Feeds:
Posts
Comments

(Poem)

to whom shall i murmur
vituperation of a fuming brain
and agony of a bleeding heart?

to whom shall i murmur
the suffering and distress
of bodies entombed by darkness
on pavements of criss-crossing city streets?

to whom shall i murmur
anguish of twisted intestines
misery of teary eyes always gawking
at the void horizon of discontent?

to whom shall i murmur
the creaking bones of scrawny arms
of kneeling farmers in canefields
and ricefields not theirs?

to whom shall i murmur
the sorrow of tiny fingers
scavenging in trash bins
to fill-up a growling belly?

can the god of abraham hear
and discern all these?
can the unscrupulous ruling class
lend their ears
to hear the agonies of tormented souls?

to whom shall i really murmur
the miseries of an exploited race?
lurking in my consciousness
and marching in my brain
are revolting scenes of abuses and greed
of the oppressors of the poor.

yes, to whom shall i murmur everything?
shall i whisper everything
to the intertwining cadena de amor vines
on a long forgotten desolate grave?
or to the rampaging violent wind
on shrubby forests and hills?
or to the flowing rivers
on the mountain’s breast?
or to the dewy grass on a woodland’s heart?
or to the rampaging waves
on praying seashores?
or to the hissing lightning
on the gloomy horizon?
to whom shall i murmur everything?
to the wheezing bullets and exploding bombs
so the exploitative ruling class
can fully feel and understand
the litanies of grief and pain
of the downtrodden-oppressed class?

to whom shall i murmur
the lamentations of those being raped by greed
of conscienceless rulers and oligarchs
with no compassion at all
for the wretched of this parched land
and for a nation
they’re plundering forevermore
and long devoid of glory and blissfulness?
for sure, my murmurs can only be heard
by those who “dwell in the lower depths”
as our veins are conjoined
with blood simmering, struggling
and always unceasing in rekindling
the flames of millions of torches
to be free, at last, from bondage and penury.

yes, we, slaves of misery and grief
our sufferings can only be heard
felt and understood
by only miserable fellows like us…
we. the stigmatized wretched
of this barren earth!


(Poem)

like the burning heat
of the high noon sun
the breath of your love
for your beloved motherland…

rustling was the wind
while bidding goodbye
to your fallen body
in the shrubby hill
not a single firefly
winked that night
the moon prayed while gazing
at the onslaught of darkness
the grass cried
the birds wailed
howling were the devil’s gunfires
and blood gushed out from your breast
overflowing with ardent love
for the downtrodden class
and for the country
incarcerated by tears and grief.

will immerse myself in your memories
in a silken pouch
entrust i will my flaming desire
carefully, so carefully,
i will hide everything
inside the old trunk of dreams
your memories will guard them
while lurking is fear
and onrushing are the waves
of enslaving injustices…
yes, i will immerse myself in your memories
those memories as red as the red, red roses
those memories as simmering
as the flames of unrelenting struggle
and as pure as the nectar of the hibiscus
will always immerse myself in your memories
and seething always will be
my insurgent blood and spirit!

like the burning heat
of the high noon sun
the breath of your love
for your beloved motherland.


(Tula)

nilalagnat na init ng katanghalian
hininga ng iyong pag-ibig
sa pinakamamahal mong bayan…

rumaragasa ang hangin sa pamamaalam
nang ikaw ay tumimbuwang
sa masukal na kakahuyan.
walang kumikindat ni isang alitaptap
noong gabing nagdarasal
malamlam na mukha ng buwang
nakatitig sa daluhong ng karimlan.
lumuha ang mga damo
nanangis ang mga ibon
sa saliw ng mga putok ng kalaban
at bumulwak sa iyong dibdib
dugo ng lahing kayumangging
hitik sa matimyas na pagmamahal
sa uring alipin at dayukdok
at bansang laging nakalugmok
sa dusa’t alipin ng himutok.

maglulunoy ako sa iyong mga alaala
isisilid sa pulang sutlang supot
nagliliyab kong mga pangarap
buong ingat itatago sa baul ng adhika
lagi iyong tatanuran ng iyong gunita
habang umaali-aligid ulap ng pangamba
at dumaramba mga alon ng inhustisya.
oo, maglulunoy ako sa iyong alaala
kasing tingkad iyon ng pulang mga rosas
sa halamanan ng pagsinta
kasing init iyon
ng lagablab ng pakikibaka
kasing dalisay ng nektar ng gumamela.
maglulunoy akong lagi sa iyong alaala
at laging mag-aalab himagsik ng dugo ko’t diwa!

nilalagnat na init ng katanghalian
hininga ng iyong pag-ibig
sa pinakamamahal mong bayan…


(Poem)

i will pluck just a few red flowers
in the desolate garden of my dreams
tenderly, so tenderly,
i will kiss every flower
beneath the glaring high noon sun
and when the dusk caresses
and the cloud smacks
the aghast moon’s face
carefully, so carefully,
i will insert the petals of red flowers
between the pages of a sobbing book
i am the offspring of my history.

just a few red flowers
just a few i need
for my blood to swim in my veins
just a few red flowers
for my heart to beat incessantly
for my mind to be aflame
and let the wind’s wings
carry the rebellious sentiments
of a race being oppressed
while hissing are the bullets
in the bosom of tears and grief.

yes, just a few red flowers
i will pluck and kiss
in the desolate garden of my dreams
for me not to forget
am the offspring of my history!


(Tula)

pipitas lamang ako
ng ilang pulang bulaklak
sa ulilang hardin ng mga pangarap
buong ingat na sasamyuin
sa nakapapasong katanghalian
at paghimas ng dapithapon
at paghalik ng ulap
sa mukha ng nakatulalang buwan
buong ingat kong isisingit
mga petalya ng pulang bulaklak
sa mga pahina ng lumuluhang aklat
supling ako ng aking kasaysayan.

ilang pulang bulaklak lamang
ilan lamang ang kailangan
upang lumangoy ang dugo sa mga ugat
ilang pulang bulaklak lamang
upang sumikdo ang puso
upang diwa’y maglagablab
at ilulan sa pakpak ng hangin
himagsik ng inaaliping lahi
habang mga punglo’y umaangil
sa sinapupunan ng dusa’t hilahil.

oo, ilang pulang bulaklak lamang
aking pipitasin at hahalikan
sa ulilang hardin ng mga pangarap
upang di ko makalimutang
supling ako ng aking kasaysayan!


(Tula)

kanino ko ibubulong
alimura ng utak na kumukulo
at himagsik ng pusong nagdurugo?

kanino ko ibubulong
himutok at pagdaramdam
ng mga katawang inilugmok ng karimlan
sa mga bangketa ng kalunsuran?

kanino ko ibubulong
hinagpis ng bitukang nabalumbon
tagulaylay ng mga matang luhaan
lagi’t laging nakatitig sa kawalan
ng papawiring walang hanggan?

kanino ko ibubulong
lagutok ng mga buto
ng pawisang katawan ng obrerong
inalipin ng kasakiman?

kanino ko ibubulong
daing ng butuhang mga bisig
ng sakadang nakaluhod sa tubuhan
at magsasakang naninimdim sa palayan?

kanino ko ibubulong
hinagpis ng munting mga daliring
nagkakalkal ng basurahan
para magkalaman ang tiyan?

maririnig kaya ito
ng diyos ni abraham
o ng uring mayamang walang pakiramdam?
maulinigan kaya ito ng binging lipunang
namanhid na yata ang budhi’t isipan?

kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng lahing sumisiksik sa kamalayan
at mga eksena’y nagmamartsa sa kaisipan?

ibulong ko na lamang kaya
sa naglilingkisang cadena de amor
sa limot na’t ulilang libingan
sa ragasa ng marahas na habagat
sa madawag na kaparangan
sa lagaslas ng mga ilog
sa dibdib ng kabundukan
sa mahamog na mga bulaklak
sa pusod ng kagubatan
sa dagundong ng alon
sa naninimdim na pasigan
sa tungayaw ng kulog
at sagitsit ng kidlat
sa makulimlim na kalawakan?

kanino ko ibubulong ang lahat-lahat?
sa singasing ba ng mga punglo
upang malinaw na marinig, maunawaan
ng uring gahaman at tampalasan
litanya ng dusa’t bagabag
ng nakabartolinang mga sawimpalad?

kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot
dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay baluktot
walang pakialam sa kinabukasan
ng bansang hinuthot angking kayamanan?
tiyak mga bulong ko’y mauunawaan
ng mga kadugo at kauri lamang
kataling-pusod at kaisang-diwa
sa kalbaryo ng dusa’t dalita
walang hinahangad kundi makalaya
sa tanikala ng pagkatimawa
laging bumabangon sa pagkagupiling
upang milyong sulo ay paglagablabin!

oo, mga kauring sakbibi
ng dusa’t dalita…
“ang daing ng maralita
ay maririnig lamang
ng kapwa maralita.”


(Tula)

huwag mo siyang ituring na baliw
hitik ang kanyang utak
ng pulang mga bulaklak ng pagliyag
umiindak sa kanyang puso
malagablab na mga dila ng apoy
tutupok sa lipunang nabubulok
naglalagos  kanyang mga titig
sa nilulumot na pader
ng inhustisya’t pagsasamantala
sa moog ng mga panginoon ng dusa.

huwag mo siyang ituring na baliw
buong linaw niyang naririnig
tagulaylay ng mga nagdurusa
sa kagubatan man o kalunsuran
ng mapang-aliping umiiral na sistema
kumikiwal sa mga ugat ng kanyang bisig
sumisilakbong dugo ng banal na adhika
habang nangalalaglag sa naninilaw na damuhan
at bukiring makulimlim at naninimdim
mga luha ng dalamhati ng lahing dinusta.

huwag mo siyang ituring na baliw
nag-aapoy sa kanyang dila
mga balaraw ng protesta
mga palaso ng pakikibaka
umaalon ang paghihimagsik
sa himaymay ng kanyang laman
laban sa uring naghahari-harian
at nagbebenta ng kinabukasan
ng masang sambayanang
titiguk-tigok ang lalamunan.

oo, huwag mo siyang ituring na baliw
manapa’y buong pagsuyo mo siyang yakapin
kapag nagtalik ang inyong landas
at mararamdaman mong iisa ang pintig
at ibinubulong ng inyong puso
magkasanib ang inyong dugo
magkatali ang inyong pusod
nag-uusap ang inyong hininga
mga mata’y umaapaw sa pagsinta
sa mahalimuyak na laya’t ligaya
ng nakabartolinang la tierra pobreza.

oo, huwag mo siyang ituring na baliw
manapa’y magkaagapay ninyong tahakin
nagniningning na landas ng mga bituin
at madamdamin ninyong awitin
sa saliw ng koro ng bomba at punglo
“himno ng apoy sa gubat ng dilim”
upang mga nota’y mataginting
na ilulan ng amihang naninimdim
upang gisingin mga nahihimbing
at paliguan ng halik ng araw
bawat dampa ng mga kauring
matagal nang alipin
ng nagririgodong mga panginoon!