Feeds:
Posts
Comments

Archive for March, 2011

Sa Kumukulong Langis


(Tula)

sa kumukulong langis
masarap marahil ilaga
katawan ng kapitalistang
sa sobrang tubo’y sugapa
pandagdag din
mantikang mapipiga
mula sa kalamnang
tumaba nang tumaba
pandagdag din iyon
sa grasang ibebenta
sa krudo’t gasolinang
ngumangasab, pumipiga
sa bitukang walang
laman ng masa
habang nagpapalo-sebong
maabot ang pag-asa.

sa kumukulong langis
masarap marahil ilublob
amerika, bretanya
italya at pransiya
mga bansang imperyalista
ibuhos iyon
sa mga bunganga nila
nang masunog
mga dila nila
nang di na magbandila
ng itim na propaganda
demokrasya, demokrasya
demokrasya, demokrasya
hatid pala’y disgrasya!

pakuluin ang mga balon ng langis
sa iraq man o afghanistan
sa bahrain man, iran at saudi arabia
pati na sa libya
lunurin silang lahat
mapanlinlang at uring mapagsamantala
at kami, kaming biktima ng kasuwapangan nila
kami, kaming masang isinadlak sa dusa
magpipista’t magdiriwang nang buong sigla
sa mesa ng laya’t ligaya!

Advertisement

Read Full Post »