pluma at papel

Sino Ang Mga Dapat Parusahan?
(Kolum)

NAKALULUNOS ang serye ng mga larawang bumulaga sa telebisyon sa kasagsagan ng mga pagbaha sa Kamaynilaan at iba pang panig ng kapuluan bunga ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.   Para iyong mga eksena ng malagim na pelikulang nagsasalimbayan sa balintataw at mahirap basta-basta mabura sa gunita — mga bangkay na natabunan ng gumuhong mga bato at maputik na lupa o nilunod kaya ng rumaragasang mga pagbaha, mga bahay na nawasak, mga pananim na ganap na napinsala, mga mukha ng gutom at dalamhati sa bubong ng mga bahay, mga musmos na nag-iiyakan, mga sumagasa sa baha malimusan lamang ng anumang tulong,  mga lupasay na katawan ng mga taong nagsisiksikang parang mga sardinas sa mga sentrong-likasan, at mga nakaligtas nga ngunit wala namang mga ari-arian at kabuhayang maaaring balikan.

Nakakaantig din naman ng damdamin, at dapat mataos na pasalamatan at saluduhan,  ang pagdagsa  ng kung anu-anong tulong sa mga napinsala — pera, pagkain, damit, gamot, at iba pa — mula sa iba’t ibang sektor ng sambayanan, lalo na mula sa mismong masa o ordinaryong mga mamamayang  laging handang dumamay sa mga kapwa nila maralita o kapus-palad.  Kapuri-puri din ang pagkilos ng mga kapwa  Pilipino sa iba’t ibang bansa na nagpaabot ng anumang makakayanan upang makatighaw man lamang, kahit bahagya, sa pagdurusa ng mga biktima ng malagim na pagbaha.

Nakasusuka naman, at nakasusulak ng dugo, sa kabilang banda, ang mga buladas at pagpapabida sa harap ng gumigiling na kamera ng telebisyon ng mga opisyal ng pamahalaan, sa pangunguna ni La Gloria, habang ibinabandila ang mga pagpupulong at talakayan at ang ipinagdadakdakang    mga nagawa na at mga  hakbang na dapat gawin agad  upang malunasan diumano, at mahadlangan sa hinaharap,   ang grabeng mga kapinsalaan at  problemang idinulot ng naturang trahedya.  May mga pasiklab na imbestigasyon pa nga sa Kongreso upang linawin kung sino ang nagpabaya o  nagkasala — at dapat managot, sa aba naming palagay,   sa sambayanan:  paupuin kaya  sa silya-elektrika o lunurin sa baha o habangbuhay na bulukin sa bilangguan– upang makatighaw man lamang sa pagdurusang umaalipin pa rin hanggang ngayon  sa mga naging biktima.  Sa kabila ng magandang imaheng pilit na ipinipinta ng mga awtoridad sa mata ng opinyon publiko, halatang-halata namang naghuhugas-kamay sila sa mga nangyari, nagsasa-makabagong mga Pilato gayong, kung tutuusin, matagal na nilang ipinapako sa krus ang masang sambayanan dahil sa kanilang mga kapabayaan, katiwalian at kainutilan.

Sabi nga, magkumahog man sila ngayon sa paglalapat ng mga solusyon, huling-huli na ang lahat at patay na ang kabayo bago pa dumating ang kakaining pulot at damo.  Noon pa mang nagdaang mga rehimen, at pati nga ngayon, naipon at nagkapatung-patong na   ang mga kasalanan ng kinauukulang mga opisyal ng gobyerno.  Hindi man lamang pinag-aralang mabuti ang magiging epekto sa kalapit na mga komunidad,  maraming  tusong mga negosyante ang agarang  pinagkalooban ng mga konsesyon sa pagtrotroso at, higit na masama, ibinasura lamang at hindi mahigpit na ipinatupad ang batas laban sa ilegal na pagtotroso na, kalimitan,kasabuwat pa o  protektado pa     ng bastardo’t gahaman at makapangyarihang mga pulitiko ang grupo o kompanya ng mga ilegal na nagtotroso.

Bilang pangangayupapa sa dayuhang mga korporasyon, at wala ring masusing pag-aaral,  pinahintulutan din ang walang habas na pagmimina sa maraming kabundukan ng Republikang Mamon kaya lalong lumalala ang pagkawasak ng kalikasan.  Idagdag pa nga, dahil sa nakaugaliang “lagay” o suhol at walang malinaw na pagpaplano o tinatawag na “zoning,” sinertipikahan ng tiwaling mga opisyal na   industriyal ang talagang lupaing agrikultural kaya nagsulputang parang mga kabute sa mga dating palayan at maisan, lalo na sa Gitnang Luson at Timog Katagalugan, ang naghambalang na mga pabrika’t   subdibisyon.

Higit na masama, hinawan at pinatag upang gawin ding subdibisyon   maging ang makahoy na  dalisdis ng mga bundok at  dating mga burol, na mabisang pumipigil noon sa mga pagbaha.  Nariyan din ang kumipot at bumabaw na mga ilog, kanal at estero na daluyan ng tubig tungo sa karagatan.  Bagaman, sa kabilang banda, may inilalaang malaking pondo para sa paglilinis at pagpapalalim sa naturang mga daluyan ng tubig,  pinabayaan lamang ito ng mga henyo sa DPWH (Dept. of Public Works & Highways) o kung kumilos man sila ay pakitang-gilas lamang,  kaya patuloy pang naging  tapunan ito  ng mga  basura o sinasarahan o binabarahan  kaya ng nagsulputan pang  mga bahay.  Wala na nga yata sa bokabularyo ng mga ganid na lingkod ng bayan ang praseng “pambayan o pampublikong kapakanan” at ang paborito nila ngayong mga salita ay: “Magkakapera ba ako diyan? Magkano ang akin diyan?”

Sino nga ang dapat sisihin, at parusahan, sa mga trahedyang dulot ng grabe’t malaganap na mga pagbaha?  Paano na ang mga bahay na nawasak at inanod?  Paano na ang nawasak na mga tulay at kalye at iba pang imprastrukturang galing sa buwis ng nagdaralitang sambayanan?  Paano na ang mga pananim na hindi na pakikinabangan?  Higit sa lahat, paano na ang ibinuwis na mga buhay maging ng mga musmos pa lamang? Paano na ang mumunting pangarap ng mga pamilyang naging biktima?   Kasalanan ba ito ng malakas at matagal na pag-ulan lamang?  Kasalanan ba ito ng Diyos ni Abraham o malinaw ding kasalanan ng mga diyus-diyosan sa lipunan at pamahalaan?

At, kaugnay ng mga nabanggit, sa kabila ng mahigpit na pangangailangang lawitan agad ng tulong ang napinsalang mga pamilya, huwag na ang pagsasaayos sa nawasak na mga tulay, kalye, at ibang imprastruktura, bakit waring napakabagal ang pagpapalabas ng gobyerno sa  P10 bilyon pondo sa kalamidad, bukod pa sa nalikom na abuloy mula sa iba’t ibang mga bansa at organisasyon? O dudugasin lamang ito ng mga palsipikadong makabayan para sa kanilang kampanya sa darating na sarsuwela ng mga hunyangong pulitiko sa Mayo 10, 2010?

Kung ang pagbabatayan tuloy  ay ang pahayag kamakailan ng Peasants-USA, isang organisasyong nagtataguyod sa pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga campesino (peasant) sa buong mundo, may kriminal na pananagutan ang rehimeng Macapagal-Arroyo, ang NAPOCOR (National Power Corporation), at ang  iba pang opisyal ng gobyerno sa labis na kapinsalaang idinulot ng nagdaang trahedya.

Noon pang 1998 nang sinisimulan pa lamang ang konstruksiyon, sabi ng Peasants-USA,  tinutulan na ng mga taga-Cordillera, lalo na ng mga taga-Benguet, gayundin ng mga taga-Pangasinan at iba pang probinsiya sa Gitnang Luson, ang pagtatayo ng San Roque Dam dahil nakita na nila ang kapahamakan at kapinsalaang idudulot nito sa nabanggit na mga komunidad.  Sa nagdaang trahedya, sa Cordillera na lamang at Pangasinan, 250 ang namatay at nagkaroon ng mga 40 insidente ng pagguho ng lupa, bukod pa nga sa mga ibinuwis na buhay at ari-arian sa  binahang mga  lugar sa Kamaynilaan,  mulang Antipolo at Marikina hanggang Pasig hanggang sa mga bayan-bayan na malapit sa umapaw na Laguna de Bay.

Pinakamalaki diumanong prinsa  sa buong Asya ang San Roque Dam bago itinayo ang Upper Yangtze River Dam sa China.  Pinondohan ang pagtatayo nito ng $1.2-bilyon ng JBIC (Japan Bank for International Cooperation) at bahagi ng kontrobersiyal na PPA (Power Purchase Agreements) na hindi maikakailang labis na nagpataas sa singil ngayon sa kuryente.  May taas itong 220 metro, may sakop na habang 1.13 kilometro, at may kabuuang sakop na 12.8 kilometro kuwadrado.

Kapag nagpakawala ito ng tubig (may kapasidad itong 850 milyong metro kubiko ng maiimbak na tubig na makalilikha naman ng 345 megawatts na kuryente),  raragasa ang tubig nito  sa Ilog Agno sa Cordillera at daraan sa tinitirhan ng mga tribong Ibalois at Kan-kanaey doon bago dumaloy sa mga ilog sa Gitnang Luson.  Sa itaas ng San Roque Dam ang naunang itinayo noong dekada ‘50 na Ambuklao Dam at ang Binga Dam na itinayo naman noong dekada ‘60.

Pag-aari ang 75% ng San Roque Dam ng Marubeni Corporation at 25% ng Kansai Electric Power Co. Ltd. na nagbebenta naman ng  kuryente sa Napocor. Nang manalasa ang mga bagyong Ondoy at Pepeng, ipinaratang ng Peasants-USA na kailangan nang magpakawala ng tubig ang mga awtoridad ng Napocor dahil umabot na ng 280 metro — na siyang ultimong kapasidad — ang taas ng tubig sa dam o prinsa (Okt. 4-5) pero nag-atubili ang kinauukulang mga awtoridad  na  pakawalan iyon nang unti-unti.

Sa labis na panghihinayang sa mawawalang kuryenteng maiimbak, hinintay pa iyong tumaas  ng 288 metro  saka libu-libong metro kubiko ng tubig ang biglang pinakawalan bawat segundo,  kaya hindi nga katakatakang biglang grabeng bumaha sa maraming lugar na tutuluyan ng rumaragasang tubig.  Alam na nga natin ang naging malagim na resulta niyon sa maraming komunidad ng bansa, lalo na nga sa Cordillera, Pangasinan at Kamaynilaan.

Bakit hindi unti-unting nagpakawala na ng tubig ang San Roque Dam noong Oktubre 4 nang 280 metro na  ang taas ng  naimbak na tubig niyon at hinintay pang maging 288?, mariing tanong nga ng Peasants-USA.  Maliwanag, ayon sa kanila,  inuna pa ang kapakanan ng negosyo bago ang kapakanan at kaligtasan ng maaapektuhang mga mamamayan at komunidad.  Umiral. kung gayon,  ang kasuwapangan at kawalang-puso  ng mga kapitalista, gayundin ang  kapabayaan at kainutilan ng kinauukulang mga opisyal ng pamahalaan kaya naganap ang nakalulunos na trahedya.

Sino, kung gayon, ang dapat managot at parusahan sa bagay na ito?  Ang Diyos ba ni Abraham o ang mga diyus-diyosan sa pamahalaan at lipunan?   Ayon nga sa paratang ng Peasants-USA, malaki ang kriminal na pananagutan ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ng NAPOCOR, at ng iba pang opisyal ng burukrasya sa mahirap makalimutang nagdaang trahedya.

Paano kaya kung sila naman, kabilang ang kanilang mga pamilya, ang malunod sa baha? — #

Fidel Castro: Rebolusyonaryo
(Kolum)

SA pamamagitan ng isang nakatagong estasyon ng radyo sa kabundukan ng Sierra Maestra,  madamdamin at maalab na  nagtatalumpati ang  rebolusyonaryong si Fidel Castro.  Hinihimok niya  ang mga mamamayan ng Cuba na puspusang kumilos at  tuluyan nang maghimagsik para wakasan ang kasumpa-sumpang diktatoryal na rehimen ni Fulgencio Batista.  Bilang protesta at isang paraan ng  paglaban sa malupit, marahas, mapanikil at mapandambong na rehimeng iyong kasabuwat ng lokal na malalaking kapitalista’t asendero at ng  dayuhang interes,   inuudyukan niya ang mga Cubano na sunugin ang lahat ng tubuhan doon at, habang binibigyang-diin niya iyon,   binulungan siya ni Ernesto “Che” Guevara, isang doktor mula sa Argentina na umanib sa isinulong na rebolusyon ni Fidel:  “Sabihin mo… ang unang sunugin ay ang tubuhan ninyo.”  Hindi nag-atubili si Fidel at madiin at mataginting na sinabi:  “Ang una ninyong sunugin ay ang tubuhan namin!”  At parang apoy na kumalat sa tuyong talahiban ang suportang inani ni Fidel mula sa masang sambayanang Cubano.

Hindi matatawaran noon ang matapat na layunin at dedikasyon ni Fidel Castro na palayain ang masang  sambayanang Cubano hindi lamang sa diktatoryal na rehimen ni Batista, kundi maging sa iba pang mga puwersang umaalipin o bumubusabos sa kanila,  una na sa mapandambong na interes ng imperyalismong Amerikano at, gayundin, sa pagsasamantala at inhustisya ng iilang diyus-diyosan sa lipunan — mga makasariling pulitiko, mga  tusong  asendero/komprador at ganid na malalaking kapitalista/negosyante na pawang kasabuwat ng naghaharing rehimen — at maitatag, sa wakas, sa buong Cuba ang isang mapayapa, maunlad at  sosyalistang lipunan para sa kapakanan ng higit na nakararaming ordinaryong mga mamamayan.  Sabi nga ni Fidel: “Naniniwala akong naririto ang bansa hindi para sa esklusibong kapakinabangan at pribilehiyo ng iilan, kundi ito’y para sa lahat.”

Sa panahong iyon — gaya rin sa Pilipinas ngayon — nakita ni Fidel ang maliwanag na pambansang kalagayan ng Cuba: “Sawang-sawa na ang mga campesino (peasant) sa mga talumpati at pangakong reporma sa lupa.  Alam nilang walang maaasahang anuman mula sa mga pulitiko. Alam ng isang milyon at limandaang libong mga Cubanong  walang trabaho bunga ng  kainutilan, kasuwapangan at kakulangan ng bisyon ng lahat ng masamang gobyernong dinaanan natin,  na walang dapat asahan mula sa mga pulitiko. Alam din ng libu-libong pasyenteng walang  kama ni gamot sa mga ospital na talagang walang maaasahan mula sa mga pulitikong sinusuyo ang kanilang boto kapalit ng mumunting pabor — mga pulitikong nabubuhay ang  mga negosyo sa tangkilik ng mga maralitang nililimusan  ng mga ito ng  kaunting halaga kapag halalan.

“Alam din ng daan-daan libong mga pamilyang nakatira sa mga dampa, sa anumang masisilungan, sa mga bakanteng lote, o nagbabayad ng napakataas na renta  sa inuupahang  tirahan na wala silang maaasahang anuman mula sa mga pulitiko; alam din ito ng mga manggagawang pantawid-gutom lamang ang suweldo, na ang mga anak ay walang damit ni sapatos na pamasok sa eskuwela; alam din ito ng mga mamamayang nagbabayad ng kuryente na may napakataas na presyo kaysa halaga nito sa alinmang bansa sa mundo, o matagal nang nagpapakabit ng telepono pero wala pa rin hanggang ngayon at, sa huli, alam ito ng mga nagdusa o patuloy na nagdurusa dahil sa kanilang matagal nang  miserableng kalagayan.

“Alam ng mga mamamayan na daan-daan milyong piso ang inilalabas sa bansa ng dayuhang mga korporasyon, gayundin ang daan-daang milyong dinambong ng mga mandurugas, saka ang limpak-limpak na halagang nakulimbat ng mga kinauukulan dahil sa katiwalian ng libu-libong parasitong wala namang nagawang mabuting serbisyo o naiambag na anuman para sa komunidad. xxxx  Kung hindi sa mga nabanggit, maaaring ang Cuba ay maging isa sa pinakamaunlad at pinakamayamang bansa sa Amerika, walang mandarayuhan sa ibang bansa, walang disempleyo, walang halos mamatay sa gutom, walang maysakit na walang mahigaang kama, walang hindi marunong bumasa’t sumulat, at walang mga pulubi.”

Binigyang-diin pa ni Fidel: “Matagal na tayong nakikibaka laban sa gang ng mga pulitikong  malinaw na walang malasakit o interes na magkaroon ng radikal na pagbabago sa bansa at, sa halip, ibinubulid pa nila ito nang husto sa kamatayan sa pamamagitan ng balintunang mga patakaran gayong  labis-labis na mga biyaya ang kaakibat ng mga puwesto sa lehislatura,  at ang matataas na poder na pampulitika, kakambal ang limpak-limpak na grasya, ay ginagawang panghabang-buhay o maaari kayang ipamana pa.  Nakikibaka tayo laban sa mga intriga at maniobra ng mga taong nagsisipagsalita sa ngalan ng sambayanan pero wala namang suporta sa mga mamamayan; nakikibaka tayo laban sa bulaang mga propetang  nangangalandakan laban sa rebolusyon sa ngalan ng kapayapaan gayong, sa kabilang banda, kinakalimutan  nilang sa mga tahanan ay namumugad ang gutom at pangamba, at wala namang kapayapaan sa nagdaang apat na taon.”

Idinagdag pa ni Fidel na “nilalason” lamang ng mga pulitiko ang kaisipan ng mga mamamayan, lalo na nga sa panahon ng halalan, sa pamamagitan ng kanilang madamdaming mga buladas at pangako pero,  sa kabila ng nagdaang mga taon, hindi naman nalunasan at naputol ang ugat ng panlipunang mga problema.  Sa halip, ang ibinunga pa’y “nakapanghihilakbot na pagdurusa  ng mga campesino at karalitaan ng mga lungsod industriyal.”  Ibinunga ng hokus pokus ng mga pulitiko ang “libu-libong pamilyang wala ni kapirasong lupa at milyun-milyong mga walang trabaho” samantala, sa kabilang banda, naglulublob sa kayamanan at karangyaan, mga propiyedad at palasyo, ang mga pulitiko. “Mga salaping dinambong, pinuhunan sa negosyo sa Cuba, sa Estados Unidos, at sa buong mundo”  habang dayukdok ang masang sambayanan, dugtong pa nga ni Fidel.

Ano nga ba ang ipinagkaiba pa ng Cuba noon sa Pilipinas ngayon?

Napatalsik nga sa poder ang diktador na si Fulgencio Batista sa pamamagitan ng rebolusyong pinamunuan nina Fidel Castro, Che Guevara, Camilo Cienfuegos, at iba pang magigiting na rebolusyonaryo sa Cuba at, pagkatapos, pinairal  doon ang sistemang sosyalista na nagtaguyod sa radikal na mga pagbabagong panlipunan, mulang pagpapatupad ng  tunay na reporma sa lupa, paglilinis sa gobyerno sa dating talamak na katiwalian, at pagpapairal ng pantay na katarungan para sa lahat, hanggang sa pangangalaga sa mga karapatang sibil ng sambayanan.

Sa kabila ng embargong pinairal ng Estados Unidos laban sa Cuba, lalo na sa larangang pang-ekonomiya, hindi sumuko hanggang ngayon ang naturang bansa sa imperyalistang mga patakaran ni Uncle Sam at hindi napakasangkapan si Fidel o nagpakatuta sa mga kagustuhan nito.  Kahit sinasabing ang Cuba ang  tanging bansa sa kanlurang bahagi ng mundo na hindi yumakap sa isinusulong na demokrasyang tatak-Amerika, at sa buong panahon ng rebolusyon sa Cuba mulang 1959 magpahanggang ngayon,  hindi nasaksihan sa naturang bansa ang walang patumanggang paglabag sa mga karapatang pantao, ayon kay William Blum sa kanyang aklat na Rogue State. at inamin ito ng administrasyon ni dating Presidente Bill Clinton ng Estados Unidos.  Sa buong Amerika Latina, nasaksihan ang kabi-kabila at garapalang paglabag sa naturang mga karapatan — “sistematiko, mga labis na pagpapahirap o tortyur, libu-libong mamamayang nangawala na lamang o desaparecidos;at  gobyerno pa ang nagtataguyod sa tinatawag na mga ‘death squads’ at pagdampot sa mga itinuturing na kritiko’t kalaban ng pamahalaan; nariyan din ang pagmasaker sa mga campesino, estudyante at iba pang grupo.  Pinakamasidhi pang nagsagawa nang gayon ang mga militar at kaugnay na mga tropang mamamatay-tao sa El Salvador, Guatemala, Brazil, Argentina, Chile, Colombia, Peru, Mexico, Uruguay, Haiti at Honduras pero hindi sa Cuba,” sabi pa ni Blum.  Hindi naiparatang sa gobyerno ni Castro  maging ng mga pinakamahigpit na kaaway ng Cuba ang gayong mga paglabag sa karapatang pantao.  Sa larangan ng edukasyon at   kalusugan ng mga mamamayan na isinulong ng UN (United Nations),  isa ang Cuba sa may pinakamagandang rekord sa buong Amerika Latina hinggil sa pangangalaga  sa mga karapatang pantao, ayon pa nga kay dating Presidente Clinton ng Estados Unidos.

Sa Pilipinas naman, sa pamamagitan ng malawakang protesta ng disgustadong mga mamamayan na naglundo sa tinatawag na EDSA 1 (hindi rebolusyon sa aba naming palagay), naibagsak nga noong Pebrero 1986  ang diktatoryal na rehimeng Marcos na pinagharian  ng kabi-kabilang katiwalian at pandarambong sa pondo ng bayan,  bukod sa walang patumanggang mga paglabag ng mismong Estado  sa mga  karapatang sibil ng mga mamamayan, at garapalang pagsalaula pa nito sa demokratikong mga proseso gaya ng mga  nangyari sa Cuba sa ilalim ng rehimen ng  diktador na si Fulgencio Batista.

Napatalsik nga sa poder ang diktadurang Marcos pero, masakit at nakalulungkot, wala namang naipasok at napairal na radikal na mga pagbabagong panlipunan ang humaliling demokratiko diumanong mga rehimen mula kay Tita Cory hanggang ngayon kay La Gloria.  Sumidhi pa nga ang dati nang mga grabeng sakit na panlipunan —  talamak na katiwalian sa burukrasya, paghimod ng pambansang liderato sa kuyukot ng dayuhang mga interes, paghahari ng mga dinastiyang pampulitika, paglabag sa Konstitusyon at pagsalaula at paninikil  sa lehitimong mga karapatan ng mga mamamayan lalo na laban sa mga kritiko at kalaban sa pulitika ng umiiral na rehimen at, gayundin, laban sa mga puwersang makabayan at progresibo na patuloy na humihingi ng pambansang papagbabago na, di nga kasi, marami na ang kinasuhan, dinukot, labis na pinahirapan, ibinilanggo, nangawala na lamang at sukat at, higit na kasuklam-suklam,  basta na lamang pinatay ang iba. (Tingnan na lamang ang datos ng grupong KARAPATAN kaugnay nito.)

Nanatiling palsipikado pa nga ang reporma sa lupa,  dayukdok ang masang  sambayanan, kumain-dili ang pamilya ng mga manggagawa’t magsasaka’t mangingisda at iba pang ordinaryong mga mamamayan na pawang biktima ng mapambusabos na sistemang kapitalista at ng iilang mga diyus-diyosan sa lipunan.   Dahil sa kawalan ng oportunidad sa sariling bansa bunga na rin ng balintuna at makadayuhang mga patakaran ng gobyerno, lumulubha nang lumulubha ang migrasyon ng mga  manggagawang Plipino saanmang sulok ng mundo sila itaboy ng marahas na hangin ng disempleyo’t karalitaan at napakamiserable nilang buhay.

Sa kabilang banda naman,  nagtatampisaw sa pondo ng bayan, sa pawis at dugo ng mga mamamayan, at naglulublob sa  grasya’t pribilehiyo at karangyaaan ang makasariling mga pulitikong nasa kapangyarihan ibenta  man nila at ipagkanulo  ang pambansang kapakanan. Kung tutuusin, karamihan sa kanila ang promotor pa ng inhustisya laban sa patuloy na binubusabos na masang sambayanan.  Ang Pilipinas nga ngayon ang Cuba noon ni Fidel.

Sa gayong mga pulitiko, ano pa nga ba ang dapat asahan ng masang sambayanan?  Sino sa mga pulitiko-asendero ang tandisang mangungunang boluntaryong ipailalim sa reporma sa lupa ang malawak niyang asyenda?  Si Noynoy Aquino ba at Mar Roxas at mga kauri nila?  Sino sa mga pulitiko-kapitalista-negosyante ang kusang-loob na itataas ang miserableng suweldo ng kanyang mga manggagawa upang mahango ang mga ito sa kaalipinan?  Si Manny Villar ba at mga kagaya niya?  Sino sa mga pulitiko ang mangangalaga at isusulong ang tunay na kalayaan at soberanya ng Pilipinas   laban sa imperyalistang mga bansa tulad ng Amerika? Si Gilbert Teodoro ba na, batay sa kanyang mga pahayag, ay nangangayupapa na sa kagustuhan ni Uncle Sam, o ng  iba pang mga pulitikong noon pa man, hanggang ngayon, ay tagapangalaga na ng interes ng Estados Unidos, pampulitika man o pang-ekonomiya,  dito sa Republikang Mamon?  Sino sa mga lider-pulitiko ang ganap na susugpo sa katiwalian sa burukrasya? Si Erap Estrada ba?  Sino pa ba sa gang ng mga pulitiko ang hindi tiwali at walang bahid-dungis ng korupsiyon habang nasa poder?  Si La Gloria ba at ang kanyang masusugid na basalyos?

O, Diyos ni Abraham, may aasahan pa nga ba mula sa kawan ng mga pulitiko ngayon ang masang sambayanan para sa tunay na pambansang kapakanan?  Sa mga  lider-pulitiko sa Pilipinas,  may isa bang Fidel Castro, ang rebolusyonaryo, na matapos iluklok sa poder ay pinagsikapan  namang  baguhin ang napakasamang kalagayan noon ng Cuba at ng sambayanang  Cubano sa pamamagitan ng pagpapairal ng radikal na mga pagbabagong panlipunan tungo sa pambansang katubusan mula sa kamay ng uring  mapagsamantala’t mapang-alipin at mapaghari-harian? Sino sa naghambalang na mga pulitiko ang tunay na magtataguyod sa pambansang kapakanan — hindi ng kanilang mala-imbudong bulsa at  pansariling mga interes — o totoo nga kaya, gaya nang ipinaratang ni Padre Jose Burgos sa panahon pa man ng kolonyalismong Kastila, na “ipinanganganak na parang lumot ang mga pulitikong ito sa kahihiyan at kapinsalaan ng bayan?” — #

(Mula ang ilang datos sa “Fidel Castro: Rebel-Liberator or Dictator?”  ni Jules Dubois, March 1959)

Sa Napakaingat Na Makata
(Tula — handog ni John Carey sa mga makatang ayaw makisangkot sa lipunan at   takot magpalaganap ng katotohanan laban sa  inhustisya at pagsasamantala ng iilang diyus-diyosan)

maaari mong isulat

ang iyong mga tula

sa kurtinang venetian

saglit na ipakita-itago sa mundo.

balang araw

makikita ka mula sa lansangan

ng mga lalaking may mga baril

at mantekilya,

magkukumahog silang aakyat

sa hagdan tungo sa iyong silid,

bibigtihin ka

ng kordon ng iyong kaingatan.

pagkatapos, pupurihin ka

bilang isang malagim na henyo

hahangaan ng iyong mambabasa

ang iyong mga tula

habang nakabitin ang iyong bangkay

sa likod ng kurtinang venetian.

Nailibing Na Si Tita Cory
(Tula)

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

dating presidente ng republika

dating asendera ng hacienda luisita

asawa ni ninoy na may monumento sa ayala

dahil lumaban sa diktadura

hanggang patayin ng mga pasista.

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

ina diumano ng demokrasya

tagapagtanggol ng hustisya

ina rin ng artistang si cristeta

at amiga ng mga madyungera

sa mansiyon ng saya’t ligaya.

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

sa ospital noon pa man

umalingawngaw  mga dasal

pumailanlang  mga  misa

tinutukan ng kamera

mayayaman at elitista

sa mga simbahan at kapilya

dumagundong  kabi-kabilang  nobena

ng mga banal at santo santita

“diyos naming mahabagin,

buhay ng aming tita’y pahabain.”

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

matapos bumaha ng mga bulaklak

sa katedral ng maynila

matapos ulanin  ng papuri, ng paghanga’t pagdakila

ng kung sinu-sinong nalawitan niya ng grasya

sa mabulaklak niyang  paglalakbay  sa lupa

mga alaala’y madamdamin ngang  sinariwa

at nangalaglag   mga talulot ng  luha

sumabog  sa maamo’t mabangong mukha

ng  mga babaing  kutis porselana

at may tapalodong sutla rin yata

mulang puklo hanggang balakang

mulang dibdib hanggang baywang

may mga daliring hubog-kandila

na mahihiyang  isawsaw sa suka

o ilamas sa maputik na lupa

“o diyos na mahabagin

kaluluwa  ng aming tita’y kalingain.”

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

di nga  nahiyang sumilip sa kanyang bangkay

sa mamahaling  kabaong sa  katedral

maging   doble-karang mga nilalang

na pawang mukhang banal

habang gumigiling ang kamera

sa mukha nila’t katawan

tumitig din at  nakiramay

maging  mga sagad-buto ang kawalang-hiyaan

laban sa pambansang kapakanan

nakamaskarang nakidalamhati  sa pamilyang  namatayan

“o diyos na maawain

kaluluwa ng tita nami’y pagpalain.”

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

sa kahabaan ng lansangan

hanggang sa huling hantungan

inihatid  siya ng tanaw

ng nagtiis sa ulanan at arawan

na masang sambayanan

silang  noo’y dumagsa sa edsa

para suportahan ang mga bida

silang iniwan ang mga labada

silang tumakas sa pabrika

silang hindi pumasada

silang mangingisda’t magsasaka

silang estudyante’t intelektuwal

na nakialam sa lipuna’t pulitika

silang alipin ng burukrasya

na pawang nagsakripisyo sa edsa

wakasan lamang ang diktadura.

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

hanggang ngayo’y sinusuob  siya

ng insenso at kamanyang

ng papuri at paghanga’t  pagdakila

siyang mahinhin at relihiyosa

na laging lumulunok noon  ng ostiya

siyang matulungin at mapagkumbaba

siyang mapagpatawad at mapagkalinga

siyang batbat ng kabanalan bawat salita

sabi tuloy  ng mga hunyango

pambansang bayani siya

sabi ng mga  ipokrito’t ipokrita

karapatdapat na santa siya

pero sabi ng makatang sumulat ng Gera

paano ang mga magsasakang minasaker sa mendiola?

paano ang mga napatay sa hacienda luisita?

paano rin  ang mga magsasaka

sa hacienda san antonio sa isabela?

paano ang mga isneg sa dumalneg?

paano ang mga  taga-lupao sa nueva ecija?

paano ang mga katutubo sa  marag at paco valley?

paano rin  ang ora pro nobis ni lino brocka?

paano, higit sa lahat,

ang bilyun-bilyong dolyar na  pambansang utang

na maaari  sanang  di na  bayaran

nang itatag niya   rebolusyonaryong pamahalaan?

“o diyos na mahabagin,  kaluluwa ng aming tita’y patawarin.”

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

mula noon hanggang ngayon

sa kabila ng ibinandilang diwa ng edsa

nakatunganga’t dayukdok  ang masa

nilulunod sa ilusyon ng pag-asa

ng  iilang hari-harian sa ekonomiya’t pulitika

tuloy ang laban… tuloy ang laban…

sigaw maging  ng mapagkunwaring mga elitista

at tagapagtaguyod ng burges na demokrasya

tuloy ang laban hanggang  makalaya ang masa

sa kabusabusan at inhustisya

tuloy ang laban hanggang  mapatid

ang tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala

tuloy ang laban hanggang mapairal

ang lantay na hustisya sosyal

tuloy ang laban

hanggang maghari ang lipunang makatao

makabayan, maunlad, progresibo

at tunay na demokratiko.

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

“o diyos na mahabagin, kami naman ang iyong pagpalain.”

sa bawat madulang eksena

kaming masa’y laging mga ekstra

walang mukha ni pangalan

mga anino sa karimlan

at basura  ng mga bida pagkatapos ng pelikula

sila ang laging pinagpapala

kaming masa ang laging kaawaawa

“o diyos ni abraham,  talaga bang

mapapalad ang  maralita

at kukumutan sila ng grasya’t kaluwalhatian

sa paraiso mo sa kalangitan?

at di  bale nang magpasasa sa lupa

ang mayayaman mong nilikha

kahit pawis at dugo at laman

ng masang sambayanan

ang kanilang  pinagpipistahan

sa mesa ng grasya at kapangyarihan?”

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala

tuloy pa rin ang laban… tuloy…

kahit kaming masang sambayanan

araw-araw nang dinarahas at   inililibing

sa inhustisya’t kaalipinan

sa gutom at karalitaan

sa dusa’t kapighatian

habang magarbong nagsasayaw

mga diyus-diyosan sa lipunan

at masigabong kumakalembang

kampana ng  bawat simbahan!

nailibing na si tita cory

sa sementeryo ng mga pinagpala.

Kuta Ng Ipokrisya
(Kolum —  Hulyo 30, 2009)

NANG mamatay kamakailan na walang-wala pa rin ang isang magsasaka sa aming baryo, at halos kumain-dili ang kanyang pamilya’t wala ni isang dangkal na lupa, hindi namin naiwasang maalaala ang isang Ted Turner na kinilala sa Estados Unidos ng Amerika na may pinakamalawak na lupain doon — mga 800,000 ektarya o 1.7 milyong acre na nasa limang iba’t ibang estado.  Humagupit din sa aming isip ang 6,000 ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlak nina Tita Cory Cojuangco-Aquino, gayundin ang libu-libong ektaryang lupain ni Danding Cojuangco sa Pontevedra, Negros, na kapwa hindi nasakop ng reporma sa lupa dahil ginawang korporasyon.

Naisip din namin ang libu-libo ring ektaryang lupain ng Simbahan sa iba’t ibang lugar ng bansa.  Sa panahon pa nga ng kolonyalismong Kastila, lalo na nang pagtibayin ang Batas Maura na nagtadhanang kailangang iparehistro ang lahat ng lupain upang mapagkalooban ng “titulo torrens” o katibayan ng pagmamay-ari, nakamkam ng korporasyon ng mga prayle ang maraming malalawak na lupain.  Dahil nasusulat sa wikang Kastila ang naturang batas at hindi naunawaan ng maraming mamamayan, hindi naiparehistro ng mga kinauukulan  ang kanilang mga lupain at, sa halip, ang mga prayle ang nagparehistro niyon.

Sa maraming panahon, napalawak pa nang napalawak ng Simbahan ang kanyang mga lupain sa bansa dahil na rin sa mayayamang Indio na labis na naniwala sa aral ng Simbahan na “madali pa sa isang kamelyo na makapasok sa butas ng karayom kaysa sa  isang mayaman sa pinto ng langit” at “mapapalad ang mga maralita at mapapasakanila ang kaharian ng langit” kaya inihandog sa mga prayle  ng naturang mga Indio ang iba’t iba nilang lupain.  Higit na masama, hindi naibalik sa mga Pilipino ang pagmamay-ari niyon matapos maibagsak ang kolonyalismong Kastila.  Sa pamamagitan ng Tratado ng Paris sa pagitan ng pakialamerong Amerikano at ng mga opisyal na Kastila, binayaran ng Amerika ng $20-M ang Espanya upang ang mga Amerikano naman ang sumakop sa bansa pero, sa kabilang banda,  kailangang irespeto ng pamahalaang Amerikano ang karapatan sa mga ari-arian ng mga Kastila dito; ibig sabihin, hindi maaaring galawin o kumpiskahin o pakialaman ng mga Amerikano ang mga propiyedad ng mga Kastila dito — lupain man o negosyo, mga bahay man o gusali o anupaman — kaya patuloy na nanatili sa kamay ng Simbahan at ilang tao ang pagmamay-ari sa malalawak na lupain, mga bangko at imprenta, mga  kolehiyo at unibersidad, at iba pa,   sa maraming  dako ng kapuluan.

Bukod sa Simbahan, batay sa datos ng Estadistikang Pang-agrikultura, 21% ng lupaing agrikultural sa bansa ang pag-aari lamang ng 500 tao habang, sa kabilang banda, ayon kay Danilo Ramos, sekretaryo-heneral ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2 milyong magsasaka ang nagtitiis bungkalin at pagkunan ng ikabubuhay ang hindi pa kanilang  tig-kalahating ektaryang bukid bawat pamilya.

Katunayan, sa Cebu, 155 tao lamang ang may-ari ng lahat ng maisan at niyugan; sa Timog Katagalugan, 835 tao ang may-ari ng 70% ng lupaing agrikultural — 16 na pamilya lamang, halimbawa, ang may-ari ng 26,000 ektaryang tubuhan sa Batangas.  Sa Negros Oriental, 10 pamilya naman ang may hawak ng halos lahat ng lupain doon at, sa Mindanaw, kontrolado naman ng dayuhang mga korporasyon ang mahigit na 207,000 ektaryang taniman ng palmera’t pinya.

Batay sa mga nabanggit, hindi na nga katakatakang milyun-milyong magsasaka at iba pang ordinaryong mga mamamayan ang wala ni isang dangkal na lupa, o kahit paglilibingan, at tanging libag lamang sa singit at kilikili, sa leeg at paa, at sa iba pang bahagi ng katawan ang maituturing nilang sariling lupa ngunit, ayon sa isang tula, “kapag hinugasan sa poso ay babalik din sa lupa ng asendero.”

Sapagkat inutil pa nga ang pamahalaan, at lumilitaw na kasabuwat pa ng interes ng mga propiyetaryo’t asendero, kaya hindi ganap na maipatupad ang reporma sa lupa, at nagagawa pang salaulain ng mga kinauukulan ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) at ginagawang korporasyon ang kanilang mga asyenda upang malusutan ang batas at hindi iyon masakop ng repormang pang-agraryo, kaninong santo’t santa pa nga ba dudulog ang nagdaralitang mga magsasaka?  Sa pamahalaan ba at kay La Gloria na matagal nang patawing-tawing at waring pakitang-tao lamang ang pagpapatupad sa naturang batas?  O sa Simbahan na waring paimbabaw naman o pagkukunwari lamang ang ipinangangaral na kawanggawa at pagkalinga sa mga maralitang hindi pinagpala ng sinasamba nilang Diyos sa kaitaasan?

Kung usad-pagong ang pamahalaan sa bagay na ito, doble-kara naman ang Simbahan.  Maaalaala, pinagmalasakitan at tinulungan ng mga alagad ng Simbahan ang 55 magsasakang Higaonon na naglakad mulang Sumilao, Bukidnon hanggang Malakanyang upang hinging ibalik sa kanila ng San Miguel Corporation ang 144 na ektaryang lupaing  agrikultural na naipagkaloob na sa kanila ng DAR (Dept. of Agrarian Reform).  Ngunit, sa kabilang banda, sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema noong Disyembre 21, 2007 pabor sa mga magsasaka, ayaw namang ipasakop ng Simbahan sa reporma sa lupa ang 268.5 ektaryang lupain nitong pansakahan sa Nueva Caceres, Camarines Sur.  Ano na nga ba ang nangyari sa kasong ito?  O malinaw na pumapayag lamang ang Simbahan na ipamahagi sa mga magsasaka, sa ilalim ng reporma sa lupa, ang mga lupaing hindi pag-aari ng Simbahan?  Ang sa Diyos ay sa Diyos at ang kay Cesar ay kay Cesar.  O, Diyos ni Abraham!

Ano pa nga ba ang maaasahan ng pobreng mga magsasaka mula sa Simbahan kaugnay ng bagay na ito?  Sabagay, sa panahon pa ng kolonyalismong Kastila, kilala na ang Simbahan bilang matibay na kuta ng ipokrisya at huwad na kabanalan.  Gaya rin ito ng pamahalaang lubos na nangangakong matapat na paglilingkuran ang sambayanan ngunit siya pang nandarambong sa mga mamamayan.

Opo, Virginia, opo, huwag ka nang umasa sa dalawang institusyong nagpapayabong pa ng ipokrisya! — #

SONA: Nakasusuka Na
(Kolum — Hulyo 19, 2009)

NAKASUSUKA na,  sa ilalim noon ng iba’t ibang rehimen, at lalo na sa panahon ngayon ng pamamayagpag sa kapangyarihan ni La Gloria, na makinig  pa ng mga SONA (State of the Nation Address). Natatandaan namin, mga ilang taon na ang nakalilipas, higit naming pinagkaabalahang panoorin ang laban sa bilyar ni Efren “Bata” Reyes kaysa pakinggan sa telebisyon ang SONA noon ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.  Sa palagay namin, higit na makatotohanan ang bilyar dahil  kitang-kita kung paano tinitira ang bola para papasukin sa kinauukulang buslo;  kitang-kita rin kung paano kinokontrol ang bola y mano para sa eksaktong preparasyon tungo sa tamang direksiyon  upang matumbok nang maayos ang  susunod na bolang ihuhulog at,  sa bawat tumbok, perpekto ang kinakailangang kalkulasyon upang matagumpay na maibuslo ang tinitirang bola o maitago kaya  sa kalaban at hindi direktang  matumbok ang  bolang dapat tirahin at ihulog.  Higit sa lahat, malinaw sa isip ng manlalaro ang detalyadong plano  sa bawat tira — hindi padaskul-daskol o bara-barang gaya ng maraming malabo, magulo at mapandambong  na mga  plataporma at proyekto ng gobyerno —   upang mahusay na makamit ng kinauukulang manlalaro ang layuning magtagumpay.

Sa kabilang banda, karaniwan nang hitik lamang  sa hungkag na retorika at mga buladas at pinaganda o inimbentong estadistika ang SONA. Natural, walang pangunahing layunin ang mga salamangkero at tambolero ng Malakanyang kundi kung paano pagagandahin ang pangit na reyalidad o tunay na pambansang kalagayan upang patuloy na iduyan sa ilusyon at isakay sa ruweda ng panlilinlang  ang dayukdok at busabos na masang sambayanan at,  sa pamamagitan ng madamdaming mga pangakong karaniwang suntok sa buwan,  pipiliting lunurin naman ang mga ito sa balon ng walanghanggang pag-asa habang nilalatigo ng inhustisya at nakadipang  nakangudngod  sa hindi matakasan at malupit na karalitaan.

Di nga kasi, palilitawing papaunlad ang ekonomiya, nababawasan ang talamak na katiwalian sa burukrasya, napapangalagaan at hindi nasasalaula ang demokratikong mga proseso  at  sagradong mga karapatang pantao, napaghahari ang kapayapaan at kaayusan sa maraming dako sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa MILF at NDF-CCP-NPA mapabango lamang ang administrasyon   at,  higit sa lahat, nalulunasan na diumano ng rehimen ang grabe nang mga sakit ng bansa.   Natural din, palilitawing bida o bayani at nagsasakripisyo nang husto ang “kahabaghabag” na Presidente ng bansa para  “matapat”  na mapaglingkuran ang sambayanan

kaya kinakailangang magkaisa na ang lahat, magtulungan, para sa ikauunlad pa ng bansang ito, hindi ng bulsa lamang ng uring naghahari-harian na patuloy na naglulublob sa kayamanan at kapangyarihan sipsipin man nang husto ang pawis at dugo ng sambayanan at ibenta man at ipagahasa  sa salabusab na dayuhang mga interes ang pambansang soberanya’t kapakanan.

Sa kabila ng kung anu-anong mga buladas na maririnig sa bawat SONA,  maipinta lamang sa mata ng publiko na maganda’t mahalimuyak ang pambansang kalagayan, lumilitaw lamang na lalo pang ibinubulid ng bawat rehimen sa kumunoy ng  karalitaan at kawalang-pag-asa ang Republika at lalong nagiging kahabag-habag ang buhay ng nakararaming ordinaryong mga mamamayan.  Kung P2 lamang ang katumbas ng $1 noong panahon ni dating Presidente Elpidio Quirino, bakit sa sumunod na mga rehimen na pawang nangalandakang umuunlad ang pambansang ekonomiya,  bumagsak  nang bumagsak  ang halaga ng piso kontra dolyar at mahigit na itong P48 ngayon?  Kung pangalawa na ang Pilipinas noon sa Japan sa larangang pangkabuhayan, bakit lumagabog ang bansa at  nakalalamang na lamang  ito nang bahagya sa Bangladesh at Pakistan?  Naunahan na nga ito ng Tsina, Korea, India, Malaysia, Thailand, Indonesia at Brunei Darusalam  sa maraming larangan.

Ilang ulit na nga bang ipinagyabang ni La Gloria, sa pamamagitan ng mga SONA, na ihahatid niya at iluluklok  ang kanyang tinaguriang “Matatag na Republika” sa piling ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa (First World)?  Ilang ulit na rin ba niyang ipinangalandakan na talagang sumusulong ang bansa tungo sa minimithing kaunlaran at, di nga kasi, unti-unting nakaaahon diumano  sa dagat ng karalitaan ang masang sambayanan sa pamamagitan ng kanyang supergaling na mga programa’t proyekto sa iba’t ibang rehiyon?  Reyalidad nga ba ito o ilusyon?

Lubhang balintuna o kabaligtaran nga ang mga  iyon kung susuriin ang naghuhumindig ngayong mga katotohanang  puwedeng isampal sa magkabilang pisngi ng mga salamangkero’t tambolero ng rehimen.  Una, nangangahulugan na bang umuunlad at tumatatag ang ekonomiya dahil lamang sa halos $15-B taun-taon na ipinapasok sa bansa ng kahabag-habag na migranteng mga manggagawa (OFW) na patuloy na biktima ng inhustisya’t kalupitan, ng pang-aabuso’t pagsasamantala sa banyagang lupang kinaroroonan nila ngayon?

Kung hindi nga sa naturang halaga, at patuloy na pangungutang ng rehimen, baka hindi na nga maayudahan ang lumalaking depisito o kakulangan  sa pambansang badyet sa bawat taon.

Kung totoo ang ipinangangalandakan ng kasalukuyang rehimen — hindi nambobola lamang upang pahupain ang tumitinding disgusto ng malawak na sektor ng sambayanan sa dispalinghadong liderato ni La Gloria na  pinatutunayan ng lumalaganap na mga protesta, gayundin ng -31% grado niya sa pinakahuling sarbey — bakit  sa masusing pag-aaral sa pambansang kalagayan, lumilitaw na 80% ng mga mamamayan ang nagtitiis mabuhay sa halagang $2 sa isang araw?  Bakit mulang 15% hanggang 20% ng sambayanan ang siya lamang nagpapasasa at nagpapakabundat sa 50% ng pambansang kita?

Bakit, sa kabila ng paglaki ng 20% taun-taon ng tinutubo ng pangunahing 1,000 korporasyon sa bansa, kumain-dili pa rin ang milyun-milyong manggagawa at hindi maibigay ang hinihingi nilang umento sa sahod na P125 bawat araw? Bakit lumulubha ang disempleyo? Bakit sa kabila ng napakalaking halagang ginugugol ng gobyerno sa kung anu-anong walang kapararakang biyahe sa ibang bansa ng pambansang liderato, mumo lamang mula sa isang platong kanin ang umento sa suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan at hindi maibigay ang matagal na nilang  hinihinging buwanang  karagdagang P3,000?  Bakit nadaragdagan taun-taon ang bilang ng mga manggagawang nandarayuhan sa ibang bansa kung maganda’t maraming oportunidad sa sariling bayan upang  maluwag at desenteng makapamuhay?  Bakit patuloy at patuloy ang migrasyon ng mga Pilipino at nakakalat na silang parang mga layak sa iba’t ibang panig ng mundo?

Higit na masama, kahit kulang at kulang ang badyet ng bansa taun-taon at kinakailangang patuloy na mangutang (mga $60-B na ang kabuuang utang ng bansa), 30% pa ng pambansang badyet ang napatunayang nauuwi lamang sa talamak at garapal na katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, ibinubulsa ng mga mandurugas at mandarambong sa pamamagitan ng mga hokus pokus sa kung anu-anong proyekto at kontrata bukod pa sa maalingasaw na “pork barrel” (P70-M bawat kongresista at P200-M bawat senador taun-taon na, sa pamamagitan din ng mga maniobra at pakikipagsabuwatan ng kinauukulang mga kontratista, nagagawang ataduhin upang mapunta sa mala-imbudong bulsa ng “mararangal” na lingkod ng bayan); nariyan din ang tinatawag na “intelligence fund” na hindi maabot ng isip ng karaniwang mamamayan kung paano niwawaldas ng mga kinauukulan; nariyan din ang kung anu-ano pa, at iba pa, at iba pa na pawang  mapagkakakuwartahan  sa kapinsalaan ng bansa at masang sambayanan.

Sa pambansang badyet na lamang noong nakaraang taon na P1.2267-T (P1.415-T naman ngayong 2009), maliwanag na hindi nito natugunan ang maraming pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan — lupa’t pabahay, edukasyon, pagkain at kalusugan, trabaho at seguridad, bukod sa iba pa.  Saan iyon napunta?  P624.1-B ang itinakdang pambayad-utang agad — P295.8-B sa interes lamang at P328.3-B sa prinsipal.  Hindi pa nga nasiyahan ang diumano’y mararangal na mambabatas sa regular nilang “pork barrel” noon na P12.2-B, parang mga bampirang uhaw sa dugo na isinalaksak nila sa badyet ng DPWH (Dept. of Public Works & Highways) — batay sa paratang ni dating Sen. Franklin Drilon — ang karagdagang P13.5-B bilang “pork barrel” din!  (Ginawa rin ito noong 2005 sa kasaysayan ng Kongreso ng Estados Unidos na isinalaksak din ng mga Republikano  sa badyet ng kanilang  DPWH ang karagdagang “pork barrel” na $24-B na mahigpit na tinuligsa ng mamamayang Amerikano sa pamamagitan ng Citizens Against Government Waste.) At dahil hindi pa napuputulan ng kamay ang mga mandurugas, at 30% ng pambansang badyet ang nahokus pokus, ano pa nga ba kundi kakarampot na lamang nito ang naiukol sa lubhang kinakailangang maayos na serbisyo publiko?  O, Diyos ni Abraham, nabawasan na nga ba ang mga katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng burukrasya, lalo na sa Kongreso at Malakanyang?

Habang naglulublob sa grasya’t pribilehiyo ang pambansang liderato, patuloy at patuloy pa rin nilang ipinampupunas ng tumbong ang demokratikong mga proseso at sagradong mga karapatang sibil ng sambayanan.  Ilan na bang peryodista at komentarista o miyembro ng “mass media” at ilan na bang kritiko ng rehimen, gayundin ang mga lider at kasapi ng makabayan at progresibong mga organisasyong naghahangad ng pambansang pagbabago, ang walang habas na dinukot, ibinilanggo, nawala, o pinatay pa? (Tingnan na lamang ang datos ng grupong KARAPATAN kaugnay nito.)  May nalutas na ba sa mga kasong ito?  May naparusahan na bang mga kriminal?

Marami pang halimbawang maaaring banggitin upang mapatunayang nagdudumilat ang reyalidad laban sa   ipinangangalandakan sa mga SONA na bumubuti’t gumaganda kaysa rati ang pambansang kalagayan.    Sa halip nga na pagsikapang balangkasin ng pambansang liderato ang lantay na makabayang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan — hindi sa pamamagitan lamang  ng hungkag na retorika’t mga buladas — upang ganap na maisulong ang bansa’t sambayanan tungo sa matagal nang minimithing kaunlaran, ano nga ba ang inaatupag pang  pag-ukulan ng panahon ni La Gloria at ng kanyang masusugid na basalyos?

Maliwanag pa sa sikat ng araw sa disyerto na pansariling interes at ambisyon ang labis nilang pinagsisikapang mapangalagaan kaya, sa kabila ng tumitindi’t lumalawak na mga protesta, puspusan pa rin nilang isinusulong ang Cha-Cha o pagbabago sa umiiral na Konstitusyon para gawing parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan ang sistema ng gobyerno.  Kung matagumpay ngang maisasalaksak ito sa lalamunan ng tumututol na malawak na sektor ng sambayanan, tiyak na  patuloy na makapamayagpag, sa malapit na hinaharap,  sa kubeta ng kapangyarihan si La Gloria bilang Punong  Ministro naman.  Sa halip nga na kumawala  ang pambansang liderato sa dikta ng mapandambong at mapambusabos na dayuhang mga interes na pangunahing bumabansot at lumulumpo sa pambansang ekonomiya,  lalo na ng  mapagsamantalang mga patakaran ng  imperyalismong Amerikano, buong giliw pa nga nitong ibubukaka ang bansa upang kontroling ganap at  gahasain ng mga banyaga ang  ating ekonomiya.  Sa babaguhing Konstitusyon, nilinaw nang aalisin ang mga probisyong naglilimita sa karapatang pang-ekonomiya ng dayuhang mga kapitalista at pahihintulutan na silang magmay-ari ng mga lupain dito, laspagin ang likas na mga yaman ng bansa, 100% kontrolin ang mga korporasyon at negosyo kabilang ang pambayang mga utilidades tulad ng transportasyon at telekomunikasyon, tubig at kuryente, ospital at mga paaralan, at maging mga peryodiko, radyo’t telebisyon na dapat lamang na nasa kamay at kontrolado ng mga Pilipino alang-alang, unang-una,  sa napakahalagang  pambansang seguridad.  Ano ba ito?  Bakit hindi pa muling gawing kolonya ng Estados Unidos ng Amerika ang Pilipinas at italaga si La Gloria —  masunod lamang ang makasariling ambisyon — na Punong Ministro ng Republikang Mamon?

Opo, Virginia, opo… kung mapilit ka pa ring makinig ng mga SONA, uminom ka muna ng tabletas na gamot sa hilo upang hindi mo isiping ikaw ay nasa ibang planeta! —

Kapayapaan Sa Madaling-Araw
(Maikling Kuwento — sinulat noong 1961 at ayaw ilathala ng mga komersiyal na magasin dahil brutal daw at hindi makatao ngunit malimit nang nangyayari ngayon.)

KANGINA, nang nakaupo pa si Andong sa harap ng simbahan ng Quiapo at nakalahad ang kanyang mga kamay sa naglisaw na mga taong  waring nangalilito at hindi malaman ang patutunguhan, hindi niya naisip, kahit saglit, na lubhang nakahahabag ang kanyang kalagayan.  Hindi dumalaw sa kanyang pang-unawa na sisimulan niya ang kinabukasan at marahil ang maraming-marami pang kinabukasang darating sa pagpapalimos sa pook ding iyon mulang umaga hanggang hapon.

Ngunit ngayong sibsib na at nagsisimula nang pumikit-dumilat ang neon lights sa mga gusali, at ang mga taong dati-rati’y huminto-lumakad sa mga bangketa, pumasok-lumabas sa mga restawran, sa mga tindahan, sa mga sinehan, ay nagmamadali nang umaagos patungo sa abangan ng mga sasakyan, saka iglap na lumatay sa diwa ni Andong ang katotohanang iyon; at bigla ang nadama niyang pagnanasa na ang gabi ay manatiling gabi magpakailanman at, kung maaari, ang kinabukasan ay  huwag nang isilang.

Iniahon ni Andong sa kanang bulsa ng kanyang halos gula-gulanit nang pantalong maong ang mga baryang matagal din bago naipon doon; at wala siyang nadamang kasiyahan nang bilangin niya iyon, di tulad noon, di gaya kahapon, na kapag sumapit na ang gayong oras, ang kalansing ng mga baryang iyon ay nagdudulot sa kanya ng lakas at ng pananabik na makita agad ang magpipitong taong gulang na si Totong sa barungbarong na nakikipagsiksikan sa kapwa mga barungbarong na nangakalibing sa makalabas ng lungsod sa gilid ng kalawangin at malamig at mahabang-mahabang daangbakal na iyon.

Hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin sa kanyang napagpalimusan.  Dati-rati, inilalaan niya ang apat na piso sa kanilang hapunan at almusalan ni Totong kung hindi siya makahingi ng tira-tirahang pagkain ng mga nagpapakabundat sa mga restawran.  Ibinibili niya ng pansit ang dalawang piso sa maliit na restawran ng Intsik na  malapit sa palengke ng Quiapo at pandesal naman ang piso sa panaderyang nasa gilid ng tulay. Naitatago pa niya ang natitirang piso kung nahahabag ang konduktor ng bus na sinasasakyan niya na siya’y singilin pa. At ang labis sa kanyang napagpalimusan ay isasama niya sa mataas-taas na ring salansan ng mga barya sa loob ng munting baul na nasa pinakasulok ng kanyang barungbarong.  Kung malaki-laki na ang halaga ng laman ng baul na iyon, nagtutungo siya sa Central Market at bumibili ng pinakamurang damit na itinitinda doon — para kay Totong, para kay Aling Petra na kalapit-barungbarong niya na tagapag-alaga ni Totong kung siya’y wala.

Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang butuhan na niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito.  Naisip niya, laging madilim ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa.  Tinatanglawan lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong.  Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi, panoorin ang unti-unting paglugmok ng gabi — ang pagkikindatan ng mga neon lights sa mukha ng mga gusali, ang pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng mga bunganga ng underpass.  Mabuti pang doon na siya hamigin ng gabi, doon na siya bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga lamang, ang iluluwal na umaga ay huwag na niyang makita magpakailanman.

Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan.  Alam niyang maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at malamigan.  Mula noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng Paco ang isang malaking tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin ng ubo na naging dahilan ng pagkumpis ng dati’y bilugan at malaman niyang dibdib, ng paghumpak ng kanyang pisngi, at pagiging buto’t balat ng kanyang mga braso, at siya’y hindi na nakapagkargador.  At marahil, dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na hirap na sa paglalabada, at malimit pa silang mag-away, nilayasan siya nito isang gabi, iniwan ang noon ay mag-aanim na taong gulang lamang na si Totong.  At magdadalawang buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang kakilala, na ang kinakasama ngayon ni Tasya ay isang tsuper ng bus na  nagyayao’t dito sa Maynila at Laguna.

MATAGAL na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa mapansin niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay langkay-langkay na nagsalasalabat at nangagmamadali.  Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa bulsa ng kanyang pantalon.  Malamig na malamig ang mga baryang iyon.  Kasinglamig ng malapit nang pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay Tasya, at kasinglamig din ng pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya.  At naramdaman niyang nagiginaw ang kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan.

Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at madaling-araw na at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag nang makita ang umaga, at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan ng araw na nasa bulsa pa rin niya.  Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad nang lumakad, at mapadpad siya kahit saan.  Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan, kahit sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa tabi ng umaalingasaw na mga basurahan, kahit sa madidilim at makikipot at mababahong mga eskinita, o kahit sa nagbabanta nang mga patak ng ulan.

Madilim na madilim na sa kalangitan, at walang maaninaw si Andong ni isa mang bituin.  Lumabas siya sa bakuran ng simbahan.  Parang wala sa sariling tinumbok niya ang kalye Evangelista.  Saglit siyang huminto sa panulukan, at inaninaw niya ang mga mukha ng dalawang batang lalaking magkasiping sa loob ng munting kariton.  At naalaala niya si Totong.  Kangina pa naghihintay si Totong… natutulog na marahil si Totong.

Ginaygay niya ang bangketa, at sa suluk-sulok, hindi iilang pagal na katawan ng mga bata at matanda ang inilugmok ng gabi sa pira-pirasong karton at pinagtagni-tagning diyaryo.  Lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan.  At, naisip niya, hindi na marahil magtatagal, igugupo siya ng kanyang karamdaman.

Bakit kinakailangan pa niyang mangarap nang mangarap?  Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad. Paano si Totong kung wala na siya?

At nang lumiko siya sa isang panulukan, isang binatilyo ang sumulpot sa dilim, lumapit sa kanya, at may inianas.  At bigla ang pagbabangon ng damdaming sumuno sa kumpis nang dibdib ni Andong.

Bakit wala si Tasya?

At hindi niya maunawaan kung bakit sa kalagayan niyang iyon, nakuha pang sumuno ang damdaming iyon.  Marahil, sapagkat siya’y may puso, may utak, may laman at buto at dugo.  Huminto siya at inaninaw niya sa manipis na karimlan ang mukha ng binatilyo.  Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa kanyang bulsa at nang maisip niyang pinagpalimusan niya iyon, iglap na lumusob sa kanya ang di mawaring paghihimagsik.

“Magkano?”

Ngumisi ang binatilyo at itinaas  ang kanang palad na nakatikom ang hinlalaki at nakaunat ang apat na daliri.

Iniahong lahat ni Andong sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga baryang naroroon, dalawang ulit niyang dinaklot at iniabot sa binatilyo.  Nagkislap-kislap ang mga baryang iyon nang bilangin ng binatilyo sa tama ng liwanag ng bombilya ng posteng malapit sa panulukan.

“Sobra ho ito,” sabi ng binatilyo.

“Iyo na.” Paos ang tinig ni Andong.

Magkasunod na nilamon ng madilim at makipot na eskinita na nasa pagitan ng dalawang lumang aksesorya ang yayat na kabuuan ni Andong at ng binatilyo.  Tinalunton nila ang nagpuputik na eskinitang iyon hanggang sa sumapit sila sa kalagitnaan. Huminto ang binatilyo, at huminto rin si Andong.

Sa manipis na karimlan, nabanaagan niya ang ilang babaing magkakatabing nakaupo sa bungad ng isang pinto ng aksesorya.  Pumako ang tingin ng mga iyon sa kanya at naghagikhikan.

Bakit wala si Tasya?  Ibig niyang makita, himasin ang mukha ni Tasya.  Ibig niyang madama ang init ng katawan ni Tasya.

Itinuro niya ang babaing nasa gilid ng pinto.  Tumayo ang babaing iyon.  Payat iyon, mataas, manipis ang labi, singkit, pango.  Sumunod siya nang pumasok ang babae sa aksesorya at, sa ulunan ng radyo-ponograpong hindi tumutugtog, nakapako sa dinding ang karatulang tisa na may pulang mga titik na GOD BLESS OUR HOME.

At dinalahit ng ubo si Andong nang lumabas siya sa silid na iyong marusing at marumi at may kakaibang alingasaw at nakakalatan ng lukut-lukot na tissue paper ang mahina nang suwelong tabla.  At sumanib sa sunud-sunod na pag-ubo ni Andong ang matinis na halakhak ng mga babaing nasa bungad ng pinto ng aksesorya.

MALAMIG at madilim at malungkot ang daangbakal at, sa langit, ang bunton ng makakapal at maiitim na ulap ay bibitin-bitin na lamang sa kalawakan.  Ang madaling-araw ay nailuwal na ng gabing nagdaan, ngunit madilim na madilim pa at waring hindi na daratal pa ang umaga.

Kumislot si Totong nang pumasok si Andong sa barungbarong.  Ibig pa niyang lumakad nang lumakad hanggang sumisigid sa kanyang kaluluwa ang lamig ng pagdaralitang hindi niya matakasan, at isasama niya si Totong upang hanapin nila ang kapayapaan, kahit sa malalaki at masinsing patak ng ulan na ngayon ay naglagi-lagitik sa kalawanging bubong ng mga barungbarong.

“Totong,” paos ang tinig ni Andong.

Dumilat si Totong, kinusut-kusot ang mga mata, tumingin sa malamlam at waring namamaalam na ningas ng gasera.

“Totong,” lumuhod si Andong sa tabi ng anak at hinimas ang payat na kabuuan ni Totong.

Bumangon si Totong.

“Me uwi kang pansit, ‘Tay?”  Iginala ni Totong ang tingin sa kabuuan ng nagiginaw na barungbarong, lumungkot ang mukha nito nang mapansing walang nakapatong na supot sa mesitang yari sa pinagputul-putol na tabla.

Nangilid ang luha ni Andong.

“Ba’t ‘ala kang uwing pansit ngayon, ‘Tay? Kahapon, saka noon pa, lagi kang me uwi.  Ba’t ‘ala kang uwi ngayon, ha, ‘Tay?

“Bibili tayo.”

“Senga, ha, ‘Tay?”  Namilog ang mga mata ni Totong.

Tumango si Andong.

“Kelan?”  Nangulimlim ang mukha ni Totong.

“Ngayon.”

Napalundag si Totong.

“Saka pandesal, ha, ‘Tay!  Saka ‘yong tulad nang uwi mo noong ’sang gabi, ‘yon bang masarap, ‘yong me lamang keso!”

Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong.  Inakay niya ito palabas ng barungbarong.  Sa labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos.  Ang mga barungbarong ay nagiginaw, nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera.  Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang kapasiyahan.

Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad.

“Umuulan, ‘Tay.  Maliligo tayo sa ulan, ‘Tay?  Tuwang-tuwa si Totong.

Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod, mahahaba.  Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong.  Nagsayaw-sayaw sa kanyang katawan ang malamig na malamig na patak ng ulan.  Waring nananangis ang mga bubungang yero ng mga barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling mga patak ng hindi masawatang ulan.

Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong.  Sumampa sila sa daangbakal.  Lumuksu-lukso pa si Totong, nalalaru-laro ang masinsing mga patak ng ulan,.  Tinalunton nila ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo.

“Malayo pa, ‘Tay?  Sa’n me tindang pansit, ha?” mayamaya’y tanong ni Totong.

“Ma…malapit na, Totong.”  Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan.

Nagpatuloy sila sa paglakad.  Lalong lumalakas ang ulan.  Lalong tumitindi ang pagnanasa ni Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami pang umagang darating.

Darating na ang kapaypaan… darating na iyon.

“Malayo pa ba, ha, ‘Tay?” pamuling tanong ni Totong.  “Gutom na ‘ko, ‘Tay.  Pansit, ha, saka ‘yong me palamang keso.”

Hindi sumagot si Andong.  Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang dibdib, nagsisikip.  Nangangati ang kanyang lalamunan.  Muli siyang inubo, tuyot, sunud-sunod, mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad.  Napaupo siya sa riles,  hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang kanyang paningin, nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong; nagtatanong ang mga mata nito, kukurap-kurap.

Yumayanig na ang riles, naramdaman ni Andong, at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong.  Tumingin siya sa pinagmumulan ng dagundong ngunit madilim pa, kahit mag-uumaga na.  Ang kalawakan ay lalong pinadidilim ng masinsin at malalaking patak ng ulan na waring galak na galak sa pagbuhos.

Sa malayo, ang dagundong ng tren ay papalapit, papalakas.  Yumupyop na si Totong sa tabi ni Andong.

‘Tay, uwi na tayo!  ‘Yoko na sa ulan.  ‘Yoko na ng pansit,”  parang maiiyak si Totong.

Rikitik…rikitik…rikitik…wooo… wooo!

Papalapit iyon, papalakas, papabilis.

Dumapa si Andong sa riles ng tren.  Patuloy siyang dinadalahit ng ubo.  Naramdaman niyang nagwawala si Totong sa kanyang pagkakahawak.

Rikitik…rikitik…rikitik…rikitik…woooo…woooo!

“‘Tay!”

Nilamon lamang ng malakas na malakas nang dagundong ng tren ang sigaw ni Totong.  Nagdudumilat sa harapan ang  dalawang ilaw  ng rumaragasang tren.

Salonpas Para Sa Kanser
(Kolum — Hunyo 13, 2009)

SA KABILA ng lumalawak at tumitinding mga protesta ng iba’t ibang sektor ng sambayanan — bukod pa sa mga miyembro ng Senado na malinaw ang pansariling mga interes —   laban sa iginigilgil na Con-Ass (Hole) o asamblea constituyente para baguhin ang umiiral na 1987 Konstitusyon ng bansa (tulad nang ginawa ng lehislatura ng Pransiya noong 1789-1791), at kahit napakakontrobersiyal na gawin ito kung Kamara lamang ang magsasagawa at lalabagin nito ang mga probisyon ng Konstitusyon ayon sa mga dalubhasa sa Saligang-Batas, lumilitaw na igigiit at igigiit pa rin ng masusugid na basalyos ni La Gloria sa Kongreso ang bagay na ito kahit pagbabambuhin pa  ang kanilang mga ulo o kasuklaman man sila nang husto ng mulat na sambayanang Pilipino.

Natural, maliwanag ang posisyong ipinangangalandakan ng masusugid na tagahimod ng kuyukot ng Malakanyang: hindi isasaksak sa babaguhing Konstitusyon ang pagpapalawig sa termino ng panunungkulan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo o ng sinuman pero, sa kabilang banda, gagawin namang parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan ang sistema ng gobyerno, hindi na presidensiyal tulad nang umiiral ngayon.  Samakatuwid, at malinaw na ang mga senyales, hindi imposibleng kumandidato si La Gloria bilang kongresista sa kanyang distrito sa Pampanga at, sapagkat, mayorya ng mga basalyos niya ang inaasahang miyembro  ng mabubuong Parlamento at sila ang maghahalal ng Punong Ministro at seremonyal na Presidente ng Republikang Mamon, imposible pa bang maging Punong Ministro naman si La Gloria lalo’t  masidhi ang   ambisyon niyang  makapangunyapit na parang tuko sa nakababaliw na kapangyarihan, impluwensiya’t pribilehiyo  hanggang siya’y  humihinga?

Napakatuso nga ngayon ang taktika ng mga diyus-diyosan ng balintunang lipunan.  Una, isulong nang husto ang Cha-Cha o pagbabago sa Konstitusyon sa pamamagitan ng nilalarong asamblea constituyente o kahit kombensiyon konstitusyonal (tulad nang ginawa sa Philadelphia, USA noong 1787 o noong 1970 sa Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos). Masidhi nga ang pagisisikap na  gawing  parlamentaryo ang sistema ng gobyerno para  maging Punong Ministro si La Gloria.  Ikalawa, kung mabigong maisakatuparan ito bago mag-eleksiyon sa darating na Mayo 2010, kakandidato naman siyang  kongresista ng Pampanga bilang paghahanda sa malililikhang parlamento dahil, sa anumang paraan, itutuloy at  itutuloy pa rin  ng mga basalyos niya ang pagsusulong sa Cha-Cha lalo na’t may basbas pa ito ng Amerika.  {Gusto naman ng Amerika, sa dikta ng imperyalista nitong mga patakaran, na alisin sa babaguhing Konstitusyon ang mga limitasyon sa pagmamay-ari ng mga lupain at negosyo o mga korporasyon dito upang lubusan nang magahasa ang ekonomiya ng Republikang Mamon.)  Ikatlo, at nakababahala, sukdulan nilang  igigilgil sa Kongreso na mag-Cha-Cha na ngayon na, tiyak, magbubunsod at magpapasiklab ng higit pang mga protesta ng iba’t ibang sektor ng sambayanan na maaaring mauwi sa mga kaguluhan at karahasan sa buong bansa na pabor pa rin kay La Gloria sapagkat may katuwiran naman siyang ideklara ang Batas Militar (tulad nang ginawa noon ng yumaong diktador na si Marcos) at, samakatuwid, garantisadong mapapalawig ang pananatili niya sa poder — maliban na lamang kung magkudeta ang militar o matagumpay na magrebolusyon ang sambayanan.

Gayunpaman, batay sa takbo ng mga pangyayari ngayon, mukhang nakatuon na ang mata ng mga diyus-diyosan sa eleksiyong pampanguluhan sa Mayo 2010 at, kung hindi magkakagulo o SADYAING palaganapin ng mga salamangkero ang karahasan sa bansa upang maideklara ang Batas Militar,  tiyak na ngang idaraos ang sarsuwela o malakarnabal na pagtatanghal ng bastardong mga pulitiko mga ilang buwan na lamang mula ngayon.  Katunayan, nagkakarambola na ang mga nag-aambisyong maging kahalili ni La Gloria sa poder at, sa pamamagitan ng tuso o disimuladong  mga pamamaraan, tulad ng mga bayad na anunsiyo sa telebisyon — sarili mang pera o pondo ng bayan ang ginastos — ibinabandila na nila ang kanilang mga pagmumukha at adhikaing “mapaglingkuran ang bayan” kahit hindi pa sila opisyal na kandidato at labag sa reglamento ng inutil na Comelec na mangampanya na sila ngayon pa lamang.

Pero, magka-eleksiyon man taun-taon, o malimit mang baguhin ang Konstitusyon ng bansa sa bawat panahon, malulunasan ba ang grabe nang mga sakit na panlipunan mulang doble-karang hustisya hanggang palsipikadong demokrasya kung ang uri pa ring naghahari-harian at mapagsamantala ang mamamahala at uugit sa bansa,   lalo’t  mahigpit nilang kontrolado o monopolyo    nila ang pambansang pulitika’t ekonomiya?  Sabi nga, natural lamang na puspusan nilang pangalagaan ang pansarili nilang mapandambong na mga interes sa kapinsalaan ng bayan at masang sambayanan.

Sa pagpapalit ng mga rehimen sa pamamagitan ng mga eleksiyon simula pa sa panahon ni dating Presidente Elpidio Quirino hanggang sa ngayon,  o pagbabago man  sa Konstitusyon tulad noong 1970, o sa pamamagitan ng Edsa 1 at Edsa 2, paulit-ulit na   napatunayang  salonpas lamang para sa kanser ang lahat ng ito.  Malinaw na kinakasangkapan lamang ng uring naghahari-harian, ng mga elitista’t kinatawan ng oligarkiya at dayuhang mga interes ang suporta ng masang sambayanan at, pagkatapos na maluklok sa poder ang mga diyus-diyosan, agad nilang inilalampaso sa kubeta ng kapangyarihan ang pambansang kapakanan, lalo na nga ang nilulumot nang adhikan ng masang sambayanan na makalaya sa kabusabusan.

Wala ngang naganap, noon hanggang ngayon, na radikal na mga pagbabagong panlipunan.  Lumulubha pa nga nang lumulubha ang disempleyo at karalitaan habang sumisidhi nang sumisidhi ang talamak at garapal na katiwalian ng mga nasa poder sa salapi ng bayan.  Nananatiling dayukdok at busabos o inaalipin ng gahamang mga kapitalista ang uring manggagawa habang walang sawa silang nagtatampisaw at nagpapakabundat sa pawis at dugo ng mga ito.  Nakatanikala pa rin sa lupa ng mga asendero’t propiyetaryo at kumain-dili ang mga magsasaka at ni hindi man lamang mabanaagan ang tunay na repormang agraryo habang masaganang nagpipiging at nagkakamot lamang ng bayag ang mga kinauukulan sa loob ng kani-kanilang alpombradong mansiyon at palasyo.   Higit pang masama, paulit-ulit na itinitihaya at ibinubukaka ang Pilipinas  ng nagririgodong pambansang liderato upang ipagahasa at ipalaspag ang ekonomiya’t pambansang kapakanan sa mapandambong na dayuhang mga interes, lalo na sa masibang   imperyalistang mga patakaran ng Amerika.

Sa kabila ng mga kilusan para sa isang mapayapa, malinis at kapanipaniwalang eleksiyon, ano pa nga ba ang maaasahan ng bayan at masang sambayanan sa mga halalang tulad nito na lagi’t laging  kinakatawan at pinaghaharian ng dati at dati ring mga diyus-diyosan sa umiiral na lipunan gayong lumilitaw na pasimuno pa ang mga ito ng  inhustisya, bentador ng pambansang kapakanan,  at masugid na mga kaaway ng lantay na katarungang panlipunan?  Ano pa nga ba ang maaasahan din ng bayan at masang sambayanan sakaling baguhin man ang Konstitusyon kung ang magpapasok ng mga pagbabago ay ang naturan ding uri na dumadaloy na sa dugo at nakatanim na sa  mga puson  at puklo ang mapagsamantalang pribadong mga interes para sa kapakanan lamang  ng kanilang uri?  Sabi nga, hindi makalilikha ng banal na kasulatan ang grupo ng mga impakto!

Opo, Virginia, opo: magka-eleksiyon man araw-araw, baguhin man ang Konstitusyon oras-oras, hindi magkakaroon ng radikal na pambansang mga pagbabago — lalo na sa buhay ng masang sambayanan — hanggang hindi nababago ang napakasamang balangkas ng lipunang kontrolado lamang ng iilang naghahari-harian ang ekonomiya’t pulitika ng bansa.  Hanggang hindi lantay na makabayan, makatao, makamasa, maka-Pilipino at progresibo ang hahawak sa renda ng pambansang kapangyarihan o hindi tangan ng masang sambayanan ang pampulitikang kapangyarihan, mananatiling salonpas lamang para sa kanser ang naturang mga proseso at mananatiling paghaharian ng kampon ng kadiliman ang pinakamamahal nating bayan.– #

Pakana Ng CIA
(Kolum)

TIYAK, ngayon pa lamang, nakatutok na ang mata ni Uncle Sam sa mga ambisyosong maging Presidente ng bansa kung matutuloy nga ang eleksiyong pampanguluhan sa Mayo 2010.  Kung hindi nga maisalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang Cha-Cha o pagbabago sa umiiral na Konstitusyon dahil sa tumitinding mga protesta at  tuluyang mabigo ngayon ang layuning gawing parlamentaryo/pederal/may isang kapulungan — hindi na presidensiyal — ang porma ng gobyerno upang maging Punong Ministro o Presidente na naman si La Gloria, wala nang dahilan pang kapunin o patayin ang nakatakdang eleksiyon, maliban na lamang kung sadyaing  lumaganap ang mga karahasan at kaguluhan sa bansa upang mapangatuwiranang kailangang ideklara ang Batas Militar gaya nang ginawa noon ng yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos.

Natural, at lagi naman itong ginagawa, sinusuri na ng Amerika kung sino ang mamanuking susunod na Presidente ng Republikang Mamon  upang maging tagapagtaguyod ng imperyalista nitong mga patakaran sa Pilipinas.  Si Bise-Presidente Noli de Castro ba?  Isa ba kina Sen. Manuel Villar, Panfilo Lacson, Dick Gordon, Mar Roxas, Loren Legarda at

Chiz Escudero?.Si Sekretaryo Gilbert Teodoro ba ng DND (Dept. of National Defense)? Si Gobernador Ed “Among” Panlilio ba ng Pampanga?   O si Alkalde Jojo Binay ng Makati?   Si Tagapangulong Bayani Fernando ba ng MMDA (Metro Manila Development Authority)? O si Bro. Eddie Villanueva ba ng JIL (Jesus is Lord) o si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai?  O sinumang impaktong handang maging masugid na tagahimod ng kuyukot ni Uncle Sam?

Hindi na tuloy katakataka, hanggang ngayon, kung bakit wala ni isa  sa mga nabanggit ang bumabatikos sa mapambusabos at mapanggahasang imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa Pilipinas — pangkultura man, pang-ekonomiya man o pampulitika.  Nang magharap sa  programa ni Tina Monzon Palma sa telebisyon kamakailan sina Roxas, Gordon, Escudero, Panlilio at Teodoro,  naging mababaw ang kanilang mga pahayag.  Hindi nila sinaling man lamang ang isyu tungkol sa ganap na kasarinlan o soberanya ng bansa na ipinampupunas lamang ng puwit ng Amerika, gayundin ang isyu sa tunay na reporma sa lupa, at wala silang pinagtuunang lamutakin kundi ang pagsugpo sa katiwalian lalo na sa burukrasya.

Sapagkat walang  sinuman sa kanila ang bobo, tiyak na alam nilang pangunahing dahilan ng paglaganap ng karalitaan sa bansa ang mga galamay ng imperyalismong Amerikano at, dahil sa mapambusabos nitong mga patakaran,  imposible tuloy na  maisulong ang pambansang kapakanan at kaunlarang minimithi ng dayukdok na sambayanan.  Pero, sa kabilang banda, dahil alam nilang kailangan nila ang bendisyon at suporta ni Uncle Sam upang maisakatuparan ang nakababaliw nilang ambisyong pampulitika, natural nga lamang na huwag nilang salingin man lamang ang gayong usapin o sadyain nilang embalsamuhin ang sariling utak, kandaduhan ang bibig, o putulin ang dila para ibenta ang sarili sa mga diyus-diyosan sa Washington.

Sa proseso ng pagsusulong at pagpapairal sa imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa alinmang bansa, hindi mapapasubaliang malaki ang papel na ginampanan — at patuloy na ginagampanan — ng mga ahente ng CIA (Central Intelligence Agency) nito.  Malinaw na ibinunyag ang lahat-lahat sa mga aklat na “Who’s Who In The CIA” ni Jules Mader at “Rogue State” ni William Blum.  Noon pa man, mga 3,000 katao na — mga sibilyan, militar, pulitiko at maging peryodista — ang sinusuwelduhan ng CIA bilang mga ahente.

Nakakalat sila sa mundo upang maniktik, mangalap ng mga impormasyon, magwasak ng unyon ng mga manggagawa at ng mga organisasyong makabayan, magbagsak ng mga rehimeng anti-Amerikano, manabotahe ng ekonomiya, at  magluklok sa poder ng mga lider na kayang pilipitin ang leeg upang maging papet ni Uncle Sam.  Higit sa lahat, kung kinakailangan, maaari pa silang magpakana ng mga pagpatay, mapangalagaan lamang ang mapandambong na interes ng Amerika.

Dekada ‘60 pa, mga 100 na ang ahente ng CIA sa India, 34 sa Afghanistan, 15 sa Ceylon, 86 sa China, 72 sa Indonesia, 44 sa Burma, 80 sa Hongkong, 140 sa Japan, 26 sa Cambodia, 40 sa Laos, 11 sa Malaysia, 16 sa Nepal, 90 sa Timog Korea,  100 sa Thailand, 150 sa Vietnam, 85 sa Pilipinas, bukod pa sa mga 100 ahente sa iba pang mga bansa.  Natural, sa paglipas ng mga panahon, lubos na naragdagan ang naturang bilang sa masidhing ambisyon ng Amerika na makontrol at mapagharian ang buong mundo.  Sa Pilipinas ngayon, tinatayang mahigit sa 200 ang naglisaw na mga aso ng CIA, lalo na’t inihahanda na ang tanghalan ng malakarnabal na eleksiyon sa 2010 at, sa anumang paraan, dapat na manyikang de susi o papet ni Uncle Sam ang susunod na maupo sa inodoro ng kapangyarihan sa Malakanyang.

Maraming pangyayari nga sa ibang mga bansa ang pinaniniwalaang minaniobra ng mahiwaga at makapangyarihang kamay ng CIA. Nariyan, halimbawa, ang pagpatay kay Patrice Lumumba, unang Punong Ministro ng Congo, noong 1961.  Nariyan ang pagpapabagsak sa maka-Komunistang rehimen diumano ni Sukarno ng Indonesia noong 1962 at pagluluklok sa poder kay Suharto na nagpakatuta sa Amerika.  Nariyan ang pagpapatalsik sa makabayang rehimen  ni  Mohammed Mossadegh ng Iran noong 1953 hanggang sa mailagay sa kapangyarihan ang papet na si Shah Reza Pahlavi.  Nariyan ang pagpatay kay Ngo Dinh Diem ng Vietnam (tinulungan muna ng CIA na maging presidente saka nilikida nang ayaw nang sumunod sa kagustuhan ng Amerika noong 1963). Malinaw din ang pagmamaniobra ng CIA sa kudeta sa  Guatemala noong 1954 at pagpapatalsik sa kapangyarihan kay Francois “Papa Doc” Duvalier ng Haiti noong dekada ‘60. Bukod sa mga nabanggit, hindi iilang ulit na ring pinagtangkaang patayin ng CIA sina Fidel Castro ng Cuba at Moammar Qaddafi ng Libya.

Sa mga naging lider na lamang ng Pilipinas, pinag-iisipan pa rin hanggang ngayon ng mga palasuri sa pandaigdig na pulitika na bahagi ng teroristang mga pakana ng CIA ang biglang pagkamatay ni Sen. Claro M Recto noong dekada ‘50 sa Roma.  Kilalang makabayan si Recto at  mahigpit na kritiko ng imperyalistang mga patakaran ng Amerika sa Pilipinas matapos ang kolonyalismong Kastila.  Sa  isang piging sa Roma, bigla na lamang diumanong inatake sa puso si Recto gayong sinasabing wala siyang sakit sa puso.  Tumibay ang paniniwalang nilason siya ng CIA.

Makabuluhan din, marahil, na banggitin ang nangyari kay dating Presidente Ramon Magsaysay.  Batay sa aklat na “The Invisible Government” nina David Wise at Thomas Ross, lumilitaw na inalagaan at pinasikat ng CIA hanggang maging Presidente ng bansa ang mekanikong si Magsaysay sa ilalim ng pagmamaniobra ni Col.  Edward Landsdale, hepe noon ng CIA sa Asya-Pasipiko.  Iniluklok muna siyang kalihim ng Tanggulang Bansa at ginamit nang husto laban sa rebelyon ng mga Huk.  Pero, nang Presidente na siya,  at nagsisimulang sumuway sa kagustuhan ni Uncle Sam, bigla ngang bumagsak sa Mt. Manunggal ang sinasakyan niyang eroplanong pampangulo gayong  lagi iyong  sinusuri’t tinitiyak na ligtas bago paliparin at, makatuwirang isipin,  pinakamahusay na piloto rin ang inaatasang magpalipad niyon.

Mahalaga ring sariwain kung paano niwawasak ng CIA ang gulugod ng unyonismong anti-Amerikano sa bansa.  Noong 1968 na lamang, walang patumanggang pinatay si Resureccion Nazareno, presidente ng Clark Field Labor Union matapos ang isang malaking kilos-protesta laban sa mga opisyal ng base militar ng Amerika sa Clark Field, Pampanga.  Pagkatapos, nang nasa kainitan ang welga ng mga empleyado sa Clark, bigla ring pinatay sa isang restawran  si Konsehal Jose  M. Roman, Jr. ng Angeles ng naturang probinsiya makaraang pamunuan ang dalawang matagumpay na demonstrasyon laban sa mga opisyal ng Clark at interes ng Amerika sa bansa.

Bukod sa mga nabanggit, malaki rin ang papel na ginampanan ng CIA, hindi ng Birhen ng Edsa, sa mapayapang pagpapatalsik sa diktadurang Marcos.  Masugid na papet din ng Amerika si Marcos pero nang labis na umabuso sa kapangyarihan at tumindi na’t lumawak ang galit ng sambayanan, natakot ang Amerika na magkarebolusyon sa bansa at maluklok sa kapangyarihan ang mga makabayan, progresibo at sinasabing maka-kaliwa na, tiyak, ikawawasak ng lahat ng mapandambong na interes ng Amerika sa bansa.  Ipinasiya nga ng mga diyus-diyosan sa Washington na maniobrahing patalsikin na si Marcos, palitan ng bagong papet na katanggap-tanggap sa mga mamamayan, kaya  tinawagang “You better pack-up.  No bloodshed!” nang nasa kasagsagan na  ang Edsa 1.  Helikopter nga ng Amerika ang sumundo sa Unang Pamilya at kanilang pangunahing mga basalyos sa Malakanyang at dinala sila sa Haway.

Ayon nga kay Blum, karaniwan na lamang ang tuwiran o di- tuwirang pakikialam ng Amerika — sa pamamagitan ng CIA — sa mga bansang gusto nitong kontrolin at gahasain gaya na nga lamang ng paghokus pokus sa mga eleksiyon.  Kung kinakailangan pa, naglulunsad din ito ng lantarang agresyon tulad sa Iraq at Afghanistan madamay man ang inosenteng mga sibilyan sa pamamagitan ng paggamit ng mapamuksang mga sandatang kemikal at bayolohikal.  Ibinunyag pa  ni Blum na ang CIA  ang nagmaniobrang ipakulong ng 28 taon si Nelson Mandela ng Aprika, gayundin ng dalawang tangkang pagpatay noon kay dating Presidente Jose Figueras ng Chile.

Maisulong nga lamang ang gahaman at mapang-aliping interes ng Amerika sa alinmang bansa, ginagawa ng CIA ang lahat — magpakalat ng mapanlinlang at baluktot na mga propaganda, mangidnap at pumatay, magpalaganap ng droga, magpahirap at manggipit  ng itinuturing na mga kaaway, manabotahe sa makabayang pamahalaan, magsalamangka sa mga halalan, at magpakana ng kung anu-ano pang maruruming taktika  para sa interes ni Uncle Sam. Katunayan,  bukod sa Iraq at Afghanistan ngayon, tuluy-tuloy ang masugid na pagkilos ng CIA sa Libya at Iran, sa Syria at Hilagang Korea at iba pang mga bansang hindi nito basta mapilipit ang leeg para mangayupapa sa altar ng imperyalismong Amerikano.

Sapagkat lumalakas ngayon  sa Pilipinas ang mga puwersang makabayan at progresibo, at tumitindi ang mga protesta kontra sa imperyalistang mga patakaran ng Amerika dito, makatuwiran nga lamang asahang mag-iibayo rin ang pagkilos, pagmamaniobra, mga pakana at pakikialam ng mga ahente ng CIA sa bansa.  Asahan nang sasalamangkahin nito ang eleksiyon sa 2010 — kung hindi matagumpay na mailulunsad ang Cha-Cha sa Kongreso ng mga sirkero’t payaso — matiyak lamang na tuta ni Uncle Sam ang susunod na Presidente ng Republikang Mamon.

Opo, Virginia, opo, ngayon pa lamang ay paniwalaan mo na ito! Huwag mo nang sangguniin ang iyong horoscope araw-araw. #

Republikang Mamon
(Kolum)

HINDI na dapat ikagulat pa kung bakit napawalang-sala  sa CA (Court of Appeals) ang marinong Amerikanong  si Daniel Smith at walang kaabug-abog na nakauwi na sa Estados Unidos ng Amerika.  Sa RTC (Regional Trial Court) ng Makati,  puspusang nilitis si Smith ni Hukom Benjamin Pozon sa    kasong panggagahasa sa isang Suzette “Nicole” Nicolas na nangyari noong malibog na gabi ng 2005.  Napatunayan siyang nagkasala at nasentensiyahang mabilanggo ng mga 40 taon.

Habang nakaapela sa CA ang kanyang kaso,  mga dalawang taon nga siyang ikinulong noon sa Embahada ng Amerika dito na, maliwanag, hindi sakop ng mga batas at hurisdiksiyon ng Pilipinas.  Matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat nang ilipat  ng kulungan si Smith sa sakop ng teritoryo ng bansa — halimbawa’y sa Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa —   hindi naman iyon  naipatupad kahit isang minuto dahil kailangan pa diumanong “linawin” ang ilang teknikalidad sa mga probisyon ng nakasusukang VFA (Visiting Forces Agreement) na sumalaula na naman sa soberanya o kasarinlan ng bansa.  Sadyang binimbin ang pagpapatupad ng naturang kautusan,   ibinitin at pinatawing-tawing   sa hangin  kaya, sa wakas,  namaniobra o nasalamangka ng  makapangyarihang mga kamay ang lahat-lahat  at nagmukhang tanga ang Republikang Mamon.

Maaalaala, kahit parang dumaraan sa butas ng karayom ang sinumang aplikante para mapagkalooban ng visa sa Embahada ng Amerika dito, biglang-bigla na lamang pumutok ang balitang nasa Amerika na si Nicole, kasama ang Nanay, upang doon na magsimula ng panibagong buhay matapos ang madamdamin niyang pagsasalaysay noon kung paano nilaspag ni Smith ang kanyang puri.  Pagkatapos, bigla rin ang ipinalabas niyang bagong pahayag na hindi na niya tiyak kung ginahasa nga siya o hindi ni Smith dahil “lasing na lasing” siya noong gabing iyon.  Maliwanag, ang nabaligtad na pahayag ni Nicole ang isa sa mga matibay na  batayan ng tatlong babaing mahistrado ng CA — bukod sa iba pa marahil na mahiwagang mga kadahilanan, kasama diumano ang konsensiya — kaya, sa wakas, mabilis pa sa alas kuwatrong napawalang-sala si Smith at parang ipu-ipong nakauwi agad sa  Amerika.

Dumaan, diumano, sa tamang proseso ang lahat, ayon kay Embahador Kristie Anne Kenny, at gayundin ang opinyon ng ilang opisyal ng pamahalaan natin, lalo na si Sekretaryo Raul Gonzalez ng Katarungan kaya, sabi nila,  walang dapat hinalaing iregularidad o hokus pokus sa mga bagay na ito. “Tell it to the marines,” sabi nga sa wika ng mga Yankee.  Sa paniniwala ng mga mulat at progresibo, diniktahan ng mga diyus-diyosan sa Washington ang diyosa ng Malakanyang para aregluhin ang lahat pabor kay Smith.

Batay sa kasaysayan ng Republikang Mamon, matagal nang nangangayupapa at tagahimod ng pundilyo ng imperyalistang mga patakaran ng Amerika ang walang gulugod na pambansang liderato ng Pilipinas.    Mula pa  sa panahon ng mga Quezon, Roxas at Osmena, hanggang sa mga rehimen ng mga Marcos, Aquino, Ramos, Erap at La Gloria, maliwanag na papet lamang o manyikang de susi ni Uncle Sam ang mga naging presidente ng Republika (basahin ang aklat na “In Our Image” ni Stanley Karnow) kaya kalimitang ibinebenta ang pambansang kapakanan at labis na nasasalaula ang tunay na kasarinlan o soberanya maisulong lamang ng mga kinauukulan ang makasarili’t nakasusugapang mga interes na pampulitika.

Kailan nga ba naipatupad ang mga batas ng Pilipinas laban sa mga  nagkakasalang sundalong Amerikano sa sakop ng teritoryo nito?  Nang namamayagpag sa bansa ang mga base militar ng Amerika dito — sa Sangley Point sa Kabite, sa Clark Field sa Pampanga, sa Subic Bay sa Olongapo — itinambak lamang sa kangkungan ang maraming kasong kinasangkutan ng mga marinong Amerikanong kagaya ni Daniel Smith. Walang kaluskos na nakalayas  agad  ng Pilipinas ang mga kinauukulan at lumitaw na lamang, nang malaon,  na nagkakamot na ng bayag sa Estados Unidos ng Amerika.

Sariwa pa sa alaala, noong mga huling taon ng dekada ‘60,

isang mala-pistolerong marinong Amerikanong  tumutugon naman sa pangalang Kenneth Smith ang hindi napitik man lamang sa ilong ng batas ng Pilipinas at agad na pinawalang-sala ng mga awtoridad na Amerikano kaugnay ng pagkakapatay sa isang pobreng Pilipinong limpiya bota na nagnanakaw diumano ng bisikleta.  Ang biktima, si Rogelio Gonzales, ay basta na lamang binaril at napatay ni Smith sa tarangkahan ng Sangley Point.  Bisikleta lamang ng Amerika ang katumbas ng kanyang buhay nang basta na lamang ibinasura ang naturang kaso.

Noon ding mga panahong iyon, isang Pilipinong trabahador, si  Glicerio Amor na “nakatalikod at nakatalungko at umiinom” sa isang sapa na sakop ng base militar ng mga Yankee sa Subic Bay, Olongapo, ang basta din lamang binaril at napatay ng marinong si Michael Moomey.  Ikinatuwiran ni Moomey na napagkamalan niyang “baboy-ramo” si Amor kaya niya binaril agad.  Hindi man lamang napitpit ng batas ng Pilipinas ang kanyang mga daliri at nakauwi din agad siya  ng Amerika.

Noong 1970 naman, iba’t ibang makahayop na kalupitan ang dinanas ng ilang manggagawang Pilipino sa Clark Field, Pampanga sa kamay ng binansagang Holman’s Gestapo Unit — si Col. Averill Holman ang siyang  kumander  ng naturang base militar na nahaharap noon sa kasong desakato sa Hukumang Unang Dulugan ng Lungsod ng Angeles kaugnay ng kaso namang tangkang pangingidnap at panggagahasa ng apat niyang sundalong sina Ronald McDaniel, Cecil Moore, Bernard Williams at Hiawatha R. Lane.  Ibinaon na rin lamang sa limot ang nasabing mga kaso.

Sa isyu ng THE WHIG (Agosto-Setyembre, 1970), isang peryodikong Amerikanong lumilitaw na tutol noon sa masamang pamamalakad ng Amerika hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang mga bansa, ibinunyag ang  sumusunod na mga pangyayari sa Clark Field:

Isang alas kuwatro ng hapon, nilapitan ng anim na sundalo ng Holman’s Gestapo Unit ang anim ding sibilyang empleyado ng base militar na nakatayo sa tarangkahan ng terminal ng Clark at hiningan ng mga ID.  Walang kaabug-abog na pinaghihipuan ang  dalawang babae  sa mga iyon, kinaladkad sa malapit na gusali ang apat na lalaki at basta na lamang pinaggugulpi.  Marami pang obrerong Pilipino ang walang kadahidahilang binugbog ng mga sundalo ni Holman.

Ayon pa rin sa THE WHIG, muli, isang hapon, isang Pilipinong nangungumpay ng damo sa labas ng bakod ng Clark ang nilapitan ng dalawang marinong Amerikano, at basta na lamang sinipa.  Sumigaw ang biktima, humingi ng saklolo, pero tinakpan ang kanyang bibig, saka muling pinagsisipa.  Pagkatapos, inihagis ito sa loob ng bakod, isinakay sa dyip, tinadyakan ang bibig na ikinalagas ng tatlong ngipin.  Sa tanggapan ng seguridad ng Clark, 18 pang marino ang halihaliling bumugbog sa kanya at itinapon siya, nang malaon, sa labas ng bakod ng Clark.

Isang Pilipinong nakatira sa tapat ng base, batay pa rin sa ibinunyag ng THE WHIG, ang tinalian at ipinakaladkad sa kabayo ng isa pang miyembro ng Holman’s Gestapo Unit.  Isang Pilipino namang patungo sa tore ng radyo ng Clark ang hinabol at nang malapit nang abutan ng sundalong Amerikano, basta na lamang ito binaril at napatay.  Nang makabalik sa Amerika ang naturang marino, ipinagyabang pa nito diumano na 15 Pilipino ang kanyang napatay sa loob ng panahong nakadestino siya sa Pilipinas.

Hindi kaya paulit-ulit na mangyari, o nangyayari na, ang nabanggit na mga halimbawa ng pag-abuso’t kalupitan ng mga sundalong Amerikano sa ilalim naman ngayon ng dapat nang ibasurang VFA?  O mananatili lamang mga gulugod-dikya ang pambansang liderato at hahayaan na lamang manatiling  ang bansa’y isang Republikang Mamon sa mata ni Uncle Sam na puwedeng basta na lamang salaulain ang mga batas  at lamutakin ang soberanya o kasarinlan nito?

Sabi nga, huwag mong asahan Virginia, na maisusulong ang pambansang kapakanan — pangkultura man, pang-ekonomiya man o pampulitika — hanggang nakatali sa asintos ng imperyalistang mga patakaran ng Estados Unidos ng Amerika ang  nagpapanggap na makabayang mga lider ng Republikang Mamon.  Opo, Virginia, opo…maniwala ka na lamang sa mga milagro at horoscope upang maparatangan namang may hangal kang kaisipan. #