Feeds:
Posts
Comments

Archive for August, 2012

POTPOURRI


(#Samut-Sari)

I really abhor swell-headed people. Give them a bit of power, or let them accomplish something, and wonder of all wonders, their ego becomes too inflated to the point of narcissism. As their heads are always full of uncontrollable air of arrogance, they seem — sooner or later — too qualified to run a vulcanizing shop.

—————————————————————————————

Kung minsan, sabi nga, kinakailangan mong humulagpos o kumawala sa mga bagay na hindi ka maligaya, sa mga bagay na ibinibilanggo ka sa galit o pagkamuhi, at sa mga bagay na hinihila ka pababa. Kapag nakawala ka sa mga ito, saka lumilitaw ang iyong higit na pagiging malikhain, gayundin ang iyong tunay na sarili.

———————————————–

Sino ang nagsabing mabagal ang oras kapag ikaw ay naghihintay, mabilis kapag ikaw ay nahuhuli, maikli kapag ikaw ay masaya, mahaba kapag ikaw ay nababagot, mapanganib kapag ikaw ay nalulungkot at nag-iisa, at walang hanggan kapag ikaw ay nagdurusa? Itinatakda raw ng obhetibong mga kondisyon ang oras, hindi ng mga relo o orasan.
——————————————–

Everything is orchestrated by greed in the bureaucracy’s corridors of power.  To truly belong in that haven of wealth and privileges of such “honorable” mammals, one must learn how to dance, step by step, with the melody of discordant music. Otherwise, you’ll be thrown into the trashcan of discarded leftovers.
————————————————————————————————————

Many politicians who are congenital  liars and crooks  have the reptilian capacity to survive under different regimes.  They are also like grasshoppers that keep on hopping from one fence to another to pursue their pecuniary interests and insatiable greed for power and wealth  in the abominable political landscape.

————————————————————————————————————————————————–

I feel I’m on the verge of cynicism as regards what our national leaders are peddling to the people. With the help of some sectors of mass media virtually owned and controlled by the ruling class, it is evident they are manipulating our minds, a process which Noam Chomsky termed as “engineering of consent” being practiced in the field of advertising.

Sad to say, I’m now more inclined to believe — though without scientific basis — what the horoscopes say daily rather than what our charlatanic politicians propagandize every time they open their big mouths teeming with empty rhetorics. I also begin to respect more the prostitutes who are mere victims of a rotten and unjust society.  What they sell are only their bodies just to survive from the pangs of abject and enslaving poverty while, on the other hand, the rulers of our nation are selling and betraying  the whole country — her honor, sovereignty and national patrimony, and even the future of the next generation — for their selfish interests and of  their exploitative foreign masters.

Who has then more honor and dignity and moral ascendancy:
the prostitutes or our national leaders who are mere stooges of foreign interests, and even plunderers of the people’s money?
———————-

Land For All

I believe that there should be no private ownership of land. It should be communal and the State must only administer it as what had prevailed in Libya during the golden era of the late Muammar Qadafi. In this regard, land will be for all, and will not be concentrated in the hands of a few greedy, exploitative landlords owning vast haciendas in various parts of our country and, as such, their tenant-farmers remain shackled to a life of bondage and misery.

Still reverberating in my mind are the words of Macli-ing Dulag, a tribal chieftain in the Mountain Province who was murdered by the forces of evil when he vehemently opposed Cetrophil Corporation — in cahoots with the government — to takeover and use their ancestral or communal land. He said: “How can you own the land? Before your birth, the land was already there. When you die, the land is still there. How can you own it? The land owns us!”

As 50% of the our land is in the hands of only 15% of our population, it’s no wonder that the majority of our people are squatters or informal settlers in their own country or not even owners of a piece of land to bury their remains when they finally bid adieu to this stupid and revolting order of things in our beloved La Tierra Pobreza.
===============================================================

Buhay-Ermitanyo

Kung minsan, naiinggit ako sa buhay ng isang ermitanyo. Hindi siya naghahangad ng kasikatan o kadakilaan, at lalong hindi nagnanasang maluklok sa kapangyarihan ipagbili man ang kanyang paniniwala at paninindigan.

Hindi niya kailangang magkunwari — tulad ng maraming tao sa lipunan — sa bawat sandali ng kanilang buhay maisulong lamang ang kanilang pansariling mga interes lunukin man ang bahagya pang nalalabing dignidad. Hindi SILA ang talagang SILA tuwing lalabas sila ng kani-kanilang bahay.

Napakasarap marahil na IKAW ang talagang IKAW sinuman ang kahalubilo, o anuman ang pagkakataon. Sabagay, sabi nga, ang pinakamahirap gawin sa buhay na ito ay ang mga bagay na talagang gusto mong gawin, at pinakamadali namang gawin ang mga ayaw mo.
==============================================================

Magkakamukha

Batay sa nabubulgar na talamak at garapalang mga katiwalian sa burukrasya o gobyerno sa tatlong sangay nito (Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura), mahirap na tuloy makilalang ganap kung sino ang malinis ang mukha at kung sino naman, sa kabilang banda, ang nakukulapulan ng dungis pati labi at mata. Nagmula yata sa isang hulmahan ang kanilang mga mukha at wari silang mga kambal na lubos na magkakamukha at, sa biglang tingin, malilito kang tukuyin kung sino si Pedrong Tigas at kung sino si Juanang Basa kahit magkaiba ang kanilang kasarian (gender). Talagang magkakamukha sila — lalaki man o babae — sapagkat pare-pareho silang MUKHANG PERA!
————————————————–=============————————————-

Bansang Pendeho

Sa pendehong dahilang dadagsa sa Pilipinas ang dayuhang pamumuhunan (foreign investment) at makatutulong diumano sa pag-unlad ng pambansang ekonomiya, igigilgil na naman ng mga tagahimod ng kuyukot ng imperyalismong Amerikano na susugan o baguhin ang umiiral na Konstitusyon ng bansa (tinaguriang Cha-Cha). Batay sa mga pahayag kamakailan ni Sen. Juan Ponce Enrile, Presidente ng Senado, at ni Espiker Sonny Belmonte ng Kamara, lumilitaw na ang mismong Kongreso ng mga payaso’t sirkero ang nagsusulong nito.

Lumilitaw na ang mga probisyong nagtatakda ng mga limitasyon o restriksiyon sa dayuhang pamumuhunan ang pinanggigigilan o tulo-laway na nais nilang susugan para maiakma sa masibang panlasa ng dayuhang mga kapitalista. Sa mga pagbabagong iyon, pahihintulutan na silang makapagmay-ari ng mga gusali’t lupain sa bansa, gayundin ng 100% kontrol o sapi (stocks) — ngayo’y 40% lamang — sa mga negosyo’t korporasyon. Higit sa lahat, at kasumpa-sumpa, pahihintulutan na rin sila na pasukin at kontrolin maging ang pambayang mga utilidades (public utilities) na marapat lamang hawak ng mga Pilipino, gaya ng transportasyon at telekomunikasyon, ospital at mga paaralan, serbisyo sa tubig at kuryente, daluyan ng pangmadlang komunikasyon o mass media (mga estasyon ng radyo’t telebisyon, mga magasin at peryodiko, atbp.).

Ano pa, kung gayon, ang diumano’y pinangangalagaang sagradong soberanya ng Republikang Mamon? Gusto na yatang ipalamong buung-buo ang bansa sa ganid na bibig ng kanilang sinasantong dayuhang mga mamumuhunan, lalo na nga ang mga kampon ni Uncle Sam. Sabagay, sa panahon pa ng kolonyalismong Kastila, ipinanukala na nga noon pa ng mga ilustradong kasapi sa La Liga Filipina na gawin nang probinsiya, hindi kolonya, ng Espanya ang Pilipinas. Gayundin naman, matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, iminungkahi naman ng mga Amerikanistang taksil sa bayan (itinuturing pang mga bayani sa ating kasaysayan!!!), at nagtayo pa nga ng mga organisasyong kaugnay nito, gaya ng Partido Conservador at Asociacion de Paz, na gawin nang isa sa mga estado ng Estados Unidos ng Amerika ang laging ginagahasang bansa.

Kayo na ang mag-isip, mga kababayan at kaibigan, kung ano ang kahihinatnan ng bansa sakaling maisalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang mga patakarang pangkabuhayang pabor lamang sa mga diyus-diyosang imperyalista!
===============================================================

Sona Sa Republikang Mamon

Naduduwal kami mula pa sa panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyang rehimen tuwing tatangkain namin at pipilitin ang sariling pakinggan ang bawat SONA ng nagririgodon sa kapangyarihan na mga panginoong angkan lamang ng iilang pamilyang mahigpit na kumukontrol sa pambansang pulitika’t ekonomiya sa kapinsalaan ng bansa’t masang sambayanan.

Natural, hitik sa hungkag na retorika ang bawat SONA, parang ampaw na hangin ang laman, lalo’t sa kabila ng mga buladas na iyon, wala namang makabuluhan o radikal na pambansang mga pagbabagong nagaganap hanggang ngayon. Tumindi pa nga ang disempleyo’t karalitaan, umalagwa ang presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo, naging garapal ang nakalululang mga katiwalian sa burukrasya, lalong “ipinanganganak na parang lumot” at namamayagpag sa poder ang mga dinastiyang pampulitika, patuloy na nasasalaula ang mga karapatang pantao at, higit sa lahat, patuloy na nagpapakatuta at masugid lamang na tagahimod ng kuyukot ng dayuhang mga interes — lalo na ng Amerika — ang walang gulugod na pambansang lideratong bentador ng kapakanang pambansa at ng kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon.

Ano pa nga ba ang bago? Kahit walang siyentipikong batayan, baka mabuti pang maniwala na lamang kami sa horoscope kaysa mga SONA, sapagkat matapos naming pakinggan ang mga iyon, lagi’t lagi na lamang naming naisisigaw: Putang’na! SANA!
==============================================================

Anak Ng Gunggong At Galunggong

Sa kasagsagan ng mga pagbaha kamakailan sa iba’t ibang lugar ng bansa, hindi lamang ang buhay ng mga tao ang nasalaula kundi maging ang tamang paggamit sa ating wika. Punyeta! Anak ng gunggong at galunggong! Namutiktik mismong sa bunganga pa ng mga itinuturing na matatalinong brodkaster o tagapagbalita sa radyo’t telebisyon ang mga praseng di malaman kung hinugot sa puwit ng kung sinong bakulaw. Nariyan ang TUBIG-BAHA at TUBIG-ULAN na maaari namang BAHA na lamang o ULAN (maliban na lamang kung may IHI-BAHA, LAWAY-BAHA, UHOG-BAHA o IHI-ULAN, atbp.). Bakit di pa sabihing mataas ang baha, o lampas-tao ang tubig, o malakas ang buhos ng ulan? Nariyan din ang praseng walang patumangga kung gamitin — NA KUNG SAAN (sa maraming pagkakataon, NA lamang ang katumbas nito).

Dispalinghado rin kalimitan ang paggamit sa NG at SA. Malimit kong marinig ang pag-uwi NG bahay (bahay ang umuuwi kung gayon na dapat sana’y pag-uwi SA bahay), pagsalubong NG Bagong Taon (di ikaw ang sasalubong kundi bagong taon; sana’y pagsalubong SA). Naiihi ako kapag naririnig ko pa ang “bagong PANGANAK na sanggol, namatay” sa kanilang pagbabalita. Ang galing ng mga sanggol (kung babae) sa ating bansa….sanggol pa lamang ay nanganganak na. Ano kaya ang naging anak, babae o lalaki o tungaw? (LALAKI, di LALAKE, BABAE pero BABAING at LALAKING; marami rin ang nagkakamali sa paggamit sa naturang mga salita).
Isa pa, di iilang ulit ko ring narinig: Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng SUNOG. Natural, APOY ang pinagmulan. Saan nagmula ang apoy — sa kuryente ba, sa may sinding kandila, sa sinindihang gas ba o gasolina, atbp.?

Sa mga babasahin naman, karaniwang kamalian ang paggamit sa RIN at RAW, DIN at DAW, NANG at NG, kahit ng mga nagsusulat na noon pang panahon ni Matusalem. Sa abot ng aming munting kaalaman, RIN at RAW kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowels — A, E, I, O, U at malapatinig na Y at W), at DIN at DAW kapag nagtatapos naman sa katinig (consonants). NG naman kapag ang tinutukoy ay pangngalan (noun — mga tao’t bagay, halimbawa NG usok, NG manok, atbp.) at NANG kapag pamanahon o pang-abay (adverb) at pandiwa (verb) at pang-uri (adjective) ang tinutukoy. Halimbawa, NANG siya’y umalis… NANG nakawin niya ang itlog ni Pedro, NANG batukan niya ang gunggong, tumakbo siya NANG mabilis, ngunit NG malakas na tao dahil tao ang tinutukoy, hindi malakas. Marami pang halimbawang maibibigay. Muling mag-aral na lamang.

Isa pang nakakukulo ng dugo ang karaniwang paggamit sa SIYA sa mga hindi naman tao ang tinutukoy. Masarap SIYA (pagkain pala); masarap SIYANG dilaan at supsupin (sorbetes pala); malambot SIYA (kutson pala); matigas SIYA (karne pala, akala ko’y bangkay); maluwang SIYA (damit pala). Diyos ni Abraham, ako ba’y nananaginip lamang o nasa Jupiter na naman! Idagdag pa nga ang inimbentong mga salita ng “magagaling” na brodkaster na hindi malaman kung kaninong puwit ng bakulaw hinugot tulad ng mga sumusunod: KONSERNADO, KOMENTO, KAGANAPAN, TALENTADO, NOW NA, HINARASS, NIRAPE, DINILIBERATE, DINISCUSS, at marami pang ibang mga salitang may katapat naman sa sariling wika. Tinatawag pa ngang MANANAKAY ang simpleng PASAHERO. Sabagay, sabi nga, patuloy ang ebolusyon ng wika hanggang sumusulong ang sibilisasyon at, sa isang banda, ang mismong sambayanan lamang ang makahahatol sa katumpakan ng mga salitang kanilang tinatanggap at nauunawaan.

Higit pa ngang nakababaliw ang balitang inilathala sa isang tabloid kamakailan: PINOY NA NAMATAY SA PAGSABOG SA SAUDI, NAKAUWI NA. Anak ng kuwagong duling! Ang galing talaga ng Pinoy, bangkay na’y NAKAUUWI pa; naglakad ba, o sumakay sa eroplano o barko o anuman? Di po ba dapat ay NAIUWI na? Namatay sa PAGSABOG; ano ang sumabog — kamatis ba, patatas ba, sibuyas ba o lintik na buhangin? Di po ba dapat ay namatay sa pambobomba, o pagsabog ng granada?

Marami pa sanang mga kamalian sa wastong paggamit sa ating wika na maaaring talakayin dito ngunit, sa isang banda, baka naman tuluyuan na kaming mabaliw. Anak ng gunggong at galunggong! Pasensiya na po kayo sa bahagya kong natutuhan sa tinapos kong kursong B.S.C.E. (Bachelor of Science in Civil Engineering). Mabuhay po kayo!
===============================================================

Ilang Pahabol

Kaugnay ng kontrobersiyal na RH Bill, mukhang totoo pa rin ang sinabi ni Rizal sa kabanatang Ang Mga Makapangyarihan Sa Bayan sa kanyang nobelang Noli Me Tangere: “Ang Simbahan ang siyang ulo, at ang Pamahalaan ang siyang bisig.”

Bakit hindi buwisan ang mga kinikita ng Simbahan, gayundin ng iba pang mga sektang panrelihiyon? Ang suwerte naman nila. Kanila na ang langit, libre pa sila sa lupa!
==============================================================

Sino ang nagsabing kung minsan ang taong nagsisikap paligayahin ang kapwa ang siya pang pinakamalungkot? Ipinapayo ngang huwag ninyo siyang iwan o iwasan at itakwil, sapagkat hindi niya kailanman sasabihing kayo’y kanyang kailangan.
===============================================================

Maraming tao, lalo na ang mga ignorante, sabi nga ni Mahatma Gandhi, ang nagnanasang parusahan ka dahil sa pagsasabi mo ng katotohanan, dahil tama ka, at dahil ikaw ay totoong ikaw. Hindi dapat ihingi ng paumanhin, sabi niya, ang iyong pagiging tama o dahil maraming taon kang nauna sa iyong panahon.

Kung alam mong tama ka, at kahit nag-iisa ka lamang, huwag matakot na ihayag ang nilalaman ng iyong isipan. Ang katotohanan ay mananatiling katotohanan.
=============================================================== **********

Read Full Post »

So Cruel To Think Of Adieu


(A poem not for lovers per se)

suddenly, yes, suddenly
i know all will end
in a fleeting moment of awakening
those lingering illusions of love
those tempting stares and smiles
and tender caresses on the arms
are mere pieces of shattered glass
scattered on desolate leaves of grass.
i know everything
will come to pass
like footsteps on the sand
like flashes of lightning in the sky
or the last gasps of a dying man.

so cruel to think of adieu
for am certain after parting
painful memories
will scorch my flesh
and pierce my mind
your shadows will stalk me
in every deserted streets
together we’ve strolled
in every poetic places
we’ve built our castles
of liberating dreams.
how can i learn to forget
when in every minute
memories cascade
in the waterfall of my brain?
but can you still remember me
as time silently passes by
especially at dusks
when loneliness is as cold
as the dewy december dawns?
can you still remember me
in the years to come
in your world of sacred dreams
even faded are the pictures
of our struggling togetherness
while tenderly, so tenderly
the dried leaves of memories
begin to fall and kiss
the parched earth of despair?

can you still remember
the old rag you most needed then
when your shivering soul
feverishly groped for love’s embrace?
when gone you are
and wish no more
to glimpse at me and behold
what can i do
but to embrace my solitude
and hope forevermore
that in this time and space
in the rebellious moment
of my forsaken life
you will again walk by
like the solitary music
so many, many times
am always yearning to hear
though violently slashing my heart
and continuously paralyzing
my meandering tormented soul
so cruel, yes, so cruel
to always think of goodbye!

Read Full Post »

Your Music I Love


(Poem)

your music
i love
the sounds of cymbals
in the black-weeping night
the growling staccato of gunfires
in the labyrinths of my mind
full of throbbing cadences
striking thunderbolts in my spine
with catapultic crescendo
of exploding bombs
piercing my soul and eardrums.
your music
i love
as it slaps my senses
and awakens me more and more
it dilates my nostrils and eyes
and gnaws the sinews of my heart
it hums rebellious notes in my blood
and fills the grail of my being
with hot streams of cascading courage
for you and me
for our grieving sons and daughters
under the golden-elusive sun
so, at last, the red, red roses
sown in the garden of eternal hope
will triumphantly bloom forevermore.
your music
i love
it rekindles the fire in my loins
to thunderously cuss and blast
the lurking-predator demigods
it cleanses my soul
to embrace a sacred cause
it sharpens my vision
to see society’s abominable
contradictions and oozing sores
and the miseries of the poor.
your music
i love
it makes me hear the lamentations
of the oppressed-downtrodden class
its lyrics brewing in the cold wind
blowing the dark-rolling clouds
in the skyline of discontent
the chorus invectives full
beheading with scathing words
the privileged-exploitative few
in rotten-stinking palaces
of rogue kings and centurions
of injustices and greed.
yes, your music
i love
it lingers on and on and on
the notes of resounding hope
the lyrics of continuing struggle
of a people long enslaved
manacled by tears and grief
in a barren-wretched land
the forsaken la tierra pobreza
of my nightly dreams
your music
i love
with its fiery-liberating
revolutionary lines!

Read Full Post »


(Tula)

sa gubat ng dilim at sagimsim
bakulaw silang nagbabaging
nakabiti’t sumisigaw sa hangin
silang mga intelektuwal
na iniluluwal ng mga toreng-garing
silang kinapon ng mga unibersidad
silang nakabilanggo sa mga aklat
silang binulag ng mga letrang
tiwalag sa reyalidad
silang pinasakan ng bulak sa ilong
at inimbalsamo ng teorya’t ideya
ulong di tiyak direksiyon ng dunong
silang ibig nguyai’y puro pormularyo
at bawat salita’y laging de numero
at inililibing ang angking talino
sa mundo ni focault, derrida at plato
sa baging ba lamang laging nakabitin
silang ang totoo’y malabo sa tingin?

silang nagbabaging sa gubat ng dilim
ang dagat ng buhay ay ayaw sisirin
gayong hinahanap perlas na maningning
sa dampa’t kubakob ng bukid at bundok
ni ayaw pumasok-mangarap-matulog
ni ayaw titigan nag-usbong na hamog
upang makita luha ng dayukdok
ni ayaw yumapak sa lupang maputik
ni ayaw lumusong sa linang ng bukid
ni ayaw tahakin nagdipang pilapil
habang sumasayaw kugon at talahib
upang madama ang tibok ng dibdib
ng uring dinusta at naghihimagsik
kailan isasawsaw sa patis at suka
daliring nilandi’y mga porselana
pilak na kutsara’t kristal na kopita?
kailan lalamasin malamig na kanin
upang bukalan ng katotohanan
bibig na namaga
sa pagnguya-pagngata
sa inanay at pilas na aklat
na ayaw ilahad-ihantad
maalingasaw na reyalidad
ng lipunang nagnaknak na’t
mga uod ang lumalantak.

silang nagbabaging sa gubat ng dilim
ni ayaw makita pulandit ng dugo
mula sa daliring naputol
nginasab-nilunok ng makinang hayok
hanggang balat
dugo’t-buto’t-laman
ng hinlalaki’t hintuturo
sa nagiling na karne’y humalo
carne norteng igigisa
ipipritong longganisa
sa mantika ng lungkot at dusa
silang nagbabaging sa gubat ng dilim
silang pilosopiya’t hungkag na ideya
pansabaw sa ulam at kanin
silang nakikipagpatintero
kina hume, heidegger
nietzche’t mga henyo
hanggang mga teoryang ibinabando
naging sangkutsado
di tuloy matiyak
adobo ba o asado
at kalimita’y di malunok
ng lalamunang titiguk-tigok
ng masang sambayanang
parang trumpong pinaikot.

kayong nagbabaging sa gubat ng dilim
bakit di ninyo talunin ang bangin?
bakit ayaw ninyong bitawan ang baging
paa ay isudsod sa lupa ng lagim
amoy ng pulbura ay inyong langhapin?
anghit ng magsasaka
ay inyong singhutin
habang binubungkal
bukiring di kanya
bakit di titigan ang mga sakada
habang nakaluhod sa imbing asyenda
aba ginoong maria ay nililitanya
sa mga kabyawan at asukarera?
bakit di dinggin hagulhol ng ina
sumpa’t himutok ng galit na ama
hinagpis ng nabaog sa inhustisya
at plegarya ng sinikil na kaluluwa
baka masagot din ng hagupit ng habagat
singasing ng punglo’t sagitsit ng kidlat
laksang tanong ng madilat na reyalidad
bombang sasambulat din
mga tugong di maipaliwanag
ng inaamag na mga aklat!

Read Full Post »