Feeds:
Posts
Comments

Archive for March, 2014

Will Search For You Always


(Poem)

will search for you always
in the blazing fire
and fleeting embers
when gloomy is the night’s
horizon of fright
will search for you always
in the heart and blood
of the oppressed class
in the bended spines
of exploited workers
and enslaved farmers
yes, will search for you always
by the shore of my soul
while onrushing are the waves
and hissing is the lightning
and rumbling is the thunder
in the panorama of love
of our liberating aspirations.

yes, will search for you always
in the pricking amorseco
along the yellowish path of hope
of barren, grieving ricefields
will search for you always
in the intertwining cogon grass
on hills and savannahs
in the crawling cadena de amor
on forgotten graves
of dedicated warriors
for the freedom and glory
of the downtrodden class
and the emancipation
of la tierra pobreza
from the manacles of injustices
and chains of exploitation.

yes, will search for you always
in every dusk bidding adieu
or on mornings the dews descend
on desolate blades of grass
hoping we will soon meet
as our veins are conjoined
by the onslaught of penury and grief
and our blood simmers
with the kiss
of the easterly wind
of rampaging protests
and our hearts embrace
the revolution of love’s dedication
for the emerald-filled future
of our beloved land.

yes, will search for you always
and we will meet and rejoice soon
when the talahib fully blooms
and blood flows
from the calvary’s ovary
and drown we will
the worm-infested face and body
of the exploitative ruling class!

(My English version of LAGI KITANG HAHANAPIN)

Advertisement

Read Full Post »

Lagi Kitang Hahanapin


(Tula)

lagi kitang hahanapin
sa lagablab ng apoy
sa namamaalam
na mga alipato
kung gabing kulimlim
papawirin ng panimdim
lagi kitang hahanapin
sa puso’t dugo
ng mga sawimpalad
sa nahukot na gulugod
ng inaliping magsasaka
at binusabos na manggagawa
lagi kitang hahanapin
sa pasigan ng kaluluwa
sa ragasa ng mga alon
sa singasing ng kidlat
at dagundong ng kulog
sa kalawakan ng pagmamahal
sa mga layuning mapagpalaya.

oo, lagi kitang hahanapin
sa sundot ng amorseko
sa nanilaw na pilapil ng pag-asa
sa nagbitak na pinitak
ng bukiring naninimdim
sa naglilingkisang mga kugon
sa burol man at sabana
sa gumagapang na cadena de amor
sa limot nang libingan
ng mga mandirigma ng pag-asa
para sa laya’t ligaya
ng sambayanang masa
at katubusan ng la tierra pobreza
sa tanikala ng inhustisya
at kadena ng pagsasamantala.

oo,lagi kitang hahanapin
magmaliw man ang dapithapon
lumuha man ang mga damo
pagpitada ng umaga
magtatagpo rin kita
dahil pinagdugtong ang ating ugat
ng daluhong ng dalita’t dusa
dahil pinakulo ang ating dugo
ng habagat ng protesta
at pinaglapat ang ating puso
ng rebolusyon ng pagsinta
para sa pinakamamahal nating
la tierra pobreza
kadluan ng madugo nating mga alaala
pandayan ng ngitngit at himagsik
ng binubusabos nating lahi.

oo, lagi kitang hahanapin
at magtatagpo rin tayo’t magniniig
kapag ganap na namulaklak ang mga talahib
at agasan ng dugo ang obaryo ng kalbaryo
lulunurin sa wakas
inuuod na mukha’t katawan
ng uring hari-harian!

Read Full Post »