(A poem NOT for lovers per se)
suddenly, yes, suddenly,
i know all will end
in a fleeting moment of awakening
those lingering illusions of love
those tempting stares and smiles
and tender caresses on the arms
are mere pieces of shattered glass
scattered on desolate blades of grass.
i know everything will come to pass
like footsteps on the sand
like flashes of lightning on the sky
or the last gasps of a dying man.
so cruel to think of adieu
for am certain after parting
painful memories will scorch my flesh
and pierce my mind.
your shadow will stalk me
in every deserted streets
together we’ve strolled
in every poetic places
we’ve built our castles
of liberating dreams.
how can i learn to forget
when in every minute
memories cascade
in the waterfall of my brain?
but can you still remember me
as time silently passes by
especially at dusks
when loneliness is as cold
as the dewy december dawns?
can you still remember me
in the years to come
in your world of sacred dreams
even faded are the pictures
and tenderly, so tenderly,
the dried leaves of memories
begin to fall and kiss
the parched earth of despair?
can you still remember
the old rag you most needed then
when your shivering soul
feverishly groped for love’s embrace?
when gone you are
and wish no more
to glimpse at me and behold
what can i do
but to embrace my solitude
and hope forevermore
that in this time and space
in the rebellious moment
of my forsaken life
you will again walk by
like my favorite music
so many, many times
am always yearning to hear
though violently slashing my heart
and continuously paralyzing
my meandering tormented soul.
so cruel, yes, so cruel
to always think of goodbye!
———————————
KAY LUPIT ISIPIN ANG PAMAMAALAM
alam kong matatapos ang lahat
sa isang iglap lamang
sa isang sandali ng pagkamulat
madudurog na parang salamin
ang ilusyon ng pagmamahal
gayundin ang mapang-akit
na mga ngiti at titig
at masuyong haplos sa bisig.
alam kong mapapawi ang lahat
gaya ng mga bakas ng paa
sa buhanginan
o saglit na pagguhit ng kidlat
sa kalawakan.
kay lupit isipin ang pamamaalam
dahil tiyak kong pagkatapos ng lahat
dadalawin ako ng mga gunitang
magpapakirot sa kaisipan
at papaso sa kalamnan.
susundan akong lagi ng iyong anino
sa mga lansangang niyapakan
sa mga pook na naging kastilyo
ng ating mga katawan.
paano nga ba mapag-aaralan ang paglimot
kung sa bawat sandali ng pag-iisa
parang tubig na bumubulwak
ang mga alaala?
ngunit maalaala mo pa kaya ako
sa paglipas ng mga panahon
lalo na kung mga dapithapong
ang karimlan ay nagpapatindi sa pangungulila
at ang kalungkutan ay sinlamig
ng mga madaling-araw ng disyembre?
maalaala mo pa kaya ako
sa paglipas ng mga panahon
sa iyong daigdig ng mga pangarap
kahit malabo na ang mga larawan
at banayad na nangalalaglag
at humahalik sa lupa
ang mga tuyong dahon ng gunita?
maalaala mo pa kaya ang isang lumang balabal
na kinailangan sa mga sandaling
ang kaluluwa’y nagiginaw sa pagmamahal?
kung wala ka na
at tuluyang ayaw na akong makita
ano pa nga ba ang magagawa
kundi yakapin ang pag-iisa
at patuloy na asahang
sa isang iglap na sandali ng buhay
ay muli kang magdaraan
kagaya ng musikang
paulit-ulit na pinakikinggan
kahit humihiwa sa puso
at nagpapamanhid sa kaisipan…
kay lupit isipin ang pamamaalam!
Read Full Post »