, “ang kasalanan ng isang oligarkiyang gumagamit ng katiwalian, at umuupa ng mga mamamatay-tao, para makapanatili sa kanilang pribilehiyadong katayuan.”  Kung hindi diumano mababago ang masamang kalagayang ito, kung hindi diumano “magigising ang naghaharing-uri sa mga pangangailangan ng masa,” dagdag niya, “maaaring magkaroon ng malaking gulo sa bansa.”
Pero bakit hindi pa nga pumuputok ang bulkang sosyal? tanong noon pa man ni T. M.  Locsin, Sr.   O nabago na ng kasalukuyang rehimen ang napakasamang kalagayang panlipunan at kontento na ang sambayanan?
Sinasabing lalo pa ngang naging malaganap ang karalitaan ngayon.  Mga 85% ng sambayanan ang talagang pobre at lubhang miserable na ang pamumuhay.  Hindi na maikakailang marami sa kanila ang kulang sa masustansiyang pagkain, nagtitiis sa kanin at asin o lugaw na hangin ang ulam.  Marami sa kanila ang walang bahay, walang lupa, walang-wala, at nakikisiksik sa nagsisiksikan nang mga barungbarong sa mga suluk-sulok ng lungsod habang, sa kabilang banda, nagtatampisaw sa kayamanan ng bansa ang dayuhang mga negosyante, ang bastardong mga pulitiko, ang iilang grupo ng maimpluwensiya’t mapribilehiyong Pilipino.  Katunayan, batay sa pananaliksik ni John Doherty — Amerikanong Heswita — isang ikalimang (1/5) bahagi lamang ng populasyon ang nakikinabang sa 50% ng pambansang kita at 60 pamilya lamang, ayon naman sa manunulat-mananalaysay na si Stanley Karnow, ang kumokontrol sa kabuhayan ng bansa.
Bunga ng naturang katotohanan, bukod pa sa mapaminsalang galamay dito ng imperyalismong Amerikano, hindi na dapat ikagulat kung manatiling busabos ang malaking bahagi ng sambayanan, ang 85% ng populasyon na halos kumain-dili.  Hindi na rin katakatakang lalong lumaki ang agwat na naghihiwalay sa mayaman at sa mahirap at lalo pang maghirap ang milyun-milyong maralitang Pilipino.
Sa kabila ng mayabang na ipinangangalandakan ng mga tambolero o propagandista ng kasalukuyang rehimen na “maganda’t papaunlad ang buhay ng mga mamamayan at ang ekonomiya ng bansa,” hindi na kailangan marahil ng sinuman ang may mataas na gradong salamin upang makita ang tumitinding mga kontradiksiyon sa ating lipunan.  Mahirap nang mapasubalian ang katotohanang patuloy na lumalaganap ang kawalang-trabaho o disempleyo, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo nang walang kaukulang pagtaas sa suweldo lalo na ng ordinaryong mga manggagawa. Patuloy na tumataas ang mga buwis, at nag-iimbento pa ng mga bago, patuloy na bumabagsak ang halaga ng piso kontra dolyar habang patuloy namang ibinabaon sa utang ang bansa — kaya patuloy at patuloy ngang nagiging miserable ang kalagayan ng masang sambayanan.
Malinaw nang nailarawan ng yumaong Senador Benigno “Ninoy”  Aquino, Jr. sa isa niyang pagtatalumpati sa Amerika noon ang naturang marawal na pambansang kalagayan.  Bagaman ang katayuan ng bansa sa ilalim ng diktadurang Marcos ang tinutukoy niya noon, kapansin-pansin na parang wala ngang ipinagbabago ang mga problemang pangkabuhayan at pampulitika o panlipunan ng bansa magpahanggang ngayon.
Sinabi ni Ninoy Aquino: “Ang Pilipinas ay isang lupain ng nakalilitong pagkakaiba. Narito ang isang lupaing iilan ang labis na mayaman habang lubos na nagdaralita ang masa.  Narito ang isang lupaing ang kalayaan at mga biyaya nito ay totoo lamang para sa iilan at isang ilusyon lamang o pangarap para sa nakararami. Narito ang isang lupaing nananalig sa demokrasya ngunit pinatatakbo ng isang matibay na plutokrasya.    Narito ang isang lupain ng pribilehiyo at ranggo — isang republikang diumano’y para sa pagkakapantay-pantay pero sinasalaula ng isang sistema ng pag-uuri-uri.”
Idinagdag pa niya na ang pamahalaan nito’y “halos bangkarote sa pananalapi” at ang mga sangay nito’y “pinaghaharian ng mga utang at katiwalian” at, higit sa lahat, “bagsak ang mga industriya.”  Sa kabila ng lahat, binigyang-diin ni Ninoy, “wala namang pagpaplanoing pangkabuhayan, walang pagtatangkang paunlarin ang ekonomiya, kung kaya nanlulupaypay ang mga Pilipino… nakakulong sa kawalang-pag-asa, walang layunin, walang disiplina, at walang pagtitiwala sa sarili.”  Sabi niya, ito’y dahil na rin sa ating “mga lider na nangangalandakan ng pagmamahal sa bayan ngunit, sa katotohanan ay higit ang pagmamahal sa kani-kanilang sarili.”
Pero bakit hindi pa nga pumuputok ang bulkang sosyal? tanong nga noon pa man ni Locsin.  O hindi pa totoong miserable ang sambayanan?
Maaaring kontento pa nga ang sambayanan at nakangingiti pa sa kanilang kabusabusan.  Ikinakatuwiran ng mga palaaral sa pulitika na ang sambayanang Pilipino ay hindi naman kasing miserable ng sambayanang Ruso bago ibinagsak ng mga Bolshevik, sa pamumuno ni Vladimir Ilyich Ulyanov o Lenin, ang rehimeng Tsarista ng mga Romanov sa Rusya.  Hindi rin sila diumano kasing miserable ng sambayanang Tsino bago naluklok sa poder ang rehimeng Komunista nina Mao Tsetung.  At, ayon noon kay Locsin, lalong hindi sila napakamiserable kagaya diumano ng milyun-milyong taga-India na hindi naman naghimagsik laban sa kanilang sistema sosyal at sa gobyernong dahilan ng kanilang pagkamiserable.
Kung hindi pa nga ganap na miserable at kahabaghabag ang sambayanang Pilipino, bakit nga ba magagalit at maghihimagsik? dagdag na tanong pa ni Locsin.
Sa punto ng mga konserbatibo, totoong patuloy na yumayaman ang mayaman at talagang lalong naghihirap ang mahirap dahil kontrolado nga ng iilang pamilya ang ekonomiya’t pulitika ng bansa habang, sa kabilang banda, patuloy pang hinuhuthot ng mga dayuhan pero, sa bawat panahon, anuman ang dumating na rehimen, nakasanayan na daw ng masang sambayanan ang kahirapan at kilalang-kilala na nila ang mukha ng karalitaan.  Kung totoo mang binubusabos ng mga kapitalista sa dambuhalang mga pabrika’t korporasyon ang mga manggagawa, o kung inaalipin man ng mga propiyetaryo’t asendero ang mga magsasaka, may trabaho pa naman daw sila kahit papaano at higit daw mahirap ang wala silang pinagkakakitaan lalo na ngayong laganap ang disempleyo.
Kung hindi man daw sapat ang kanilang suweldo o kinikita sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo — bigas man o mais, tubig man o kuryente, sabon man o mantika — may kinikita pa rin daw sila kahit paano. Makabibili pa rin daw sila ng kape’t ilang pandesal na pantighaw sa kumakalam na sikmura.  Kahit malimit na hindi na sila kumakain nang tatlong beses sa maghapon, kahit kamote’t mais, kahit lugaw at asin ang kanilang kinakain, ang mahalaga daw ay may kinakain pa rin sila at sanay naman silang kumain ng kahit ano, basta puwedeng kainin.
Kung mataas man daw ang pasahe sa mga sasakyan, puwede daw naman silang maglakad na lamang dahil hindi pa naman sila pinuputulan ng mga paa.  Kung sa dampa man daw sila nakatira, o sa mumurahin at masikip na entresuwelo, o sa mga barungbarong sa mga suluk-sulok ng lungsod, o natutulog na lamang sa mga bangketa, sa mga kariton at mga damuhan ng parke, ang mahalaga daw ay may natutulugan pa rin sila at puwede bang lumikha ng bata.  Kung nagdaramit daw sila ng animo’y basahan, kung hindi man daw nila mapag-aral ang kanilang palabuy-laboy na mga anak, kung anuman ang lahat ng kahirapang ito, ang mahalaga daw ay nabubuhay pa rin sila kahit ipinagkakait sa kanila ng tiwaling lipunan ang karapatang mabuhay nang parang tao sa ilalim ng isang tunay na hustisya sosyal.
Bakit nga ba magagalit pa? tanong ng mga konserbatibo.  Matitiis pa naman daw, marahil, ang lahat-lahat.
Ayon nga sa artikulo ni T. M. Locsin, Sr. noon, nariyan pa naman ang Simbahan kung saan puwedeng magdasal kahit minu-minuto, oras-oras o araw-araw.  Baka nga mahabag din ang maawaing langit at kahit hindi kami naniniwala sa mga milagro, baka bigla ngang umulan ng bigas at talong na may kasama pang bagoong, ng damit at pera para sa sambayanang dayukdok.  Isa pa, sabi ng mga relihiyosong nag-uunan ng Bibliya, mapapalad daw ang mga maralita.  Mas matindi diumano ang paghihirap nila sa lupa, mas malaki daw naman ang kanilang gantimpala sa kalangitan.  Hindi na bale daw na maghirap, magtiis at magsakripisyo sila nang husto sa lupa sapagkat, sa kabilang banda, puro kaligayahan naman daw ang naghihintay sa kanila sa sinasabing kabilang-buhay — walang gutom, walang uhaw, at buhay na walanghanggan basta’t manuntunang lubos sa mga aral ni Kristo.  Puwede ngang tiisin ang lahat — kung gayon.
Nariyan din daw ang kalayaan sa pamamahayag at binubuhay nito diumano ang ilusyong may kalayaan.  Sabi nga, huwag lamang libelo, pinahihintulutan daw ang sambayanang ipahayag ang anumang pagtuligsa sa masama’t tiwaling administrasyon, batikusin man ng maaanghang na mga salita ang kinauukulang mga opisyal o isumpa man ang umiiral na sistema sa lipunan.  Kahit kontrolado ng mga hari-harian sa lipunan ang “mass media” — radyo, diyaryo at telebisyon — iplnahihintulot naman daw ang mga pagtuligsa upang mabawasan sa pamamagitan nito ang galit ng sambayanan.  Pero, kaiingat, kung banta na ito sa katatagan o kapangyarihan at kaayusan ng uring naghahari-harian, malamang na ipasara ang mga iyon tulad noong rehimeng Marcos.  Maaaring ipakulong pa — o ipapatay — ang masusugid na kritiko ng nakasusulukasok na rehimen.
Bakit nga ba maghihimagsik kung puwede namang malayang ipahayag ang matinding galit? muling tanong ng mga konserbatibo.
Nariyan naman daw, isa pa, ang sinasabing demokrasya.  Kahit hindi nga nababago ang tiwaling balangkas ng lipunan, ipinahihintulot daw naman nito na makapamili ang sambayanan ng mga manunungkulan sa gobyerno kahit pare-pareho naman, kung tutuusin, ang pagpipilian.  Mapapalitan diumano ang isang masama’t abusadong rehimen at maparurusahan ang mapagsamantalang mga opisyal.  Sa pamamagitan daw ng eleksiyon, maipahahayag ng sambayanan ang kanilang galit at pagkasuklam – sa bisa ng balota — laban sa mga lider na nagpapakabundat sa kapangyarihan at nagbabasura lamang sa tunay na pambansang kapakanan.  Sa bawat eleksiyon, nagkakaroon daw ang sambayanan ng pag-asang bubuti rin, sa wakas, ang busabos nilang buhay at magiging maganda na’t maunlad ang pambansang kabuhayan.
Bakit nga ba maghihimasik, muling tanong ng mga konserbatibo, kung puwede namang parusahan ng mga mamamayan sa bawat eleksiyon ang sinumang salanggapang na lider ng bansa?  Pero, sa kabilang banda, tanong naman ng mga radikal, may totoo bang malinis na eleksiyon sa bansa upang maibandila ang tunay ding damdaming-bayan?
Puputok na nga ba ang bulkang sosyal?  O talagang hindi pa napakamiserable’t kahabaghabag ang masang sambayanan?
(Kolum)