Feeds:
Posts
Comments

Archive for April, 2013

Mga Luha Mo’y Pandayin


(Tula)

mga luha mo’y pandayin
la tierra pobreza
sa hulmahan ng adhikang dakila
gawing mga punglo ng paglaya
bawat butil na nalaglag
sa damuhang pinanilaw
ng pang-aalipin
ng mga panginoon ng dusa’t hilahil.
oo, la tierra pobreza
sa higanteng mga templo
ng mga altar at rebulto
ng mga dasal at himno
ng mga ritwal at rosaryo
pinagbawalan kang humawak
ng tabak o sumpak
kahit dinadapurak ang iyong dignidad
kahit mga supling mo’y lugami sa hirap
mistula silang mga daga
sa madidilim na eskinita
kumikiwal na mga uod
sa gilid-gilid ng mga bangketa
gumagapang na mga langgam
sa gulugod ng esterong nakasusuka
hukot na mga aninong walang pangalan
sa ilalim ng sementadong mga tulay
ng dalamhati’t bagabag
mga ibon din silang walang madapuan
sa matalahib na kasukalan
sa nabaog na kaparangan
at walang habag na kabukiran.

oo, la tierra pobreza
daan-daang taong isiniksik sa iyong utak
ng mga taliba ng pagsasamantala’t inhustisya
ikaw na maralita’y mapalad
sa pangakong paraisong di maabot ng utak
kakalingain ka raw ng diyos ng habag
sa kaharian niyang walang kasingtingkad
hindi bale na raw krus ng paghihirap
laging pasan-pasan sa bawat pag-akyat
sa di masalat na mga pangarap
panahon nang luha mo’y pandayin
sa hulmahan ng adhikang dakila
gawing mga punglo ng hangad na laya
di hahalimuyak alingasaw ng dalita
kung tatanghod lamang
sa kandelabrang kumikinang
at kopitang nagkikislapan
at lulunok ng gapisong ostiya
mula sa kamay ng banal-banalan
di maririnig dupikal ng ligaya
sa kalembang ng kampana
sa kampanaryo raw ng pag-asa
matutunaw ba ang yelo ng dalamhati
sa puso ng inaalipin mong lahi
habang nagpipista sa buto’t laman
ng binubusabos mong mga supling
silang iilang diyus-diyosan
sa mga pabrika at asyenda ng dusa
at nilalaklak dugo ng iyong katawan
ng iilang mga panginoon
sa mariringal nilang palasyo
ng walang pakundangang kapangyarihan?

oo, la tierra pobreza
mga luha mo’y pandayin
sa hulmahan ng adhikang dakila
bawat butil ay gawing
punglo ng paglaya!

Advertisement

Read Full Post »

To Kristel***


(Poem –my English version of “Kay Kristel”)

(blazing is my brain
each vein aflame
by the onrushing boiling blood
from my revolting heart…)

just a newly blooming rose
you are
untimely plucked
from the stem of life
by the rampaging whirlwind of poverty
perpetuated by an unjust society
while always robust and fragrant
the orchids being watered and nurtured
by the blood and tears
of the oppressed class
in the garden of mansions and palaces
of exploitative demigods.
or you’re just a flower gone astray
in what you perceived
as the cradle of your sacred dreams
not knowing where you would go
is the bastion of the ruling elite?
and in that callous place
no welcoming space at all
for an empty pocket
and a rumbling belly
and mended clothes.
yes, kristel
in that paradise of a chosen few
comprehend they will not
the shrieking agonies
of a tormented soul
and tortured heart.
for you’re a rose
that will only fully bloom
when black clouds are blown away
by the winds of change
in the grieving horizon of discontent
a rose you are
that will fully bloom
when the firmament is aflame
when the forest’s foliage is on fire
and the city’s streets turn red
and, alas, at last
the fortress of injustices and greed
of society’s exploitative pests
is completely pulverized
through the revolutionary struggle
of the oppressed-downtrodden class.
yes, kristel…
cease never will
the fervent love
of your gallant brothers and sisters
for the freedom and glory
of what fanon said
the wretched of the earth
they will relentlessly dance
with the music of flaming desire
so roses like you
will robustly bloom forevermore.

but now…
yes, kristel…
you’re a solitary rose
in a lonely grave
amidst the cadena de amor
amarillo and desolate grass!

(***Kristel Tejada was a student of the University of the Philippines who committed suicide recently when mentally tortured by the thought that she could not enroll the following semester as she was unable to pay her tuition on its due date.)

Read Full Post »