Feeds:
Posts
Comments

Archive for August, 2013


(Tula –sa kanyang ika-150 taong kaarawan sa Nob. 30)

sa mahigit na tatlong daang taon
inalipin ka, ikaw, indio, sa ating la tierra pobreza
dumaong sila mula sa banyagang dalampasigan
silang puting mga panginoon
ng dusa’t inhustisya
upang itarak sa iyong puso’t isipan
espada at krus para ika’y pagharian
ginayuma ka, indio, ng maningning
at maringal na mga templo
upang sumamba ka’t manikluhod
habang isinisiksik sa pandinig at utak mo
mahabagin ang diyos sa gaya ninyo
ngunit lagi kang nananangis, indio,
at pumapailanlang sa simoy ng amihan
melodiya ng pagdurusa’t panambitan
ginawang kalabaw ang iyong mga anak
sa mga lupaing kanilang kinamkam
ginawang martilyo’t turnilyo
bisig ng iyong mga supling
sa kanilang pabrikang gilingan ng laman
sinakmal-sinaid di masukat mong yaman
ipinulupot sa iyong leeg at katawan
tanikala ng kaalipinan at karalitaan
parang mga tunog ng tambol sa karimlan
hinagpis ng mga kaluluwang nilapastangan
at karapatan mo lamang noon, oo, indio,
ang manangis at mamatay.

ngunit “di lahat ay natutulog sa dilim ng gabi”
at nagsayaw ka, gat. andres bonifacio
sa lagablab ng apoy ng sigang sinindihan
ng mga aninong kalansay na ngayon
hanggang tuluyang sumilakbo ang iyong puso
at marahas na rumagasa ang iyong dugo
hanggang sa karimlan ng gabi
ikaw at ang mga kapatid mong magigiting
ay walang humpay na naglamay
upang ititik ng inyong mga dugo
sa naninilaw na damuhan ng pag-asa
sa nabaog na mga burol at sabana
banal na layuning sintang baya’y palayain
gilitan ng leeg ang mang-aalipin
oo, gat. andres bonifacio
pataksil ka mang pinatay
ng mga kampon ng dilim
bayani ka pa ring mandirigma
ng kalayaan at pagsinta
at sa puso nami’y lalagi kang dakila
mamumulaklak, magniningning, hahalimuyak
magiting mong mga alaala
lalo’t pinakasisinta naming la tierra pobreza
sakbibi ngayon ng bagong mga panginoon
ng lagim at dusa’t inhustisya
at, oo, tungkulin naming ituloy ang pakikibaka.

oo, bayaning mandirigma ng patria adorada
huwag kang manimdim
magbabanyuhay rin ang iyong mithiin
magsasanib ang ating mga adhika
at di mapipigtal ng mga panahon
mga bulaklak ng lunggating sa dibdib bumukad
mga talulot iyon ng sanlaksang gumamela
mga pulang petalya sa pader ng alaala
lebadura sa panata ng madugong pakikibaka
kaming mga kapatid mo sa uri’t pagmamahal
ay magsasayaw pa rin sa lagablab ng apoy
ng sigang inyong sinindihan noon pa man
magsasayaw kami tulad ng zulu ng timog aprika
tulad ng mga inca ni manco capac
sa imperyo ng tahuantinsuyo
tulad ng mayan ng chiapas, yucatan at tabasco
ng sibilisasyong mesoamerikano
palasong maglalagos sa aming puso
titig ng mga matang inaapawan
ng luha ng dalamhati ng lahi
maglalandas sa aming mga ugat
ngitngit ng butuhang mga bisig
himagsik ng impis na mga dibdib
oo, sa lagablab ng apoy ng iyong mga alaala
patuloy kaming magsasayaw
hanggang isabog ng mga alipato
maningning na pag-asa
hanggang isakay ng mga dahon
matimyas na pagsinta
hanggang hinahabol
ng sumisingasing na hininga
layang ibinartolina
ng mga panginoon ng dusa
di mamamatay ang apoy ng iyong mga alaala
di mapipigilan ng daluhong ng mga punglo
mula sa kuta ng pagsasamantala’t inhustisya
lagablab ng apoy ng iyong pagsinta
para sa pinakamamahal nating la tierra pobreza!

Read Full Post »

Bakit Kami’y Inyong Pinapatay?


(Tula)

kami ang nagtatanim ng palay
naghahawan ng mga damo sa tubuhan
at nagpapabulas sa mga gulay
nag-aalaga sa manggahan at pinyahan
upang inyong mga labi’y masiyahan
at humalakhak ang inyong tiyan.
kami ang maghapong gumagawa
nagbubungkal ng inyong lupa
upang buhay ninyo’y sumagana
at lumagi kayong pinagpala.

bakit kami’y inyong pinapatay?

kami ang alipin sa pabrika
at nagpapaandar sa makina
lumilikha ng inyong mga damit
mga gatas na de lata
mga inuming nakabotelya
mga gamot na ikinapsula.
kami ang kapiling ng lagari’t tabla
ng semento, buhangin at graba
upang gusali ninyo’y mapuno ng pera.
kami rin ang kuba na’t nagpapasan
ng sangkatutak na mga buwis
mapalamon lamang ang mayayaman
at laging may makurakot-madambong
mga tulisan sa pamahalaan.

bakit kami’y inyong pinapatay?

kami ang taga-hugas ng inyong pinggan
taga-dulot ng inyong pagkain
taga-masahe ng inyong katawan
taga-maneho ng inyong kotse
taga-laba ng inyong mga damit
taga-alaga ng inyong mga anak
taga-gawa ng marami pang bagay
oo, kami ang suhay ng inyong buhay
upang patuloy kayong mabuhay
sa karangyaan at kaluwalhatian
at tamasahin ang kamunduhan.

bakit kami’y inyong pinapatay?

sa halip na kalingain at pagpalain
bakit ayaw ninyo kaming tratuhin
bilang tunay na mga tao rin
sa ilalim ng isang lipunang marangal
at naghahari’y hustisya sosyal?
hanggang kailan dignidad
nami’y inyong yuyurakan
at ipagkakait ang kinabukasan?
masisisi pa ba ninyo kami
kung balang araw
kayo naman ang patayin namin.

bakit kami’y inyong pinapatay?

Read Full Post »

Still They Are


(Poem — my English version of my original “Di Sila Nilamon Ng Lupa”)

gobbled by the earth
they are not
they who gallantly
fought and died
for the freedom and glory
of their beloved land.
still they are
in the murmuring breeze
in the creaking bamboo plants
in the roaring waves in every shore
still they are
in the lamentations
of grieving mothers
in the invectives
of rebellious fathers
in the shrieking rolling stones
and in the crying mowed grass.

yes, gobbled by the earth
they are not
they who offered their lives
for the freedom and glory
of their beloved land.
still they are
in the rattling chains
of poverty and misery
still they are
in the cadences of million feet
in the burning streets of protest
still they are
in the hymns of flaming fire
when greyish is the horizon
and not a single star
twinkles in the sky.

why will they be lost
and gobbled by the earth?
still they are
in the veins and blood
of the oppressed class
still they are
in the sinews of every
bleeding and loving heart
which fervently feels
the miseries of the poor
still they are
in every talahib
in the hinterlands
swaying with the music
of the wind forevermore
red roses still they are
will sprout and grow
and triumphantly bloom
again and again
in the green garden
of undying hope.

yes, they are not lost
they are not gobbled by the earth
mud they are not
in the sewers of society’s dirt
nor are they trash
being flirted by flies
or rotten, pungent cadaver
in a deserted, forgotten place
yes, lost they will not
the earth will not gobble them
until the horizon of discontent
is cleansed by blood
and the bastion
of the exploitative class
is completely pulverized
at last!

Read Full Post »