Feeds:
Posts
Comments

Archive for June, 2012

No Cream Nor Sugar Is My Coffee


(Poem –my English version of “Kape Ko”y Walang Krema Ni Asukal”)

no cream nor sugar is my coffee
black as the grieving night
when thick, rolling clouds
kiss the saucer moon
bitter as the miserable lives
of people franz fanon called
“the wretched of the earth”
what maxim gorky said
dwell “in the lower depths”
yes, bitter as my coffee
their lives oppressed
jailed forever under the bridge
or genuflecting, dreaming
on the putrid shoulders
of tripa de gallina
and canal de la reina
or in murky, cramped slum areas.

black is the night
like my dark coffee
in the narrow streets of despair
in the sty and barungbarong
beside some forsaken garbage dumps
in the dimly-lit parks
where fallen bodies cling
to the eternal
elusive hope on the grass
black is the night
in the breakwater of life
as angry waves pound
on the heaving, mournful breasts
of lingering, everlasting miseries.

bitter is life
like my coffee, unsugared, uncreamed
bitter in the lips of a child
whose abdomen swells
though in it only air dwells
bitter in the black nipples
of a praying, emaciated wife
bitter in the mouth
of a cursing father
whose flesh devoured
by grease and machine
in hungry factories of greed
bitter in the hatred-filled eyes
of a sad, lonely man
whose blood is being sucked
by the parched earth not his
so the grains of palay
in fields of enslaving gloom
would glitter like gold
on the horizon of discontent
and the sugarcanes would vomit
sweet, delicious, sticky sap
amidst the cries of the working class.

when will my coffee be sweet?
when will its black color fade?
when will cream and water
make love and mix?
yes, my coffee has no cream nor sugar
bitter as the lives
of those crucified by tears of grief
yes, my coffee tastes
like chopped  vile
in a rotten society
paradise of a chosen few
but rebellious shadows in the night
will not cease rekindling the fire
till the flames engulf the demigods
and, yes, at last,
our coffee will be sugared and creamy
alas, at last,
it will then taste like honey!

Read Full Post »


(Tula)

kape ko’y walang krema ni asukal
maitim tulad ng gabing
humahalik makapal na ulap
sa mata ng gaplatong buwan
mapait tulad ng lugaming buhay
ng mga nilikhang namahay
namuhay sa ilalim ng tulay
yumakap-nangarap
sa mabahong tiyan at balikat
ng gumagapang na tripa de gallina
ng nakalupasay na canal de la reina
at naglilingkisang mga eskinita.

maitim ang gabi
tulad ng aking kape
sa mga kalyehon ng kalunsuran
sa mga kariton at barungbarong
sa tabi ng mga basurahan
sa mga parkeng himlayan
ng mga pagal na katawan
maitim ang gabi
sa gilid-gilid ng dalampasigan
habang binabayo ng mga alon
pusod ng lungsod ng karalitaan.

mapait ang buhay
tulad ng kape kong walang asukal
sa labi ng batang mapintog ang tiyan
kahit hangin lang ang laman
sa susong natigang-naluoy
ng inang laging nagdarasal
sa bibig na puno ng ngitngit
ng amang laman ay nilamon
ng grasa’t makina sa mga pabrika
at dugo’y nilagok ng lupang di kanya
upang maging ginto mga kabukiran
at maging asukal ang laksang tubuhan.

kailan tatamis itong aking kape?
kailan pupusyaw ang itim na kulay?
kailan magtatalik ang krema at tubig?
oo, kape ko’y walang krema ni asukal
simpait ng buhay
ng mga nilikhang ibinayubay
sa krus ng luha ng dalita’t lumbay
oo, kape ko’y dinikdik na apdo ang pait
tamis ay sinaid ng mga gahaman
krema’y sinuso ng mga dayuhan
ngunit huwag magulumihanan
sa lipunang pinaghaharian
ng iilang imbing diyus-diyosan
mga galit na anino’y laging naglalamay
maglalagablab din sigang sinindihan
sa dibdib ng kanayunan
sa puklo ng kalunsuran
ng la tierra pobrezang pinakamamahal
at, sa wakas, kape nati’y magkakaasukal
linamnam ng krema ay malalasahan
magiging singtamis ng pulut-pukyutan!

Read Full Post »


(Tula)

di na kita dadalawing muli
sa iyong huling mga sandali
ng magiting na paghihimagsik
sa daigdig ng dalamhati
alam kong mamaya o bukas
o isang araw ngayong
maulang buwan ng hunyo
bigla mong lilisanin
niyakap na larangan
ng madugong pakikilaban
sa uring naghahari-harian
di na kita muling dadalawin
kahit nais ko pang masilayan
titig na inuusbungan
ng sagradong mga lunggati
matang dalawang esmeraldang
nagniningning sa makabayang mithi
at kibot ng labing
laging isinisigaw himagsik ng lahi.

di na kita dadalawing muli
ngayong hininga mo’y hinihigop
ng humahalik na amihan
sa humpak na mukhang pinatigas
ng di isinukong paninindigan
para sa laya’t ligaya ng bayan
at ng masang pinag-ukulan ng buhay
sa maraming gabi ng paglalamay
alam kong di mo iluluha ang kamatayan
manapa’y labis mong ikararangal
na pawis at dugo ng iyong katawan
lubusang naidilig sa nanilaw na damuhan
ng lupaing binaog-tinigang
ng mga kampon ng kadiliman
ng mga taliba ng kasakiman
ng mga sugapa sa kapangyarihan
ng uring diyus-diyosan sa lipunan
aawitin pa ngang lagi
ng habagat man o amihan
lirika’t melodiya ng madugong buhay
upang la tierra pobreza’y
ganap magbanyuhay.

di na kita muling dadalawin
ngayong alitaptap
ni ayaw kumindat sa pananagimpan
ngayong balumbon ng ulap
yakap-yakap dibdib ng karimlan
sapat nang makaniig kita
sa naglilingkisang mga alaala
sa pulang bulaklak ng mga gumamela
sa nagsalabat na cadena de amor
sa mga burol at dalisdis ng pag-asa
sa lumuluhang amarillo’t makahiya
sa masukal na kugon at damong ligaw
sa sabana ng pagsinta
katawan mo ma’y ganap nang humimlay
sa naghihintay na ulilang hukay
kahit walang panandang krus
ni matingkad na pangalan
at mga titik ng kagitingan
magtatagpo pa rin ang ating mga titig
magsasanib pa rin ang ating mga dugo
magdurugtong pa rin ang ating mga ugat
sa bawat puso ng mga sawimpalad
sa bawat luha’t hikbi ng mga alipin
sa bukid at lungsod ng pighati
at aawitin ng madagundong nating tinig
lirika ng mahalimuyak na paglaya
ng ibinartolinang la tierra pobreza
sa kuta ng mga panginoon ng dusa!

Read Full Post »