Feeds:
Posts
Comments

Archive for October, 2015

Dati Pa Silang Nakangingiti


(Tula — alay sa Lumad nating mga kapatid)

dati pa silang nakangingiti
sa bawat pagbulaga ng araw
kung umagang inaantok pa ang papawirin
at humahalik ang hamog
sa nauuhaw na mga bulaklak sa damuhan
umaawit pa sila dati
tulad ng mga ibong
naglalaro sa kakahuyan
nagsasayaw pa sila dati
gaya ng mga palakang
naglulundagan sa kasukalan
o ng mga isdang pumupusag
sa mabining agos ng ilog
humahabi pa sila dati
ng mumunting mga pangarap
habang payapang nakamasid
puting ulap sa katutubong lupaing
dibdib nila’t tiyan
at kadluan ng masiglang halakhak
ng makukulay na mga alaala.

ngunit ngayon, oo,  ngayon,
tumakas ang ngiti sa kanilang mga labi
bumukal sa kanilang mga mata
mga talulot ng lungkot at dusa
namaos na mga tinig nila
di dahil sa halakhak ng pagsinta
kundi sa protesta laban sa inhustisya
laban sa kalupitang nanibasib
sa mga katribo sa lianga
na ngayo’y namamaluktot
nakatulala sa tandag
maulap ang mga mata
maputla ang mga labi
tuliro ang diwa
at kaluluwa’y nag-aapuhap
ng kalinga’t pagmamahal.

itinaboy sila ng mga putok ng baril
ng mala-militar na mahat bagani
niligis ng takot
mga pusong lubos na nagmamahal
sa lupain nilang katutubong
himlayan ng sagrado nilang panata
kadluan ng kanilang ligaya’t pag-asa
at muli’t muling
sasalakayin ang kanilang lupain
ng dambuhalang mga makinarya
lalaplapin ang mayamang dibdib
hahalukayin ang ubod ng sikmura
gugutayin ang pinakabituka
dahil gahaman ang mga diyus-diyosan
sa gintong nasa sinapupunan
ng katutubo mong lupaing pinakasasamba…

ngunit hindi iidlip ang habagat
hindi hahalik sa lupa ang mga punongkahoy
hindi mananangis na lamang ang mga damo
o basta na lamang maluluoy ang mga bulaklak
hindi mahihimbing ang mga ilog
at sa saliw ng tagupak ng lintik
at singasing ng kidlat
at tungayaw ng kulog
magkukulay-dugo ang mga ulap
at sisilay na muli ang iyong mga ngiti
buong giliw na pakikinggan ng mga ibon
taginting ng iyong halakhak
mga kapatid naming lumad!

Advertisements

Read Full Post »

To Whom Shall I Murmur?


(Poem)

to whom shall i murmur
vituperation of a fuming brain
and agony of a bleeding heart?

to whom shall i murmur
the suffering and distress
of bodies entombed by darkness
on pavements of criss-crossing city streets?

to whom shall i murmur
anguish of twisted intestines
misery of teary eyes always gawking
at the void horizon of discontent?

to whom shall i murmur
the creaking bones of scrawny arms
of kneeling farmers in canefields
and ricefields not theirs?

to whom shall i murmur
the sorrow of tiny fingers
scavenging in trash bins
to fill-up a growling belly?

can the god of abraham hear
and discern all these?
can the unscrupulous ruling class
lend their ears
to hear the agonies of tormented souls?

to whom shall i really murmur
the miseries of an exploited race?
lurking in my consciousness
and marching in my brain
are revolting scenes of abuses and greed
of the oppressors of the poor.

yes, to whom shall i murmur everything?
shall i whisper everything
to the intertwining cadena de amor vines
on a long forgotten desolate grave?
or to the rampaging violent wind
on shrubby forests and hills?
or to the flowing rivers
on the mountain’s breast?
or to the dewy grass on a woodland’s heart?
or to the rampaging waves
on praying seashores?
or to the hissing lightning
on the gloomy horizon?
to whom shall i murmur everything?
to the wheezing bullets and exploding bombs
so the exploitative ruling class
can fully feel and understand
the litanies of grief and pain
of the downtrodden-oppressed class?

to whom shall i murmur
the lamentations of those being raped by greed
of conscienceless rulers and oligarchs
with no compassion at all
for the wretched of this parched land
and for a nation
they’re plundering forevermore
and long devoid of glory and blissfulness?
for sure, my murmurs can only be heard
by those who “dwell in the lower depths”
as our veins are conjoined
with blood simmering, struggling
and always unceasing in rekindling
the flames of millions of torches
to be free, at last, from bondage and penury.

yes, we, slaves of misery and grief
our sufferings can only be heard
felt and understood
by only miserable fellows like us…
we. the stigmatized wretched
of this barren earth!

Read Full Post »


(Poem)

like the burning heat
of the high noon sun
the breath of your love
for your beloved motherland…

rustling was the wind
while bidding goodbye
to your fallen body
in the shrubby hill
not a single firefly
winked that night
the moon prayed while gazing
at the onslaught of darkness
the grass cried
the birds wailed
howling were the devil’s gunfires
and blood gushed out from your breast
overflowing with ardent love
for the downtrodden class
and for the country
incarcerated by tears and grief.

will immerse myself in your memories
in a silken pouch
entrust i will my flaming desire
carefully, so carefully,
i will hide everything
inside the old trunk of dreams
your memories will guard them
while lurking is fear
and onrushing are the waves
of enslaving injustices…
yes, i will immerse myself in your memories
those memories as red as the red, red roses
those memories as simmering
as the flames of unrelenting struggle
and as pure as the nectar of the hibiscus
will always immerse myself in your memories
and seething always will be
my insurgent blood and spirit!

like the burning heat
of the high noon sun
the breath of your love
for your beloved motherland.

Read Full Post »


(Tula)

nilalagnat na init ng katanghalian
hininga ng iyong pag-ibig
sa pinakamamahal mong bayan…

rumaragasa ang hangin sa pamamaalam
nang ikaw ay tumimbuwang
sa masukal na kakahuyan.
walang kumikindat ni isang alitaptap
noong gabing nagdarasal
malamlam na mukha ng buwang
nakatitig sa daluhong ng karimlan.
lumuha ang mga damo
nanangis ang mga ibon
sa saliw ng mga putok ng kalaban
at bumulwak sa iyong dibdib
dugo ng lahing kayumangging
hitik sa matimyas na pagmamahal
sa uring alipin at dayukdok
at bansang laging nakalugmok
sa dusa’t alipin ng himutok.

maglulunoy ako sa iyong mga alaala
isisilid sa pulang sutlang supot
nagliliyab kong mga pangarap
buong ingat itatago sa baul ng adhika
lagi iyong tatanuran ng iyong gunita
habang umaali-aligid ulap ng pangamba
at dumaramba mga alon ng inhustisya.
oo, maglulunoy ako sa iyong alaala
kasing tingkad iyon ng pulang mga rosas
sa halamanan ng pagsinta
kasing init iyon
ng lagablab ng pakikibaka
kasing dalisay ng nektar ng gumamela.
maglulunoy akong lagi sa iyong alaala
at laging mag-aalab himagsik ng dugo ko’t diwa!

nilalagnat na init ng katanghalian
hininga ng iyong pag-ibig
sa pinakamamahal mong bayan…

Read Full Post »